PF: CHAPTER 25

3.1K 143 24
                                    

True Identity

Khrysha's POV

Hanggang ngayon processing pa rin sa utak ko 'yung nangyari. Hindi ko alam kung totoo ba 'tong mga nangyayari sa'kin. Ngayon, kasama ko siya habang nakahiga sa damuhan. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang saya na nakakatakot. Saya dahil 'yung taong dating pinapangarap at tinitingala ko lang ngayon nandito na sa harapan ko. Umamin na mahal niya rin ako. Nakakatakot na baka saktan niya lang ako. Baka kasi isa nanaman ito sa mga trip niya. Natatakot ako sa lahat mg pwedeng mangyari. Ayoko nv masaktan.

Pagkatapos ng Christmas party ay dumiretso kaming magbabarkada sa Park.

"Mahal ko."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Kanina baby ko lang tapos ngayon mahal ko na. Ang bilis talaga ng galawan. Hindi ako sumagot dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko kaya mabuti pang manahimik na lang.

"Wala ka bang sasabihin?" Naka-kunot noo niyang tanong sa'kin.

Umiling ako. Nilalaro ko ang mga buhok niya. Lumingon-lingon ako sa paligid para makita sila Kiana. Nakangiti ako sa kawalan. Hindi ko alam na ganito pala kasaya. Masaya rin ako para sa mga best friend ko.

Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa'min. Tinanggal niya ang pagkakahawako sa buhok niya at saka siya umalis mula sa pagkakahiga sa'kin. "Uy!" Tumayo na rin ako para sundan siya. Tinatawag ko siya pero wala pa rin. Mas lalo lang niyang binilisan ang lakad niya. Ang bilis niyang magtampo. Alam ko naman talaga sasabihin ko kaso nahihiya lang ako kaya hindi ko masabi-sabi.

"Baby..." Niyakap ko siya mula sa likod. May mga iba na ring napapatingin sa gawi namin. Nakita kong papalapit sila Aphrodite pero pinigilan ko sila. Lumipat ako sa harapan niya at nakita kong nakabusangot siya.

Kahit nahihiya akong sabihin gagawin ko. Humanda talaga sa'kin 'tong lalaking na'to mamaya kapag nagkabati kami.

"Mahal ko..." Nginitian niya ako ng pagkalawak-lawak. Sabi na nga ba't ito lang hinihintay niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Halika nga rito. Lagi mong tatandaan na ikaw lang ang nagiisang babae dito sa puso ko." Umupo kami sa may damuhan malayo sa pwesto namin kanina. Hinangin nang malakas na hangin ang mga buhok ko. 

Bakit kahit ang corny niya sobrang lakas pa rin ng epekto kaya hindi ko talaga matago itong malawak na ngiti ko.

Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. "Hindi nga? Baka pagkapasok ko diyan may iba pa lang nakatira."

Nilabas niya ang phone niya at inilagay sa camera. "Baka naman 'yung puso mo ang meron?" Kung alam niya lang talagang loyal na loyal ako sa kanya rati pa.

"It depends." pang-aasar ko sa kanya. Gustong-gusto ko talaga kapag naaasar siya.

"Papatayin ko kung sino man 'yan." Nakangiti ako habang nakatingin sa camera. Kinuha ko ang phone niya at kumuha ng litrato namin. Ayaw niyang ayusin 'yung mga pose niya kaya tumigil ako.

Tinaas ko ang buhok niya. "Edi patayin mo sarili mo. Tapos iiwan mo ko, iiyak ako, mababaliw ako, tapos maghahanap ako ng iba, magiging kami, makakalimutan kita. Gusto mo ba 'yon?" Hindi siya nakasagot dahil sa sinabi ko. Ano siya ngayon?

Nagulat kami nang sigawan kami nila Kiana sa tapat ng tainga namin. Nandito nanaman ang mga panggulo sa love life ko. Iistorbohin kami para lang pag-usapan kung saan magbabakasyon.

"Hala! Baka hindi ako payagan kasi malayo. Gusto ko pa namang sumama." Nakangusong sabi ni Kiana. Masyado kasing istrikto ang papa niya. Bawal nga siyang umuwi ng gabi.  Ang ganda niya kasi.

Pa-Fall Where stories live. Discover now