CHAPTER 32

1.6K 36 9
                                    

Jema's POV

Birthday ngayon ni Deanna and I prepare a surprise party for her,syempre humingi ako ng tulong kela Ate Ly

Pagkasabi ko na gusto kong isurprise si Deanna nagvolunteer sila agad na tumulong

Nandito kami ngayon sa Laguna kasi dito gustong magbirthday ni Deanna para no need na daw bumiyahe ng malayo sina Lolo

Dito namin naisipan sa isang resort para overnight nalang din kami mamaya

Hindi niya alam na nandito silang lahat

Nasa Manila kasi siya,inutusan siya ni Daddy para lang maging busy siya habang nagpeprepare kami dito

Ang alam niya ay hindi sila makakapunta pati sina Ate Ly kasi mga busy

Nandito nga rin yung mga friends niya pati na sina Ven

Nagdedecorate kami ngayon dito sa venue,konti lang naman yung ginawa namin since may mga nag aayos naman dito

"Jema okay na daw yung fireworks para mamaya" sabi ni Kuya Kief

"Thanks Kuya" nakangiti kong sabi

"Wala yun" sagot niya sakin

Maya maya lang ay natapos na kami sa pag aayos at saktong dumating na sina Ate Grace

"All done na" sabi nila Ate Jia

"Magugustuhan niya kaya to?" tanong ko

"Ano ka ba,wala ka namang ginawa na hindi niya nagustuhan" sabi ni Ponggay at nag agree naman silang lahat

"Thank you sa tulong niyo guys ha" sabi ko sa kanila

"Wala yun,malakas kayo samin eh" nakangiti nilang sabi

Napangiti nalang din ako

Nag usap lang kami dito saglit then nung okay na lahat umalis na muna kami ng venue

Dumiretso muna ako room namin ni Deanna

Niready ko na sa bed yung dami naming dalawa

Chineck ko rin yung gift ko para sa kanya

Maya maya lang ay nagmessage siya sakin na paalis na daw siya ng Manila kaya minessage ko na sina Ate Ly

Lumabas ako para puntahan sina Tatay

"Oh anak,magreready na ba kami?" tanong nila

"Opo,paalis na daw siya ng Manila eh" sagot ko

Sinabihan na rin namin sina Mafe

Bumalik na ako sa room namin

Nagshower muna ako saglit then nagbihis na at nag ayos

After nun lumabas na ako dala yung iPad ko

"Oh Ate,para san yang iPad mo?" tanong ni Mafe

Sakto kasing kakalabas lang din nila ng mga friends niya sa room nila

"May ginawa kasi ako para kay Deanna kaya need ko to para mamaya" sagot ko sa kanya

Sumabay na sila sakin papunta sa venue

Chineck ko agad yung foods and cake

Nakipag usap na muna ako sa mga pinsan ko pati na rin kela Achi

Ilang minuto lang ay nagtext na si Deanna na nasa parking lot na daw siya

Pinahawakan ko muna kay Mafe yung iPad ko at pinuntahan si Deanna sa may lobby

"Hi miss beautiful" nakangiti niyang sabi sakin "For you"

My Greatest RewardWhere stories live. Discover now