Seductive

340 13 0
                                    

Nang makarating sina Shawn at Aika sa kuta niya ay sumalubong sa kanila ang mga tunog ng putukan.

Pagkaparada pa lang ni Shawn ng motor niya ay agad naman bumaba si Aika. Itinaas nito ang dress at hinugot doon ang baril na nakasuksok sa hita nito.

Nasaksihan naman ni Shawn ang sandali na iyon, halos lumuwa ang kanyang mata nang masulyapan niya ang maputi at makinis nitong hita.

"Ar–"

Nabalik naman siya sa katinuan nang tampalin ni Aika ang noo niya.

"Humanda ka at may kalaban, hindi yung kung saan saan nakakaabot ang mga mata mo," wika ni Aika. Dahan dahan naman itong sumilip sa isang sulok.

Kinuha ni Aika ang selpon nito at nagdial. "Hello, I need backup," bungad nito sa kabilang linya. "Itetext ko ang address," sambit nito bago binaba ang tawag. Saglit naman muna itong nagtipa bago kinasa ang baril.

Manghang mangha naman si Shawn sa bawat galaw ng bibe niya. Nang makarecover siya sa nakita niyang hita ni Aika ay kumuha siya ng isang kahoy sa gilid na may mga pako na nakabaon.

May narinig silang kaluskos sa gilid, nang makita ni Aika ang itsura ng armado ay agad nitong pinatamaan ang binti nito. Sumirit ang dugo nito, pinukpok naman ni Shawn ang ulo nito. Dahil sa pagpukpok na yun ay bumaon ang ilang pako sa ulo nito na dahilan para mamatay ang lalaki.

"Nice one, Bibe," pagpuri ni Shawn kay Aika.

Hindi naman siya nito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad papunta sa kung saan naroon ang mga putukan.

Habang naglalakad sila palapit doon ay panay paputok naman ng baril si Aika.

Nang makarating sila sa kuta nina Shawn ay tumambad sa kanila ang mga bangkay ng tauhan niya. Kinuyom niya ang kanyang kamao dahil sa nakita.

Sa sobrang gigil ay halos masira ang hawak niyang kahoy.

Samantala, habang nagmamasid ang dalawa ay hindi nila napansin agad ang lalaki na nasa isang sulok na may hawak ng baril at nakatutok kay Aika.

Naramdaman ni Shawn ang pagtutok na iyon. Bago pa man tumama kay Aika ang bala ay mabilis itong tinulak ni Shawn. Dahil doon ay siya ang sumalo ng bala, mabuti na lang at tanging daplis sa hita niya ang kanyang natamo.

Naging alerto si Aika dahil sa mabilis na nangyari, hinanap nito ang may gawa at hindi ito nagdalawang isip na barilin ang bungo nito.

Nang masiguro ni Aika na basag na ang bungo ng lalaki ay lumapit ito kay Shawn.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalala nitong tanong kay Shawn.

"Oo naman, malayo naman sa bituka," Dumadaing na sagot ni Shawn.

Napairap si Aika dahil sa pagsisinungaling ni Shawn. Kitang kita naman kung paano umagos ang dugo mula sa hita niya.

Lumapit si Aika sa kanya at inilabas ang panyo.

Hindi na nakapagreklamo si Shawn ng balutin ni Aika ang hita niya nang mahigpit.

"Aray, Bibe dahan dahan naman, first time ko ha," daing ni Shawn na may halong pagbibiro.

Sa halip na sagutin ay inalis ni Aika ang pagkakatali non at pinunit nito ang suot ni Shawn na pambaba.

"Woy– maghunos dili ka, hindi ako ganun na lalaki ha," bulalas pa ni Shawn. Pero sa isip niya ay gustong gusto niya ang ginagawa nito.

Nang mapunit ni Aika ang suot niya ay mabilis nitong kinuha ang maliit na bote ng alcohol sa ilalim ng suot nitong dress.

Hindi naman makapaniwala si Shawn sa babaeng nasa harapan niya.

Dirty BastardWhere stories live. Discover now