Chapter 1

8K 181 19
                                    

"Good morning " I smiled upon hearing those words. Tumingin ako sa mga estudyanteng nadaanan 'ko at binigyan sila ng ngiti.Most of them ay naging klase ko sa grade 11 .Humawak rin ako ng ibang subject kahit na hindi aligned sa application na pinasa 'ko .Hindi ko naman talaga gusto ang subject na nakuha ko noong una pero may isang reason kung bakit ako nag stay .

Ngayong taon ay nagkaroon ng pagbabago sa mga subject teachers .Isa sa kanila ay naka maternity leave habang ang iba naman ay pinili nang lumipat ng school .Dahil doon umikot na rin ang subjects na hawak namin .And after a year hahawakan ko na rin ang subject na business finance.Thank god may background ako about dito.

Hindi daw muna ako hahawak ng Filipino subject .Filipino is a minor subject ,hindi naman siya specialization ng mga senior high school students kaya kahit sino pwedeng humawak. Gusto nilang ilagay ang mga teachers na may background na sa current subject .Before ,I pursued e-commerce or mas kilala na ngayon bilang accounting ,but you know ,may iba ibang dahilan ang mga tao .Kaya pinili ko nang mag shift para hindi na mahirapan .

Matapos ang ilang hakbang sa napunta na rin ako sa room na kina kailangan kong puntahan. Ito ang una 'kong klase para sa semester na ito .Huminga ako ng malalim at tumingin sa salamin ng pintuan .Ilang beses kong tiningnan ang sarili ko .Pagkaraan ng ilang minuto ay doon ko lamang pinihit ang door knob ng pintuan. Nawala ang ilang ingay at mabilis na naglakad papunta sa kanilang mga upuan ang mga estudyante.

Kahit kinakabahan ay pinili ko pa ring itaas ang aking noo .Tumingin ako sa table at inilapag ang hawak kong laptop. Inilagay ko aking nanginginig na kamay sa desk.

"Good morning "

I properly utter. Halos pipiyok pa ako sa kalagitnaan ng salita mabuti na lang at napigilan ko .Some of the students greeted me back .Tiningnan ko ang paligid at napansin na marami pang mga upuan ang bakante .I slowly lift my hand to check my wrists watch .

"Let's wait for your classmates "

Pagkasabi non ay hindi ko na hinintay ang sagot nila. Pinili kong tumalikod at umupo sa unahang upuan. Binuksan ko ang aking laptop para muling basahin ang curriculum na hinanda para sa subject namin .

Makaraan ang ilang minuto ay sunod sunod na nagsipasok ang karamihan sa estudyante ng ABM 12 : 1 .It stands for grade 12 ; section 1 . Habang dumadami ang mga estudyante ay umiingay rin ang paligid. Halatang namiss nila ang isa't isa pagkatapos ng ilang buwan na bakasyon. Nang makarinig ng ilang sigawan ay napataas ako ng tingin. Agad namang tumahimik .Lihim na tumaas ang gilid ng labi ko .Nagugustuhan ko na dito .They know how to shut up.

I keep myself busy on my laptop .Pinasadahan ko rin ang mga pangalan ng mga estudyante ko ngayong semester .I printed their names para mas madali kong mahanap kaysa nasa google sheets lang.Habang nagbabasa ay napatigil ako

Isang ngiti ang sumilay sa labi ko ng mabasa ang kahulihang pangalan sa girls section .

Kimer Elyse Vanqueros

Napakagat ako ng labi at tinapos ang ginagawa .Pakiramdam ko nakatingin ang mga estudyante at minamanmanan nila ako .Ayoko namang mag isip sila ng kahit anong masama.

Nang marinig ang malakas na dagundong ng morning bell ay inayos ko na ang mga papel. Tumayo na rin ako sa kinauupuan at piniling tumayo sa gitna.Inikot ko ang mata sa paligid. Iba't ibang tingin ,iba't ibang impression .Eto talaga ang una mong makikita sa mga estudyante ,lalo na ang mata nilang mapanghusga.

Isa isa kong tiningnan ang mga upuan .My eyebrows furrowed nang makita ang apat na upuan sa gitna .Bakante ang mga ito at halatang hindi nagagalaw.Kinuha kong muli ang papel at hinanap ang mga pangalan .

Did You Miss Me Elyse ?Where stories live. Discover now