Kabanata 2

8 2 0
                                    

THIRD POV

Ilang araw na rin ang nakalipas matapos ang libing, parang nilantang gulay ang buong bahay ng Pamilya La Verde.


Si Sol naman lagi lamang nasa kwarto niya tahimik na naglalaro. Kung minsan ay papasok si Nanay Yel sa kwarto niya aabutan niya itong umiiyak. Napaintindi na rin ng Daddy ni Sol ang nangyare.


Flashback


Naglalaro sa garden si Sol nang puntahan siya ng Daddy niya para kausapin.


"Soleil... Can I talk to you, baby?" Pagtawag ng Tatay ni Sol sa anak na agad namang lumapit sakanya. Tumango naman ang bata at tumabi sakanya.


"Sol.. Si Kuya Azekiel mo nandon na sa heaven." Sabay taas ng hintuturo nito sa kalangitan.


"But babantayin ka parin naman ni Kuya kahit nandoon na siya. I know it's hard to understand but I want you to know habang maaga pa. I hope you will never forget your Kuya and also ang mga ginawa niya para sayo habang wala kami." Niyakap naman niya si Sol. Ngumiti naman ang bata at niyakap pabalik ang kanyang Ama.


End of Flashback


Nanay Yel's POV


Nagising ako sa maagang sigawan nila Sir Franco at Ma'am Cristina. Ilang araw ko na silang naririnig na laging nagsisigawan. Ginagawa na ata nilang almusal ang sigawan sa isa't isa.


Hindi naman sila ganyan dati, sa totoo nga eh sweet sila lagi. Gigising si Sir Franco ng maaga para lang malutuan ng agahan si Ma'am Cristina at ang dalawang anak nito, kahit na may maaga rin siyang trabaho.


Simula nung namatay si Azekiel, walang araw na hindi sila magaaway. Buti na nga lang ay hindi sila nakikita ni Sol dahil medyo oras kung gumising ang batang yon, kung makikita niya ang mga magulang niyang nagkakaganito maguguluhan nanaman yun.


Naghanda na lang ako ng baon ni Sir dahil alam kong hindi nanaman siya rito magaalmusal dahil sa pagaaway nil ani Ma'am. Nilutuan ko na rin ng agahan si Soleil at Ma'am Cristina. Kung kakain ba siya...


Nakakamiss naman si Azekiel. Wala ng nagtatanong sakin kung ano bang iluluto kong ulam at wala na rin yung maagang kasama ko sa kusina para kasama siyang maghanda ng makakain ni Sol.


Ang bata pa ni Azekiel para kunin ng maaga.. hindi niya man lang makikita si Sol para magayos sa unang araw niya sa school.


...


"Sol! Anak! Magdinner ka na." Pagtawag ko kay Sol. Maaga ko siyang pinapakain ngayon dahil baka abutan niya nanamang magaway sa harap ng pagkainan ang Mommy at Daddy niya.


"Opo, Nanay!" dali dali naman siyang tumakbo pababa at umupo na sa harap n g dining table. Tahimik lang siyang kumakain ng may narinig kaming busina. Nandyan na ang Mommy at Daddy niya.


Eto na nga ba ang sinasabi ko...


"Alam mo Franco maghiwalay na lang tayo! Walang mangyayare sa relasyon na to!" Sigaw ni Ma'am Cristina kay Sir Franco. Kulang na lang e magbatuhan sila ng kung ano.


"Edi sige! Dyan ka naman magaling diba?! Pagkatapos mong makuha lahat ng gusto mo eh mangiiwan ka! Umalis ka hindi ako magmamakaawa basta sa puder ko lang si Soleil!" Namumula naman sa galit si Sir. Jusko nandidito yung anak nila.


"Sayong sayo na yan! Ayoko sa batang yan! Siya ang dahilan kung bakit namatay si Azekiel! Lalayasan ko na kayong dalawa mga walang kwenta!" Gigil na gigil na sigaw niya kay Sir.


"Sol.. Tara na muna sa room mo." Pagtawag ko kay Sol at binuhat ko naman ito para madali kaming makaakyat papunta sa kwarto niya. Jusko naman kasi tong hagdan! Nakakahingal!


Pinahiga ko muna si Sol bago ako bumaba ulit para timplahan siya ng gatas. Hindi pako nakakarating sa may hagdan ng makita ko si Ma'am na may dala dalang malalaking bag. Paano na ang alaga ko?


Hindi na 'ko nagdalawang isip pa, dali dali kong nilapitan si Ma'am para sana pigilan. Alam kong mali 'tong ginagawa ko, para ko na rin silang pinapakealaman pero kailangan eh para naman kay Sol 'to.


"Ma'am... Wag niyo naman pong iwanan sila Sir. Maawa naman po kayo kay Sol. Alam kong mahal niyo po si Sol." Hinawakan ko siya pero tinabig niya lang ang kamay ko.


"Wala kang karapatan makialam sa nangyayari samin! Katulong ka lang! At please wag na wag mo akong hinahawakan!" nagsimula na siyang ibaba ang mga gamit niya. Bakit parang wala siyang pakialam kay Sol? Hindi ba siya naaawa?


Pagkababa niya ay sumunod na rin ako sakanya. Nakita ko naman si Sir na nasa kusina umiinom ng tubig.


"Natutulog na ba si Sol?" pagtatanong niya sakin pagkapasok ko ng kusina.


"Hindi pa po, Sir. Hindi po yun nakakatulog ng hindi umiinom ng gatas." Pagsagot ko kay Sir at tinimplahan na si Sol ng gatas.


Soleil's POV


I don't understand them at first pero nung sinabi ni Dad na maghihiwalay na raw sila ni Mom eh doon ko na naintindihan ang nangyayare. Simula nung namatay si Kuya, tuwing umaga ay naririnig ko sila Daddy na nagaaway at nagsisigawan sa isa't isa.


Pinahiga na ako ni Nanay Yel para hintayin daw siya pra magtimpla ng gatas. Sumilip naman ako sa pinto ng kwarto ko. Nakita kong galit na galit si Mommy kay Nanay Yel.


Mommy will leave us...

What happened to us?Where stories live. Discover now