PF: CHAPTER 23

2.6K 145 39
                                    

Tamang lalaki

Kiana's POV

Kinakabahan talaga ako. Magkikita kami ni Stephen sa Starbucks ngayon. Biglaan niya na lang ako tinext kagabi na magkita kami. Nasa malayo pa lang ako nakikita ko na siya. Tindig pa lang niya kilalang-kilala ko na siya 'yon. Habang papalapit ako nang papalapit sobra talaga ang kabog ng puso ko. Parang gusto ng lumabas ng puso ko sa sobrang kaba.

Hindi! Kailangan kong magsungit para hindi niya mahalatang kinakabahan ako.

Dire-diretso akong umupo sa tapat ni Stephen.

"Kiana listen carefully." E kung ibato ko kaya 'tong bag ko sa pagmumukha niya! Hindi pa nga ako nakakaupo ng maayos tapos sasabihin niya na kaagad.

Inayos ko ang upo ko at saka siya nginitian ng pagkatamis-tamis kahit sa loob-looban ko gusto ko na siyang hampasin.

"Listen." sabi niya gamit ang seryoso niyang mukha. Ngayon ko pa lang nakita kung gaano siya ka-seryoso. Umuurong ang dila ko dahil do'n at abot-abot ang kaba ko dahil sa mga titig niya.

Ininom ko ang kapeng nasa harapan ko para hindi niya mapansin ang pagiging kabado ko. "Let's end this."  Padabog kong ibinaba ang tasang hawak ko. Three words lang 'yon pero kinukurot na nito ang puso ko. Mahabang katahimikan ang bumalot sa 'ming dalawa.

Gano'n na lang basta-basta? Iiwan niya na lang ako sa ere? Kung kailan unti-unti na kong nahuhulog saka pa siya mang-iiwan. Ang sakit. Sobrang sakit. Parang sinagasaan ng sampung tren ang puso ko.

Bago pa man siya makaalis ng Starbucks ay hinigit ko ang kanyang braso. Inis niya akong tinapunan ng tingin. Kailangan ko ng closure. Ayos naman kami, wala naman akong nakikitang mali para gawin niya 'yon. Parehas naman kaming single.

"Gano'n na lang ba 'yon ha?" Hinampas ko siya nang malakas sa braso. "Kiana!" sigaw niya sa 'kin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Marahas kong tinanggal ang kamay niya.

"Bakit ganyan kayong mga lalaki?! 'Pag nahulog na kami sa inyo saka niyo pa kami iiwan at babalewalain? Alam niyo ba 'yung nararamdaman namin sa tuwing gano'n ang nangyayari? Nasasaktan kami ng sobra."

Sasabog ako kung hindi ko ilalabas 'to.

Lahat ng mga mata nakatuon sa 'min. Wala na akong paki kung anong sasabihin nila. Gusto ko siyang tapunan ng kape at batuhin ng upuan.

"Gano'n ba ko kahirap mahalin?! E gago ka pala e! Sana hindi na lang ako pumayag!" Dinuduro-duro ko siya pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya.

Para na akong mababaliw sa nararamdaman ko ngayon. Halo-halo.

"Tapos ka na ba? Unang una sa lahat hindi kita pinilit. Pangalawa, pumayag ka. At higit sa lahat, bakit ka ba nasasaktan? Don't tell me- you're falling in love with me? Haha. DAMN KIANA!"

Nagulat ako sa malakas na paghampas niya sa lamesa. Na-estatwa ako. Naglakad siya papalayo sa 'kin, ginawa ko ang lahat para mahabol siya.

"Stephen..."

Muli siyang humarap at hinawakan ang kamay ko. "Kiana tama na! May iba akong mahal at hindi ikaw 'yon." Dinuro-duro niya pa 'yung parte kung nasaan 'yung puso ko.

Iniwan niya ako. Doon na simulang pumatak ang mga traydor kong luha.

Umalis ako ng may dinadalang sakit. Hanep! Pumunta akong walang sakit tapos pag-uwi ko meron na. Lintek na pag-ibig 'to!  Pangalawang beses na kong nasasaktan. Ang sakit-sakit.

Bakit ba kasi napaka-pasaway minsan ng puso natin? Gustong-gusto niyang nasasaktan tayo. Hay.

Alam kong si Khrysha lang ang makakapag-pagaan ng loob ko ngayon.

Pa-Fall Where stories live. Discover now