M <3 4

574 10 0
                                    

"Hoy!"



Inis na binalingan ko si Zeke na nasa likod.Nakangisi naman si Cyrus sa tabi.

"Ano problema mo?"



"Wala naman.Gusto lang kitang gulatin.Masama ba?"Kung hindi lang niya kasama si Nyle ngayon na nagtatakang nakatingin sa kanila ay kanina pa niya nabatukan ang binata.


"Ang KSP mo!Alis ka nga dito!Shoo!"Paalis niya kay Zeke.Mas ngumisi naman ang binata.Tinaasan niya lang ng kilay si Cyrus ng umupo sa tabi nila ni Nyle.




"Kamusta,Cy?Hindi kita nakita kahapon?"Tanong ni Nyle kay Cy.



Sasabat sana siya sa usapan ng dalawa ng kulbitin na naman siya ni Zeke at tumawa.Baliw na ang isang to!Sobra!




Sinapak niya kaagad to ng kukulbitin sana siya uli nito.Mabuti na lang gutom siya kaya hindi malakas.






"Bakit ginawa mo yun?!"Nakasimangot na to.Umirap lang siya at tumayo.



"Oh!Saan ka pupunta?"




"Sa impyerno!Sama ka?!"





At tuloy-tuloy ng lumabas ng Room.Maganda na sana ang pag-uusap nila kanina ni Nyle kung hindi lang dumating yung kumag na si Zeke!KSP talaga yun kahit kailan.



Huminto siya sa tindahan ni Lenny,katapat ng Library at Room nila.Taka kaya no?



Ganun talaga sa school nila,maraming tindahan at stall ng pagkain.Kaya gustong-gusto niyang pumasok eh.Para kumain.






"Good morning!"Ngumiti ako kay Lenny at umupo na sa table na paborito niya.




"Ano order mo,miss maganda?"Napatawa siya sa tinawag nito sa kanya.Magkasing-edad lang kasi sila nito kaya naging magkaibigan sila.




"Ganun pa rin,Len"



"Okay!"Sumalute ito bago tumalikod.



Kinuha niya ang laptop at ini-on.Pagka-on niya ay kumonek kaagad yun sa Wifi na nasa tindahan.Napangisi siya ng makitang may nag-chat sa kanya.Bubuksan niya na sana yun ng makita niya na naman si Zeke.Hindi lang nag-iisa!Kasama na naman nito ang malanding si Nadine!



Parang nag-uunahan sa pagtaas ang dalawang kilay niya ng ngumisi ito pagkakita sa kanya.Nairitang kinuha niya ang notebook sa loob ng bag niya at nagsulat na lang dun.Nakalimutan na ang tungkol sa chat.



"Oh?Nandito ka rin,Xen?"Naiinis na tumingin siya kay Zeke.Mukhang sinasadya pa nitong dumaan sa harap niya at ibalandra ang girlfriend nitong malandi.Napatingin siya kay Nadine.


"Oh?Hindi halata?"Sarkastiko kong sabi.Mas lalo itong ngumisi sa kanya.




"Sana sinabihan mo ako para sabay tayo.Dito din ako pupunta eh"Pinukol ko siya ng nakakamatay na tingin.



"No thanks.Kaya ko namang mag-isa eh at isa pa kung hindi niyo po alam malapit lang to sa Room.At kung wala ka ng matinong sasabihin sakin,pwede bang umalis ka na lang kasama yang girlfriend mo"Masungit kong sabi.Nakita niya naman si Lenny na nakangisi,dala ang pagkain na inorder niya.



"Dito din kami kakain eh,di ba,Nadine?"Baling nito sa girlfriend.Mabilis namang tumango ang babae.






Wala naman siyang problema sa babae sa katunayan nga maganda at mabait to.Malandi lang talaga ang tawag ko sa mga babaeng umaaligid kay Zeke.Manyak at malandi eh,bagay!Civil ang pakikitungo ng babae sa kanya,ganun din siya.




Tumaas ang kilay ni Zeke sa sinabi niya.





"Ang arte mo!"




"Ang bakla mo!"




"Opps... Tama mo na yan.Xeena,ito na ang order mo"Napasimangot siya sa kaibigan.Binalingan naman kaagad nito ang dalawa.Si Zeke na nakatingin sa kanya ng diretso at si Nadine na nakataas na ang kilay.




"At ikaw,Zeke.Pwede bang humanap na kayo ng Upuan niyo para makaupo kayo at lalong-lalo na ang girlfriend mo"Sumang-ayon ako sa sinabi ni Lenny.Naks!Ang galing.





Pinaliitan lang siya ng mga mata ni Zeke.Napangisi lang siya at shinoo na to gamit ang isang daliri niya.





"Thanks!"Nag-thumbs up lang si Lenny sa kanya pagtalikod ng dalawa.Mabuting ngang umalis na ang dalawang yun.Gutom na kasi ako eh.





Nilantakan niya na kaagad ang pagkain na nasa harap niya.Napapikit siya dahil sa sarap.Nagulat na lang siya ng may humampas ng mesa niya.Napadilat siya wala sa oras.




Parang gusto kong pumatay ng tao ngayon!Now na!



Ngumisi lang ang binata sa kanya sabay dila.Sarap patayin ng taong nangangalang Ezekiel Montanez!Ugh!

Si Manyak at Si Maarte ^_^ *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon