CHAPTER 6

1.9K 26 0
                                    

Jema's POV

Nakauwi na kami ni Deanna nung nakaraang araw galing sa vacation namin at ngayon nandito kami sa China,kakadating lang namin dito kanina

May family gathering kasi sila ngayon at gusto nilang sumama ako,iilan palang kasi ang nameet ko sa mga relatives niya

Since pupunta daw ako both sides ng parents ni Deanna ang pupunta

Si milo iniwan na muna namin sa Laguna,uuwi rin naman kami bukas

*tok tok*

"Love are you done na?" rinig kong tanong ni Deanna

Binuksan ko naman yung pinto

"Yes love" sagot ko sa kanya "Okay na ba?"

Hindi naman siya nagsalita,nakatingin lang siya sakin

"Love" tawag ko sa kanya

Tinapik ko ng mahina yung pisngi niya

"A-Ano yun love?" tanong niya sakin

"Sabi ko kung okay na yung ayos ko" sabi ko sa kanya

"Yeah" sagot niya at ngumiti "Ang ganda talaga ng mahal ko"

"Nambola ka pa" sabi ko

"Hindi ah" sabi niya

"Sige na nga,maniniwala na ako sayo" sabi ko sa kanya

Kinuha na namin yung phones namin then lumabas na kami ng room at bumaba na

"Lets go?" tanong ni Tito

"Lets go na" sagot nila Deanna

Lumabas na kami at sumakay na sa mga sasakyan then umalis na kami

Nagkwentuhan lang kami ni Deanna habang papunta kami sa venue

Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa venue,pinagbuksan kami ng pinto ng driver

Naunang bumaba si Deanna then nilahad niya yung kamay ko,hinawakan ko yung kamay niya at bumaba na rin

"Ang lamig ng kamay mo love,okay ka lang ba?" tanong niya sakin

Habang naglalakad kami

"Kinakabahan ako eh" sagot ko sa kanya

Tumigil kaming dalawa at pinauna niya na sina Tito then hinarap niya ako

"Wag kang kabahan,don't worry mababait naman sila,just be yourself my love.Okay?" sabi niya sakin

Tumango naman ako at naglakad na kami ulit

Nagbabow at naggogood evening kay Deanna yung mga lalaking nakasuit na black,kanina marami din dun sa labas

"Love bakit ang daming mga nakasuit na black?" tanong ko sa kanya

"Mga tauhan sila nila Lolo,nagbabantay sila for our safety" sagot niya sakin

"Bakit?meron bang pwedeng mangyaring masama satin dito kung wala sila?" tanong ko ulit

"Meron" sagot niya

Ewan ko ba pero parang mas lalo akong kinabahan

Honestly hindi ko talaga alam ang family background ni Deanna,5yrs na kami pero mga basic lang talaga ang alam ko

Lahat ng tungkol sa kanya alam ko except sa family background niya

Hindi kasi talaga siya nagkukwento about sa family background niya at ayoko namang magtanong

My Greatest RewardWhere stories live. Discover now