Kabanata 1

10 3 0
                                    

THIRD POV

"My name is Soleil Azrelei Vasquez La Verde and I'm 4 wirs— years old." Pagkatapos sabihin ng bata nang maayos ang pangalan niya ay biglang pumalakpak at tumawa ang kanyang Kuya.


"Yehey! Ang galing galing naman ng baby ni Kuya Azekiel kahit na laging nabubulol." Saad ng Kuya ni Azrelei habang nagpipigil tumawa, hindi siya makatawa dahil hindi maipinta ang mukha ng bata dahil sa pangaasar nito. Kuya niya lagi ang kasama niya sa bahay dahil wala palagi ang mga magulang nito.


Oh Kuya, I already pwo— pronounced it well. Can we go to the mall now? I want a icekwim!" bulol na sagot ng bata sa kuya niya habang nakangiti at nagpupuppy eyes. Nahihirapan pa 'tong magsalita lalo na pag may "R" ang gusto niyang banggitin.


"Then, let's go? I will just call Nanay Yel to prepare your favorite bag." Nakangiting sagot nito.

...


"Kuya! Look at that red dress!" Nagtatatalon na sabi ng bata. Hindi matiis ni Azekiel ang kapatid dahil siya na ang bumabawi para sa mga pagkukulang ng mga magulang nito.


"Miss? Can we see the exact size of the dress for her?" Pagtatanong niya sa Saleslady habang nakaturo sa bata. She's not fond of things but this is the only thing that really catches her eyes, it's just a simple dress but she really really wants it!


"It looks good on you, My Sol! We will buy it na!" Hindi pa nakakaharap sa salamin ang bata pero halatang bagay na bagay sa kaniya ang dress dahil sa ngiti pa lang ni kuya ay alam ng maganda ito.


"Thank you so mwuch, Kuya! I will give you my gummy bear po!" Masayang nagpasalamat agad ang bata.


Pagkatapos nilang kumain ay nagbyahe na agad sila pauwi dahil oras na raw. Sa kainipan ng bata, habang pauwi ay hiniram niya ang cellphone ng kanyang kuya para mag video, binigay niya naman ito agad.


"Hewoooo evewy— everyone! I'm with my kuya right now. He bought me a dress and icecream po!" hagikgik na sabi ng bata sa harap ng camera at hirap na hirap pang iharap nang maayos 'yon sa kuya nito na ngayo'y nakangiti, siya na mismo ang kumuha sa camera at hinarap ito sa kaniya.


"My baby Soleil is happy! I love you, My Sole—" hindi na nasabi ng buo ni Azekiel ang gusto niyang sabihin ng biglang dumilim ang lahat.


Nagising ang bata na iba na ang suot at pagkatingin nito sa paligid nagtataka itong tumingin sa paligid dahil hindi ito ang kwarto niya at nandito na ang kanyang Mommy at Daddy pero wala ang kuya nito.


"Where's Kuya?" Unang tanong ng bata sa Daddy nito na agad lumapit naman lumapit pagkarinig ng boses nito.


"Your brother... is gone. Namatay siya habang pauwi kayo." nagtatakang tumingin ang bata sa kanyang Daddy. Hindi pa nito naiintindihan dahil masyadong pa siyang bata.


"At kasalanan mo 'yon! You killed your own brother!" Tumayo at nilapitan ng Nanay ni Azrelei ang bata. Naguguluhan at natatakot ang bata dahil sumigaw ito nang malakas, pinigilan naman ito agad ng kanyang ama.

...


Nanay Yel POV


"Sir, ilabas niyo na po muna siguro si Ma'am. Masyado na pong naguguluhan si Sol sa mga nangyayari." Nilabas naman agad ni Sir Franco si Ma'am Cristina.


Wala namang may gusto at may kasalanan sa nangyari. Dahil isa itong aksidente pero hindi ko alam kung bakit sobrang sinisisi ni Ma'am Cristina si Sol. Alam kong masakit mawalan ng anak pero alam kong masakit din para kay Sol na mawalan siya ng mabait at mapagmahal na kuya.


"Okay ka lang ba, Sol?" pagkasabi ko ay nag thumbs-up naman ako at nagtatanong ang mga mata ni Sol sa nangyari. Tumango at nag thumbs-up na lamang ang bata at bigla biglang yumakap sa akin.


Bata pa lang si Soleil Azrelei at Stell Azekiel ako na ang nag aalaga at nagbabantay sa kanilang dalawa, dahil palaging wala ang magulang nila dahil busy sa trabaho. Mapagmahal at mabait na kuya 'yan si Azekiel pero ganon na lamang siya kabilis kunin sa amin. Wala nang magsasabi sakin ng "Nay, lutuan mo po ako ng paborito kong sinigang."


Pinakain ko muna si Sol at pagkatapos non ay binihisan ko siya para makatulog ulit. Kanina pa niya ako kinukulit kung nasaan ba raw ang kuya niya pero hindi ko naman alam kung paano ko ipapaintindi sa kaniya ang nangyari. Siguro ang daddy niya na lang muna ang magpapaintindi sakanya ng lahat.


Tatlong araw lamang nilang binurol si Azekiel dahil sa kagustuhan ng magulang niya. Ayaw na nilang malaman pa ng iba ang nangyari sa anak nila at ayaw na nilang pagchismisan pa ito ng ibang tao. Mga malapit na kaibigan ni Azekiel at kamag anak lamang ang mga dumalo.


Nakatulala at nagtatanong naman si Sol habang unti unting binababa ang kuya niya. Nakakalungkot makita si Sol na ganito.


"Nay, Why did they put kuya there?" pagtatanong ni Sol habang umiiyak. Sinagot ko naman siya. "Matutulog muna si kuya pero babantayan ka parin naman niya habang tulog siya." Pagpapaintindi ko sa bata pero mas lalo lang lumakas ang iyak niya.


"Kuya! Don't leave me please." Sigaw ng bata habang humihikbi. Tuluyan nang naibaba ang kabaong ni Azekiel pero hindi parin tumitigil sa pagiyak si Sol, sigurado akong mamimiss niya ang kaniyang kuya lalo na't masyado siyang nasanay sa presensya niya. Naalala ko tuloy ang bawat pag gising ni Azekiel kay Azrelei tuwing umaga.


Flashback

"Good morning, Nanay Yel!" masayang bati ni Azekiel kay Nanay Yel. Maaga siyang gumigising dahil gusto niya ay siya ang laging gigising kay Azrelei para ayain kumain.


"Oh, nakahanda na breakfast niyo. Gisingin mo na si Sol sa taas." Hindi pa natatapos ang sinasabi ni Nanay Yel nang agad tumakbo paakyat si Azekiel para gisingin si Sol. Napakalambing na bata talaga.


"Sol... gising na." panggigising ni Azekiel sa kapatid. Hindi parin naman nagigising si Sol. Kiniliti niya ito para tuluyan nang magising.


"Morning, kuya!" pagbati naman agad ni Sol sa kuya. Binati rin naman siya ng kuya niya, pagkatapos mag ayos ni Sol ay bumaba na sila para kumain.


Ang lambing lambing nilang dalawa sa isa't isa dahil siguro sa sila lang dalawa magkapatid. Kahit kanino naman malambing 'yang magkapatid na 'yan.


End of Flashback


Nauna na kaming umuwi ni Sol dahil sinisisi na naman siya ng Mommy niya sa nangyari. Nakatulog naman si Sol habang nagbabyahe kami pauwi. Nang makarating kami ay pinagmasdan ko ang malungkot at tahimik na bahay ng Pamilya La Verde ang nadatnan namin.


~~~


What happened to us?Where stories live. Discover now