M <3 28

236 3 0
                                    

Kumalas ako sa yakap ni Zeke at tumingala.May ngiti na sa labi ko nang harapin ko ang binata.Ngumiti rin to.

"Uwi na tayo?"Tanong ko.Niyakap naman siya nito sa likod at nilagay ang ulo sa leeg ko.Napangiti na lang ako sa ginawa nito.

"Yes,let's go home..."Tumango ako at hawak kamay na pumasok sa bahay nina Shan.Naabutan pa nila ang apat na nasa pintuan at kitang-kita ko na sumisilip ang mga to.Ngumisi ako.

Nag-iwas ang mga to ng tingin sa kanilang dalawa.Nakangisi lang si Nyle.Nag-walk-out lang si Shan habang si Cyrus ay nakangisi na rin sa kanya.

"Ang stismosa mo talaga!"Pagalit na sigaw ko kay Nyle.Nagpeace-sign lang to sakin at tumingin kay Zeke."Okay na kayo?"

Tumango lang ako.Nanlaki ang mga mata nito at sumigaw.Napangiwi lang ako.

"Oh god?!Sabi na nga ba magkaka-ayos kayong dalawa eh!Haha"Niyakap siya nito.Napaigik lang ako sa sobrang higpit ng yakap nito.

"Opppps...tama na yan,Nyle"OA na saad ni Zeke at kinuha pa ako sa yakap.Siningamutan lang to ni Nyle.

"OA mo,Zeke!"Suminghap lang ang binata at niyakap ako sa likod.Napatingin tuloy ako sa tatlong lalaking umiiling.

"Sasama ka na sa lalaking yan,Xen?"Tumango ako."Are you sure?Hindi ka ba pinilit nang lalaking yan?You know,pwede ka ditong tumira samin kung gusto mo"

"Nyle!Pwede ba!Wag mo na ngang bigyan nang chance ang kaibigan mo na tumakas.Siya mismo ang nagsabi na umuwi na kami"Tumawa lang ako sa reaksyon nang binata.Para talaga itong bata kapag kausap si Nyle at ako ang topic.Kahit noon napansin ko na yun masyado lang siguro ako nabulag sa galit at hindi ko yun pinansin.

"Really,Xen?"Nanliit ang mga mata ng kaibigan sakin.Tamad akong tumango."Gusto ko nang magpahinga,Nyle.Dalawang araw na wala akong matinong tulog"

Hindi ko na siya pinagsalita at nagpaalam na sa dalawang binata na tinutukso na naman si Zeke na panay ngisi lang sakin.Umirap ako nang pinagbuksan siya nito ng pinto.

"What?"

"Hindi lang ako sanay"Saad ko at nabigla nang bigla siya nitong i-kiss sa labi.Mabilis lang yun.Parang hangin lang na dumampi sa labi ko.Hinampas ko na tinawanan lang ako ng loko.Napangisi tuloy ako.

"Iiwan ko dito ang kotse ko?"

"Yep.Hindi naman ako papayag na mag-drive ka na nandito ako.Babalikan ko na lang bukas."Tumango ako at tumingin kay Cy na pumasok sa likod.Nagkibit-balikat ito."Tinatamad akong mag-drive"

"May sasakyan ka,Cyrus"Galit na sabi ni Zeke sa kapatid.Umiling na lang ako at natatawa.Hindi pa rin pinapaandar nang binata ang sasakyan dahil busy ito sa kakasigaw sa kapatid na panay paliwanag naman.Sinandig ko ang ulo sa bintana at pinikit ang mga mata na may ngiti sa labi.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.Pipikit lang sana ako pero nakatulog na ako.Kaya panay hingi ko ng tawad sa lalaking katabi ko ngayon na naglalakad.Hawak kamay kami habang nasa mall.Dito daw namin tatagpuin si bella.Nag-alangan pa akong pumayag pero pinilit siya nito.Hindi ko lubos na kilala si Bella,ang alam ko lang siya ang fiancee noon ni Zeke at ang babaeng dahilan kung bakit ako nagalit at lumuha.

Sa dalawang taon ay alam kong hindi ako galit sa babae.Wala siyang kasalanan,nagmahal lang siya at nabaliw din sa lalaking katabi ko na nakasimangot pa rin.Bipolar much.

"Madami pa ako sana sasabihin sayo kagabi but...tinulugan mo ako?Tss.."

"Eh!Sorry naman!Dalawang araw kasi akong walang matinong tulog"Giit ko.Sinulyapan lang siya nito."Saan ka ba galing ng dalawang araw?"

Hindi na ako sumagot nang buksan nang guard ang pintuan nang isang Restuarant.Korean Ambiance.Gusto ko ang ganitong lugar.

Kinabahan ako bigla nang ngumiti si Zeke at may tinignang babae sa isa sa mga table.Tumayo ang babae nang makita sila.Sobrang ganda ni Bella!Nai-insecure tuloy ako!

Pinagpawisan na ako nang malapit na malapit na kami sa babae na sobrang lapad ang ngiti.Sa dalawang taon ay mas nadagdagan ang ganda nito.Sobrang ganda na nito noon pero parang nadagdagan pa.

Napalingon sa kanya si Zeke nang maramdaman siguro nito na mahigpit ang hawak ko sa braso nito.Tumaas ang kilay nito.Ngumiti lang ako.

"Zeke!Oh god!Haha.. I thought hindi na kayo dadating"Saad ni Bella sa binata.Bahagyang bumitaw si Zeke sakin at hinalikan ang babae sa pisngi.Natulala ako at napalunok.

Napag-usapan niyo na to!Wag ka ngang magselos diyan!

Binalingan ako ni bella at niyakap bigla.Nagulat ako.Tumango naman si Zeke at tuwang-tuwa.Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko.Ngingiti o mag-hi din?Hindi ko talaga alam.

"Nice to see you again,Xeena.Ang tagal din nating hindi nagkita.Haha"Hinampas pa siya nito sa braso,napa-aray ako nang kunti.Ang sakit ah!

Ngumiti lang ako.At inaya na sila nitong umupo sa sahig.Oo!Sa sahig.Korean style,di ba?

Mabuti na lang hindi ako nag-dress kung hindi mahihirapan ako sa pag-upo.Nilagay ko na lang sa lap ko ang maliit na unan.Nasa tabi ko si Zeke at nasa harap naman nila si bella na panay kwento.Oo at tango lang ang nagawa ko.Medyo naiilang kasi siya eh.At isa pa hindi ako maka-relate sa pinag-uusapan nila.Kaya tumahimik na lang ako at tinignan ang pinggan ko na wala pang laman.Hindi pa kasi nag-oorder eh.

Nakita siguri nang binata na panay tingin ko sa pinggan ko kaya binulungan siya nito."Gutom ka na?"

Tumango ako.

"Sandali na lang ah?May hinihintay pa kasi si Bella eh.Her Boyfriend"Hindi na ako sumagot at tumingin kay Bella na panay tingin sa relo.

"Sorry,Xen,ah?Ang tagal kasi nang boy-Oh!Nandiyan na siya!"Tumayo si Bella at may ngiti sa labi na nakatingin sa may pintuan.Napatingin silang dalawa dun ni Zeke.Tatlong lalaki ang papasok sa loob.Puro mga teenager yun.Lumiko yung tatlo sa kabilang side at nakita kong may isang lalaking papasok din.Mag-isa lang.Nakaside view sakin kaya hindi ko masyado makita yung mukha.Sa ganda ni Bella paniguradong sobrang gwapo nang boyfriend nang dalaga.


Aalisin ko na sana ang tingin sa lalaki nang tumingin ito sa direksyon ko.Nagtama ang mga mata namin at ganun na lang ang gulat ko nang makilala ang lalaki kahit itim na ang kulay nang mga mata nito.Hindi ako pwede magkamali!


Si Damuho ang nakita ko!

Ano'ng ginagawa nang lalaking yan dito?Wag mong sabihin?

Tumingin ako kay Bella at kay damuho na patungo na sa direksyon namin!God!Sana sa ibang direksyon sa papunta.Wag dito.

Napalunok ako sabay sulyap kay Zeke na kunot na kunot ang noo sakin.Patay ako!

Si Manyak at Si Maarte ^_^ *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon