PROLOGUE

24 6 0
                                    

Kaya ko na ba?

Kaya ko na siguro...


Sa dinami dami ng pinagdaanan kong sakit, ito na siguro ang sukli sa lahat ng 'yon. Today I am not alone. From now on I have a partner in life.


"Soon to be Mrs. Martinez? Let's go na po. Nasa simbahan na raw po ang groom." Tawag sa 'kin ng maghahatid sa akin sa simbahan.


Pagdating sa simbahan ay mabilis na hinanap ng mata ko si Nanay Yel. Si Nanay Yel ang matagal na nag-alaga at nagpalaki sa akin.


"Happy 6th Birthday, Sol!" pagmulat pa lang ng mga mata ko bati at halik sa noo na agad ni Nanay Yel ang natanggap ko. Hindi talaga pinapalagpas ni Nanay Yel ang kaarawan ko, palagi niya akong binibigyan ng paborito kong cake. Si Nanay Yel ang unang bumati sa'kin dahil siya lang naman ang kasama ko sa araw na 'to. Simula pagkabata ko si Nanay Yel na ang laging nandyan para sa 'kin dahil iniwan na kami ni Mommy para sumama sa ibang lalaki at si Daddy naman palaging busy sa company.


"Thank you po, Nanay!" Nagpasalamat ako kay Nanay at hinipan ang cake. Pagkatapos kong kumain ay dali dali akong naligo at sinuot ko ang paborito kong red dress na binigay pa ng aking pinakamamahal na kuya pero wala na siya ngayon. Mabilis akong nagpaalam kay Nanay na lalabas muna ako.


Malapit na akong makapunta sa paborito kong lugar nang makita kong may isang lalaking nakaupo at kumakain ng icecream sa swing na palagi kong inuupuan. Pumunta kaagad ako sa swing.


"Hello!" Masaya kong bati pero hindi saya ang nakita ko sa mukha niya kundi gulat, sa gulat niya ay natapon niya ang icecream na hawak niya sa dress ko. Paiyak nako nang bigla siyang tumayo at humanap nang maipapampunas dito. 


"Sorry, hindi ko sinasadya. Nanggugulat ka kasi!" At siya pa itong galit? 


Bumalik sa katinuan ang sarili ko nang may biglang kumalabit sa akin, si Nanay Yel. "Pupunta ata si Noah, Sol." Biglang tumibok nang mabilis ang puso ko sa sinabi ni Nanay Yel. 


Si Noah, my bestfriend for 12 years and my 3 years na nakarelasyon. Nangako siya nung bata pa kami na kapag kinasal ako, siya ang makakasama ko sa harap ng altar at kung hindi naman e dapat daw nandyan siya.


Malapit nang buksan ang pinto ng simbahan pero eto pa rin ako galaw nang galaw at hindi mapakali. Bago pa bumukas ang pinto nagulat ako nang may humila sa 'kin bigla papunta sa gilid ng simbahan.


Noah...


"I'm here." hindi pa rin nagproproseso sa utak ko na nandito siya. Ang tagal kong hinintay na makita o makausap siya kahit na bilang kaibigan na lamang. Hindi na 'ko nakasagot nang tawagin na agad ako ng wedding organizer at sabihing kanina pa raw nagaantay ang mga tao.


~~~




What happened to us?Where stories live. Discover now