M <3 22

251 3 0
                                    

Inayos ko ang hood ng jacket ko at maingat na bumaba.Alas dos pa lang ng madaling araw.Hindi ako makatulog kaya lalabas ako ngayon.Gusto ko makalanghap ng sariwang hangin at makapag-isip.Masyado ng magulo ang isip ko ngayon.

Madilim na sa baba.Patay lahat ng ilaw.Pagkababa sa huling baitan ng hagdan ay tiningal ko pa yun.Kailangan kong makasiguradong hindi ako nakita ng dalawang binata.Nang makitang wala naman ang dalawa ay dahan-dahan akong naglaka papunta sa pintuan.Mahigpit ang hawak ko sa susi ng sasakyan at sa laylayan ng jacket ko.

Nang dumaan siya sa bar ay nakita kong bukas ang ilaw dun.Nagtaka ako.Sino pa ang gising?Baka siguro naiwan lang nakabukas ang ilaw?

Dahan-dahan akong tumungo dun at sumilip.Si Zeke ang naroon!

Napatakip ako sa bibig ko at nanlabo ang mata ko nang makita ang binata.Ngumingiwi ito pagkatapos uminom ng alak.Hindi niya alam kung anong klaseng alak yun.Sandali itong natulala at umiling-iling.

Iniwas ko ang tingin sa binata.Sumandig ako sa pader at tumingal.Sh*t!Kailan pa ba mauubos tong pesteng luhang to?!Seriously?Kapag nakikita ko ang binata ay sumasakit ang puso ko.

Nanginginig na kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko.Pinahid ko ang mga luhang lumandas sa pisngi ko.

Nandun ang binata.Nakangiti habang katabi ang babaeng pinili nito noon sa kanya.Malapad ang mga ngiti ng mga to.Nasa likod ang mga magulang ng babae.

Bakit ganun?Kung okay na ang lahat,bumabalik pa ang mga taong nasa nakaraan?Akala ko kapag bibigyan ko ng chance si Zeke ay mapapawi na ang sakit?Pero bakit iba ngayon?Parang dumoble yung sakit?

Sinilip ko uli ang binata.Sige pa rin to sa pag-inom ng alak.Gusto kong puntahan to pero ano naman ang sasabihin ko?Na alam niyang nandito na ang babae?

Hindi ko yun gagawin.Hindi.

Lumunok ako at umalis sa kinatatayuan ko.Mabilis ako tumungo sa pintuan at binuksan yun.Huminga ako ng malalim na tinungo ang sasakyan ko.Matagal ko ng hindi ginagamit to pero sa tingin ko okay pa to.

Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan ko.Wala ng tao sa kalsada kaya okay lang.Mariin ang hawak ko sa manibela ng biglang tumunog ang cellphone ko.Hindi pinansin yun nang una pero sige ito sa pagtunog.Sinulyapan ko yun.

"Hello"Malamig kong sagot.Walang sumagot sa kabilang linya.Hininto ko muna ang sasakyan sa gilid at tinignan kung sino ang tumatawag.


Napamura na lang ako ng mabasa ang pangalan ni Zeke sa screen.Napapikit ako at binalik sa tenga ko ang phone.Malalim na hininga nito ang una kong narinig.Nahahapong napasandig ako sa upuan.


"Nasan ka?"Malungkot na tanong nito.Bumalik sakin ang lahat na alala noon.Nung panahon na kailangang-kailangan niya ang binata.Ganito din yun.Ganito din ang tagpong to!


Hindi muna ako sumagot.Dinig ko ang nahihirapan itong huminga.Napakagat-labi ako.


"Lumabas ka?Madaling araw na-"

"Wag na tayong maglokohan,Zeke.Alam mo kung bakit ako nagkakaganito"Mabalikis kong binaba ang tawag at pinaandar ang sasakyan.Wala akong pakialam kung magalit man ang binata sa ginawa ko.Naubusan na ako ng pakialam.Bahala na kong saan man ako dadalhin ng sasakyan na to.Gusto ko lang lumayo pansamantala.

Ini-off ko ang cellphone ko at lumabas ng sasakyan.Kanina pa kasi nag-iingay yun.Wala akong balak na sagutin isa man sa tawag.


Nilibot ko ang paningin sa buong paligid.Ilang oras ba siya nag-drive?Sobrang liwanag na sa labas.Napangiwi ako ng maramdaman ang sakit galing sa likod ko at balikat.Ito talaga ang pinakaayaw ko kapag malayuang biyahe.Sakit sa buong katawan!

Lumabas ako ng sasakyan ng mamataan ang Grocery store.Madaming tao dun.Sinigurado niya munang naka-lock ng mabuti ang sasakyan niya bago nagmarsta sa Tindahan.

Magwi-withdraw muna siya at bibili ng damit at maghahanap ng Hotel na tutuluyan ko ng ilang araw.


Papasok na sana ako sa Grocery ng may matandang babae ang muntik ng matumba sa gilid ko.Mabilis ko siyang tinulungan makatayo.Nakahawak siya sa braso ko at habol ang hininga.

"Lola!Okay lang po kayo?"Tanong ko sa matanda.Nilibot ko ang paningin.Wala man lang isa ang tumulong sa kanya.Tumingin ako kay Lola.Unti-unti nitong pinikit ang mga mata.Kinabahan na ako.


"Guard!Tulungan niyo ako!"Tawag ko sa dalawang guard na nakatunganga lang.Magagalit na sana ko ng may lalaking lumapit sa likod ni lola.Tumingin ako dito.At isang hindi pamilyar na mukha ang tumambad sakin.

"Miss,dalhin na natin siya sa hospital"Sabi ng lalaki sakin.Napatulala ako sa mukha nito.Hindi masyado narinig ang sinabi nito.


"Ha?"


Kunot-noong tiningan siya nito.Malalim ang mga kulay asul na mga mata nito.At seryosong-seryoso anh mukha.

"I said kailangan na natin siya dalhin sa hospital.Kakargahin ko siya"Natarantang binitawan niya si Lola.Mabilis nitong binuhat."Where's your car?"

Tinuro ko ang sasakyan ko at naunang pumunta dun.Pinatunog ko yun at binuksan ang pintuan sa backseat.Mabilis nitong nilagay si Lola at hinarap ako.

"Pwede ba akong na lang ang mag-drive.I know hindi ka tagarito"Hindi na ako nagdalawang-isip na ibigay ang susi ko at pumason sa kabilang pintuan.Pinaandar kaagad nito ang sasakyan niya.


Hawak ko ang kamay ni lola.Wala na itong malay.Sa tingin ko dahil sa sobrang init kanina sa labas ay nawalan ito ng malay.Napatingin ako sa lalaking sa harap.

"Miss,Puno ba ang tank mo?"Mariin nitong tanong sa kanya kasabay ng pagpatay ng makina ng sasakyan ko.Nanlaki ang mga mata ko.Sh*t sa lahat ba naman ng bagay ang gasolina pa ng sasakyan ang nakalimutan ko?!

Nahihiyang umiling ako sa estrangherong iritado na ngayon.Siya pa talaga ang may ganang magalit ah?


~~~~~~~~~~

Vote & Comment (:

Si Manyak at Si Maarte ^_^ *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon