Chapter 2

4.3K 151 36
                                    

"Uncle"

Halos hindi na ako kumatok at binuksan ko na lang ang pintuan.

Isang linggo na matapos ang unang araw ng pasukan.

"Oh Adrienne " nakangiti niyang bungad sakin .Tunaas ang kilay ko at dali daling sinara ang pintuan. Pagkasara ng pinto ay mabilis ko siyang hinarap ,may atraso siya sa akin .

"Ano yung nakarating sakin Uncle.Sabi niyo sa akin niyo na  ibibigay ang section 1 ABM 12 .Uncle ,bakit malilipat naman ako sa section 4 ?" ungkot ko at padabog na umupo sa upuan sa harapan niya. Nakita ko pa itong nagulat ,marahil dahil sa pagdadabog ko .

"Mas magandang sa section 4 ka muna para makapag adjust ka pa " He reasoned out ,agad akong napatingin sa kanya at inikutan siya ng mata .

Akala ko ba hapag usapan na namin ang tungkol dito ?

"Uncle please ,I want section 1 kay Terisse mo na lang ibigay ang section 4 .Kung mag aadjust pa ,gusto kong sa akin parin ang section 1 " Mabilis kong sabi .Feeling ko frustrated na ako .Uncle remove his glasses at ibinaba ang hawak niyang ballpen .

"You really want that section huh?" He smile a bit kaya tumango ako .

Paawa effect ang peg ko habang nakikipag titigan kay Uncle. Wala itong nagawa kundi ang huminga ng malalim. Kinuha niya ang isang papel .Ngiting tagumpay ako nang marealize na iyon ang papers for adjusted schedule. Nakitq kong binura niya ang pangalan ko sa section 4 bago ilagay sa section 1.

"Bakit kasi hindi kana lang sa Guidance office?. Qualified ka naman doon at may bakante pang posisyon.Pinagsisiksikan mo pa ang sarili mo sa pagtuturo , pwede namang mapadali ang trabaho mo kasama ng mga admin" He says habang inaayos ang pagkakapatong ng mga papel. Napa ismid ako dahil sa sinabi niya.

"Uncle naman " Maktol ko agad.Alam naman niya ang reason.

"Baliw na baliw ka talaga sa batang Vanqueros ,naku" Iiling iling na sabi ni Uncle .

Ngumiti lang ako .Nagawa ko na ang kailangan kaya maaari na akong umalis. Bago pa ako makatayo ay nagsalita na naman si Uncle.

"Ang section 1 ABM 12 na lang ang ibibigay ko sayo baka sabihin ni Romiel ,pinapahirapan kita dito sa university "palatak niya at muling humarap sa mga papeles . Tumango na lang ako. Mabuti na yun at makikita ko araw araw si Elyse .

Lumabas na ako mula sa office ni Uncle .Pasipol sipol akong naglakad. Nakuha ko na naman ang gusto ko .

"Adrienne! " napatigil ako sa sigaw na iyon .Tumingin ako sa paligid at hinanap ang taong sumigaw. Agad kong  akita ang maibuga ko na nagtatakbo palapit sa akin .Parang bata talaga.

"Hinahanap kita kung saan saan nandito ka lang pala.Tara na, kain na tayo .Andoon na sila Shanny sa cafeteria " Irit na irit niya pang sabi  .Napatingin agad ako sa paligid ,mabuti na lang at wala namang estudyante sa magkabilang direksyon.Jusko, baka isipin ng mga estudyante, napakaingay ng adviser nila .May advisory class pa naman ang isang 'to.

"Oo na,' wag ka ngang maingay " takip ko pa sa bibig niya .Sumimangot naman ito pero hindi na nagiirit.

We continue walking in silence, taas noo akong naglakad habang katabi ang kaibigan ko . I need to look strict para respetuhin ako ng mga brat na estudyante dito .

This is a prestige university ,mga anak mayaman na may kakaibang pagiisip tungkol sa buhay, kapag hindi mo kayang itaas ang sarili mo, ibabagsak ka nila .

" Sa wakas gutom na ako " palagi naman siyang gutom. Halos ata morning break gusto ng kumain nang lunch.

"Let's order na " masayang sabi ni Shanny .Sa aming magkakaibigan ay siya ang pinakamahinhin at palangiti.

Did You Miss Me Elyse ?Where stories live. Discover now