Starting Point

210 7 0
                                    

"Bakit niyo sinaktan ang bibe ko?!" sigaw ni Shawn at mabilis na sumugod doon. Malakas niyang sinipa ang lalaking sumaksak kay Aika. Sa lakas niyon ay nagpagulong-gulong naman ito sa lupa.

Agad naman niyang pinuntahan si Aika. "Ayos ka lang ba?" nag-aalala na tanong niya rito. Bago pa ito sumagot ay bumungad sa kanya ang dumudugo nitong baywang.

"Oo naman at saka hindi ko ito ikamamatay," sagot naman ni Aika habang pilit nitong itinatago ang sakit na nararamdaman.

Napansin naman ni Shawn ang pasimpleng pagdaing nito, kaya naman hindi niya muna ito pinansin at humarap sa anim na lalaking iyon. Biglang namang may nabuhay na kung ano sa loob niya nang makita niya ang mga lalaking iyon.

"Dyan ka lang ako na bahala rito," utos niya kay Aika.

"I'm not that weak, Shawny," mariin nitong sambit.

"Aba–" sasagot pa sana si Shawn ngunit huli na nang makita niyang nauna na itong sumugod. "Pasaway talaga ang bibe ko," dagdag pa niya at hindi maiwasang mapailing.

Tiningnan niya muna ang pagsugod nito na kung makipaglaban ay tila walang iniindang sakit. Makalipas ang isang minuto ay sumugod na rin si Shawn para tulungan ito. Gamit ang nakuha niyang kutsilyo sa lalaki kanina ay mabilis niya itong binaon sa leeg niyon.

"Para 'yan sa pagsaksak mo sa bibe ko," saad niya at mas diniin pa ang kutsilyo sa leeg ng lalaki. Nagsiritan naman ang dugo nito sa mga braso at damit niya. Binitawan niya lamang iyon nang wala na itong buhay.

Napatigil sa pakikipaglaban ang mga iyon kay Aika nang makita ng mga ito ang nangyari sa kasamahan nila. Maski si Aika ay nagulat din sa mabilis na pagpaslang ni Shawn.

Kung sila ay nagulat dahil d'on, si Shawn naman ay hindi kakikitaan ng kahit anong emosyon sa mukha. Tila ibang tao siya ngayon.

"Ang lakas ng loob mong patayin ang kasamahan namin, magbabayad ka–" pero bago pa ito makasugod ay pinigilan ito ng isang kasama niya. May ibinulong ito d'on na naging dahilan nang pagputla ng mukha nito. Huli na nang mapagtanto nila kung sino ang lalaking nasa harapan nila.

Nasa harapan nila ang hari ng selda. Kilala si Shawn dahil sa paglabas masok niya sa kulungan. Ilang presinto na rin ang pinasukan niya dahil sa iba't ibang rason, pero kahit gaano pa kabigat ang mga iyon ay nagagawa pa rin niyang malusutan.

Isang araw habang nasa kulungan sila ay nakita nila kung paano ni Shawn bugbugin hanggang mamatay ang preso na nambastos sa kaniya.

"Oh nasaan na? Lapit dito!" Nakangiting saad ni Shawn. Sa likod ng ngiti na iyon ay nagkukubli ang isang demonyo na tila naghihintay na kumitil ulit ng buhay.

Tila napako naman sa pwesto nila ang mga lalaking iyon. Pamilyar sa kanila ang ngiting iyon. At hinding hindi nila kailanman hihilingin na maranasan nila kung ano ang nangyari n'on.

Nanatiling nakatingin si Shawn sa mga ito. Kahit bumalik na si Aika sa tabi niya ay hindi pa rin nawawala ang mga titig niya sa mga iyon.

"ANO?! LALAPIT KAYO O AKO ANG PUPUNTA DYAN?!" banta niya na nagpangatal ng tuhod ng mga ito.

Pakiramdam ni Shawn ay sasabog siya dahil sa kakaibang nararamdaman niya. Para sa kanya ay mahalaga si Aika kaya naman nang makita niyang saksakin ito ay tila nagkakagulo ang persona sa loob niya.

"Ayaw nyong lumapit ha," wika niya.

Nag-umpisa na si Shawn maglakad palapit sa mga ito. Pero bago pa man siya makalapit ay may humawak sa balikat niya.

Nagulat siya nang makita niya si Aika na nakahawak sa balikat niya. Nagawa pa rin nitong makatayo kahit na dumudugo ang baywang nito at mukhang kaunti na lang ay babagsak na rin ito.

Dirty BastardWhere stories live. Discover now