Jema's POV
Nandito pa kami ngayon sa Laguna at nandito kami ngayon sa isang beach resort dito sa Laguna
Uuwi na sana kami ni Deanna ngayong araw kaya lang nag aya sina Mafe nung nakaraang araw na magbeach daw kami
Sina Tatay ang nagsabi samin na bukas nalang daw kami uuwi,pumayag naman kami since wala rin naman kaming maraming gagawin sa bahay
Kasama namin ang family ni Kuya Mike and family rin ng jowa ni Mafe
Family lang ni Deanna yung wala dito since may mga kanya kanya na silang plan before pa man kami mag aya sa kanila
Nandito rin sina Lolo at ibang mga relatives namin,konti lang naman sila
Ininvite rin nila Tatay sina Gian,sakto rin kasing nag aya silang mag outing
Sina milo iniwan na muna namin sa isang pet grooming
"Jema oh" inabutan ako nila Ate Grace ng isang baso
"Grabe,balak niyo ba akong lasingin?ang dami neto" sabi ko sa kanila
"Para hindi halatang tumatagay kaya isahan nalang" pabirong sabi ni Ate Jovi at natawa nalang kami
Ininom ko na yung binigay nila pero syempre hindi ko inubos agad
Pinuntahan ko si Deanna na nag iihaw ng barbecue
"Magkano po isang stick ng barbecue?" biro ko sa kanya
Napatingin naman siya sakin at ngumiti
"Libre nalang po para sayo Ms beautiful,may free kiss pa po" sagot niya sakin
"Yung free kiss nalang po sakin,pwede?" tanong ko
"Aba pwedeng pwede" sabi niya at natawa kaming dalawa
Inakbayan niya ako at hinalikan sa forehead
"Want some?" tanong niya sakin
"Yung nag iihaw ang gusto ko eh,amoy barbecue rin kasi" nakangiti kong sabi at niyakap siya
"Tita,Tito yung anak niyo po oh" kunwaring sabi niya kela Nanay kahit hindi naman rinig dun
Natawa nalang ako sa kanya at tumawa lang din siya
Inalis niya yung pagkakaakbay sakin at kumuha ng isang stick ng barbecue
Hinipan niya muna yun then sinubuan niya ako
"Here,careful ha its a little bit hot pa" sabi niya sakin
"Thank you mahal" nakangiti kong sabi at kinain na yung barbecue
"You're welcome po" nakangiti niyang sagot
May pinunasan naman siya sa gilid ng lips ko
"Yung barbecue po sunog na" napatingin kami kela Mafe
Napatingin rin sina Tatay samin,rinig kasi nila yung sinabi ni Ate Jovi kasi nakamic pa siya
Nagvivideoke kasi sila
"Ang sweet niyo dyan baka maging extra sweet na yung flavor ng barbecue natin" sabi ni Ate Grace
Natawa nalang kami ni Deanna sa kanila
Ilang saglit lang ay tapos na siyang mag ihaw at hindi ko namalayan na ubos na rin pala yung iniinom ko
Nilagay niya na sa plates yung mga barbecue