Chapter 4

3K 132 8
                                    

"Let's go!! " Malakas na irit ni Shanny .

Napailing ako sa kaingayan niya ngayon. Minsan lang naman siya ganyan ,halatang excited kang talaga .Hawak nito ang braso naming dalawa ni Ariel at hila hila papasok sa loob. Gusto ko pa sanang magprotesta pero ang dalawa ay hindi na mapigilan .

They are both excited kapag liquor ang usapan. Kanina pa nila bukang bibig ang mga inumin, akala mo naman antagal nang hindi nakakatikim ng alak . Halos noong nakaraang buwan naman nandoon rin kami.

Kasalukuyan kaming naghihilahan ng biglang makasalubong namin si Miss Choi .Agad akong napaayos ng tayo, pinanood ko ang paglalakad ni Miss Choi waiting kung may kasunod ito .Pero wala lumagpas na siya ay wala namang nakasunod.

"Afternoon ,Yka " masayang Bati ni Shanny.

Pinanood ko ang magiging response ng bata pero tumango lang ito .Hindi ma lang nag effort na ibuka ang kanyang bibig para batiin kami. Minsan talaga rude siya .Mabuti na kang at member siya ng student council. Isa pa ,never ko pa siyang nakipagchismisan sa mga kaibigan niya .Pagsumasagot naman siya sa question on point na agad at wala ng paligoy ligoy .Kapag may follow up question lang ,doon lang siya muling sasagot.

"So cold " Hagikhikan ng mga kasama namin .

Pati bata niloloko nila. I mean 22 palang naman ako at mukhang nasa tamang edad na rin naman si Yka .

I gasped when I realize na may kasunod si Miss Choi .Malayo kangang naging agwat nila. Humahakbang ito habang walang tingin sa paligid.I bit my lip. Nang mapansin na sa mismong gilid ko sila dadaan ay napatuwid ako ng tayo. Tinanggal ko ang pagkakahawak ni Shanny sa braso ko at umayos ng hakbang . Ngayon ko lang siya ulit makikita. Kahapon ay may training siya kaya hindi ito nakapasok sa klase ko .Nag libot rin ako sa kabuuan ng school pero hindi ko siya mahagilap kahapon.

Kasabay pa nito ang dalawang kaibigan. Bahagyang tumigil pa sila at halatang may pinaguusapan. I watch on how they giggle and laugh.

Kahit na nakatingin ng diretso ay hindi ko pa rin maiwasan na hindi tingnan ang kauuan ni Elyse. She's wearing a jeans ,one white  T-shirt with her Adidas shoes .She looks presentable and attractive .How can she do that ?

Bahagyang tumigil ang mga kasama ko kaya agad akong napatingin. Humarap sila sa vending machine na nakalagay dito sa hallway .Ngayon ko lang uto nakita. Imbes na panoorin nag pagkuha nila ng softdrinks ay muli kong tiningnan si Elyse .This time ay napunta ang mata ko sa kamay niya.What's that? Is that a gift ?. One red paper bag .Wala namang nakatatak sa labas nito .So hindi yun nanggaling sa department store.

Nagsalubong ang kilay ko ng may maalala. May possibility na nanggaling iyon sa ibang tao .Ang mas nakakainis pa ay sa nagkakagusto sa kanya. I feel my head burn in annoyance .Bakit ba napakaraming nagkakagusto sa kanya ? hindi ba pwedeng walang kahati ?

Nang mapansin na malalagpasan na nila kami ay tinitigan ko sila .I cross my arms at pinasungit ang expression ko .Ms. Legaspi averted her gaze on me kaya nagtama ang mata naming dalawa. Tinaasan ko siya ng kilay kaya napaiwaas ito ,hindi na ako natutuwa.

"Afternoon Ma'am " Rinig kong sabi ni Elyse , tiningnan ko siya at inikutan ng mata .I saw how her eyes gaped. Halata ang pagtataka sa mukha nito .

Kahit ang dalawa niyang kasama ay napatigil .Nagkatinginan pa silang tatlo pero hindi na ako tumingij sa mga ito .Tinapik ko lang si Ariel para ituro ang hallway . Inayos na ng dalawa ang pagkakalagay nila ng wallet sa bag .

Lumagpas na ang tatlo pero wala pa rin ako sa mood. Nasira na ang araw ko. Excited pa naman akong makita si Elyse tapos ganito pa mabubungaran ko .

"Mamaya ko na bayaran Shanny " Rinig kong usapan ng dalawa .

Did You Miss Me Elyse ?Where stories live. Discover now