PF: CHAPTER 6

4.3K 279 97
                                    

Jealous

Khrysha's POV

Nang-gagalaiting lumapit sa kanya si Ma'am. "How dare you to shout? I'm not talking to you."

Tumayo siya at marahas na sinagot si Ma'am, "Psh. Dalawa po kasi ang may apelyidong Tamayo. Sa susunod po, paki-emphasize na lang ng pangalan." nagulat kaming lahat sa inasta niya. Hindi naman siya ganyan. 

"Tabi nga!" tinulak niya ang isa naming kaklase.

Ano bang nangyayari sa kanya? Para siyang sinapian ng demonyo. Bago siya lumabas, nakipag-sukatan siya ng tingin kay Stephen. Galit ang aura na nakikita ko sa kanya. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan ka-galit. Hindi ko ma-ipaliwanag ang nararamdaman ko, may halong kaba at takot para sa mga pwede niya pang magawa dahil sa galit niya.

Masamang tumingin sa 'min si Ma'am, "And the two of you, GET OUT!" sigaw niya.

Pagkalabas namin ni Stephen, tumawa lang kami, "Ikaw kasi eh! Ang corny corny mo. Haha." pang-aasar ko sa kanya.

"It's my fault now? This is because of your corny knock knock." mataray niyang sagot.

Kiniliti ko siya sa tagiliran, "Hahahaha. Khrysha, stop!" dinilaan ko siya at kiniliti pa lalo.

"I said, STOP! Hahaha. Khrysha, I'm warning you! Hahaha. Stop!" tinigilan ko na ang pag-kikiliti sa kanya, baka kung ano pa ang gawin niya sa 'kin.

"KHRYSHA!" galit na sigaw ni Benedict at hinila ako papalapit sa kanya.

Natatakot ako sa nakikita ko. Para siyang mangangain ng tao. Mariin niyang pinisil ang braso ko. "Aray! Ano bang problema mo?" mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak sa aking braso.

Habang tumatagal, mas lalo akong nasasaktan. Hindi ako makawala sa hawak niya. Nasasaktan na ako! Halos bumakat na ang mga kamay niya sa braso ko. Kinagat ko ang labi ko para hindi ako maiyak. Naiiyak ako sa sakit.

Lumapit sa 'min si Stephen. Nagmamaka-awa akong tumingin sa kanya, "Hey, what are you doing? Bitawan mo nga siya, nakakasakit ka na." kukunin niya na sana ako pero itinago niya ako sa likuran niya.

Unti-unti niyang niluwagan ang pagkakahawak sa braso ko. "Bakit? Sino ka ba?" panghahamon niya.

"I'm his boyfriend." mas lalong umigting ang panga niya dahil sa sagot nito.

Naguguluhan akong tumingin kay Stephen at pinandilatan siya pero hindi niya ako pinansin. Mas lalo niya lang ginalit si Benedict. Nakasarado ang mga palad niya at tila ba handa na siyang manuntok. Kinakabahan na talaga ako.

Pumikit siya ng mariin, "In just one day? Hindi ako tanga para maniwala sa katulad mo." galit na galit niyang tinulak ang balikat ni Stephen.

Hindi ko na kaya pang panoorin lang sila. Pumiglas ako at puno ng galit ko siyang hinarap. "Ano bang problema mo? Kanina ka pa!" dinuro-duro ko siya.

"Hayaan mo na." pinipigilan ako ni Stephen.

"Hindi ko kayang manood lang sa inyong dalawa. Ano bang pinuputok ng butchi mo? Kung may problema ka sa 'kin---," sinalubong ko ang galit niyang mga mata. "huwag mo ng idamay pa ang ibang tao."

Hinawakan niya ako sa balikat. "You're stupid." sambit niya.

Sinampal ko siya nang malakas. Anong karapatan niyang sabihan akong stupid? Mas lalo niya lang ako ginagalit. Marami ng tao ang nakakakita sa 'min. At dahil 'don, pinipigilan kong huwag tumulo ang luha ko. Ayokong mag-mukhang kawawa.

"In just one day? Boyfriend mo na siya?"

"Anong paki mo?" matapang ko siyang sinagot.

"Are you that desperate? F*ck! Sinagot mo kasi gwapo siya? Ganyan naman kayo, basta gwapo sasagutin kaagad."

Pa-Fall Where stories live. Discover now