special chapter

50 1 0
                                    



"Go, Neil!" Malakas na hiyaw ng dalaga habang nakatuon ang buong atensyon sa kaniyang kasintahan na kasalukuyang naglalaro ng basketball.

"3 points, Valdez!" Agad na naghiyawan ang mga manonood nang muling magsalita ang MC. Ang sumunod na kilos ng binatang si Neil ang mas nagpahiyaw sa mga manonood lalo na ang mga dalaga. Kinindatan kasi ni Neil si Ysabelle na akala ng ibang dalagang manonood ay para sa kanila.


Hindi maipaliwanag ang tuwa at liwanag sa mga mata ng dalaga ganoon din sa binata. Parehas silang masaya habang nakatingin sa mata ng isa't isa.


"Kaya mo 'yan, M-mahal," nautal pang sabi ni Ysabelle sabay taas ng tarpaulin na kaniyang hawak-hawak.





Nagpatuloy ang paglalaro hanggang sa i-announce ang nanalo. Panalo ang team kung saan kabilang si Neil.


"Ang galing talaga ni Yuri," sabi ng isang babae na kung titingnan ay isang freshmen student.

"Mas igop si Kuya Neil, pangalan pa lang!" Natawa naman si Ysabelle nang marinig niya ang pangalan ng kaniyang boyfriend.


"No, kahit talunan si Louie ngayon, naku!mananalo pa ulit 'yan."

Napailing na lamang si Ysabelle sa mga naririnig. Mga kabataan nga naman, kapag may nakitang pogi, crush agad.


Maingay ang buong gymnasium dahil sa dagsa ng mga tao kanina. Ngayon naman, mas maingay pa dahil sa pauwi na ang karamihan. Nagpaiwan si Ysabelle na hinihintay pa ang kasintahang si Neil.



"Sab, si Alliyah pala? Sayang, hindi niya napanood ang laro namin," bungad ni Yuri habang nagpupunas ng pawis sa noo. Hindi nakapunta si Alliyah dahil masama ang pakiramdam niya ngayon.



"Masama ang pakiramdam sabi niya," nakangusong sagot ni Ysabelle. Napakamot si Yuri sa kaniyang batok habang kinakalikot ang bag. Hinahanap ang kaniyang cellphone para i-video call ang si Alliyah na ngayon ay masama ang pakiramdam.





"Ang tagal naman no'n," reklamo ni Ysabelle dahil sa pagkabagot. Kanina pa niya hinihintay ang kasintahan pero, halos nakalabas na ang mga kasamahan nito wala pa ring Neil na lumalabas.



Sa isip ng dalaga ay nagbibilang na siya ng bawat minuto. Ngunit lumipas na ang limang minuto, wala pa rin si Neil. Akmang susundan na niya ito nang unti-unting namatay ang mga ilaw. Pinipigilan niya ang sariling huwag mag-panic. Pilit niyang inaanag kung may naiwan pa bang ibang tao sa loob ng gymnasium ngunit bigo siya. Tanging siya lang ang naiwang mag-isa sa madilim na loon ng gymnasium. Kahit na hirap na hirap ang lalamunan sa pagsasalita ay pilit niya pa rin itong sinusubukan.



"Hoy, hindi ito magandang prank! Saan kayo?!" Malakas na sigaw ni Ysabelle ngunit wala siyang nakuhang sagot. Maging si Yuri na kausap niya kanina, hindi na niya makita.



Tahimik nag namayani ang kabuuan ng gymnasium at tanging sariling boses lamang niya na nag-e-echo ang naririnig.



Unti-unti siyang napasandal sa upuan. Nanghihina siya dahil sa pag-aalala at kaba. Hindi na niya nagawang tingnan ang mga pinto dahil sa panghihina. Unti-unti siyang naupo bago ipinatong ang kamay sa balikat.




Magkahalong pag-aalala at natatakot ang nararamdaman niya. Tama nga siya, lahat aalis. Walang permanente. Nanghihinang naupo siya sa isang bakanteng upuan. Akmang yuyuko siya upang pakawalan ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.



Ngunit natigilan siya nang makarinig ng pagtipa ng gitara. Unti-unti inilibot ng kaniyang paningin ang loob. Dahan-dahan siyang humakbang papunta malapit sa tunog na kaniyang naririnig. Kasabay ng kaniyang paghakbang ang pagbukas ng ilaw sa bawat madadaanan niya.


Malapit na siya sa mismong lugar kung saan naririnig ang gitara. Mas lumapit pa siya sa direksyon na sinusundan habang patuloy na pagbukas ng ilaw ang bawat daan patungo roon. Nalilitong napangiti ang dalaga nang mapansin ang nagkalat na mga petals ng kulay puting rosas ang nasa semento. Napailing siya sa naisip na dahilan. Nakilala niya ang boses ng kumakanta habang nagtitipa ng gitara. ILYSB by: LANY





Mabilis niyang tinahak ang daan papasok sa isang room na nasa loob ng gymnasium. Doon niya naririnig ang tugtog ng gitara.


"Neil! You jerk!" Hindi niya mapigilang sipain ang pinto dahil sa magkahalonh kilig at the same time ay naiinis. Naiinis dahil sa surprise na naisip ng kaniyang kasintahan.



"Bakit? Maawa ka naman sa pinto," wika ng binata na nagpipigil ng tawa. Kahit pinto hindi pinalampas ng kaniyang girlfriend.



"Maawa? Halos maiyak na ako kanina no'ng mawalan ng ilaw!" Napailing na lang siya sa rekasyon nito. Inaasahan na niyang ganito ang magiging reaksyon ni Ysabelle habang pinaplano pa lang niya. Knowing Sab, takaw-gulo ito noon. Pero, ngayon unti-unti na siyang nagbabago. Marami siyang kahinaan na hindi nakikita ng karamihan. Magaling siyang magtago ng nararamdaman.



"I love you babe, so bad." Pinagpatuloy ni Neil ang pagkanta. Huminto siya saglit saka inabot ang bouquet na puno ng mga chocolates para kay Ysabelle.



Mabilis na nagbago ang aura ni Ysabelle. Nagningning ang mata niya sa nga chocolates. Tila napagaan agad nito ang puso niya. Alam na alam talaga ni Neil kung paano suyuin si Sab kaya nakahanda agad ang chocolates para sa kaniya.

"Happy Anniversary, Mahal." Lumapit si Ysabelle sa kasintahan bago niya sabihin ito. Hinampas niya ng mahina sa braso bago niya ito niyakap.


"Nakakainis ka! Akala ko pa naman nakalimutan mo," pagmamaktol ni Ysabelle habang nakayakap sa kaniyang bewang ang kasintahan.



"Why would I forget the most important date in my life?" Isang malawak na ngiti ang pinakawalan ng dalaga bago maupo sa table na nasa loob.



"Happy Anniversary," wika ni Neil bago halikan ang noo ng dalaga. Sabay silang natawa nang sikuhin siya ni Ysabelle. Kahit na sanay na si Ysabelle sa pagiging sweet ng kaniyang kasintahan, hindi pa rin niya maiwasang mahiya sa tuwing gagawin ito sa kaniya.


"I love you," sabay nilang wika habang nakatitig sa mga mata ng isa't isa na bakas ang saya at pagmamahal.

Her Unforgettable Past | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon