CHAPTER 19

1.5K 27 3
                                    

tw: Verbal abuse and violence

"Simula nang tumira ka sa pamamahay na 'to, puro kamalasan na lang ang nangyayari sa buhay namin!" galit na sigaw ni Daddy sa akin. Kumakain kami ngayon ng lunch sa hapag. Hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy sa pagkain. 

Ilang linggo na ang nakalipas simula nang mangyari iyong birthday. Simula rin noong nangyari iyon, mas lalo silang humigpit sa akin. Hindi na nila ako pinayagan na magtrabaho at hatid-sundo ako sa academy. Wala akong choice kung hindi pumasok na. Ayaw kong maging kahihiyan na naman na sinasabi nila. Para akong preso. Hindi ko alam kung para saan ba itong ginagawa nila. Dahil ba sa ugali kong hindi nila nagustuhan? Pero lahat naman ng ugali ko ay ayaw nila. O mas madaling sabihin na ayaw talaga nila sa akin. Sanay na ako sa ganitong pakikitungo nila. Mas malala pa nga ang naranasan ko noon. 

Hindi talaga patas ang mundo. At kahit kailanman, hindi magiging patas ito. Swerte mo kung ang buhay na napunta sayo ay puno ng kasiyahan at wala itong kapalit na kahit na ano pagkatapos. Ngunit mayroon bang ganoon? Malabo iyon kung iisipin. Lahat tayo, may kakaibang daang itinatahak. Ang pagkakapareho natin ay iisa lang tayo ng maze na pinipilit takasan. Magkakatagpo man, mag-iiba rin ulit tayo ng daan dahil sa kagustuhan nating umalis sa lugar na iyon. Maswerte ka kung ang makatagpo mo ay sasamahan ka at sabay kayong aalis. Subalit kaya niyo nga bang makaalis? Paano kung kailangan may maiwan sa inyong dalawa? Sino ang magpapaiwan?

Naagaw ng atensyon ko ang bulungan nang papasok ako sa loob ng academy. Ako na naman ang pinag-uusapan. Masyado bang click ang issue ko at ako ang pinagkakaguluhan nila? Mabuti na lang at palagi akong naka-suot ng earphones. Bukod sa ayaw kong marinig ang mga usapan nila na tungkol sa akin sa tuwing nakikita nila ako, wala rin naman na akong kausap. Halos hindi na nga ako sanay na magsalita. Hindi na nga talaga. Ni sa klase, simpleng tango at iling ang ginagawa ko. Pati sa bahay ganoon din. 

Hindi na kami nagkikita ni Morgan simula nang pagbawalan na ako ni Daddy. Bawal na ako makipagkita kay Morgan dahil daw hindi ako umuwi noong gabing iyon at nagrebelde raw ako. Kahit gustuhin ko mang takasan ang lahat ng ito, bantay sarado ako at higit sa lahat ay mahahanap at mahahanap pa rin nila ako. Ganoon kapangyarihan ang pamilyang Santiago. Maraming tuta ang Daddy. Isang utos lang, wala kang magiging palag. 

Pansin ko na gustong lumapit sa akin ng mga kaibigan ko ngunit idinidistansya ko ang aking sarili. Para saan pa ba kung makikipag-ayos ako? Preso ako ng pamilya ko at maski sarili ko ay ikinukulong ko. Hindi puwedeng humarap ako sa kanila ngayon. Lalo na at hindi ko na alam ang nangyayari pati sa sarili ko. Nauubos na ang pera ko. Hindi ako binibigyan ng malaking pera at halos isang daan lang ang inaabot nila. Sa pagkain pa lang sa academy, baka tubig lang ang makayanan ko. 

"Kumusta ang mga grades niyo? Naku, baka naman napapabayaan niyo na dahil araw-araw kayong nasa galaan?" seryosong tanong ni Mommy kina Sophia. imposibleng ako dahil hindi nila ako pinapayagan. Kumakain kami ng dinner ngayon kasama ang mga kaibigan ni Sophia. Na dati kong mga kaibigan. Ang bilis ng panahon, ano? Sa mga linggong lumipas, madalas silang naririto sa bahay.

"Mom! Siyempre po, hindi! Kami pa po ba? Palagi nga po kaming may group study kina Enzo, eh!" masayang kuwento ni Sophia kay Mommy. Tahimik lang akong nakaupo at kumakain doon na hindi sila tinitignan. Pero alam kong pinagmamasdan nila ako, lalo na si Enzo. 

"Wala po ba kayong fried chicken, Tita?" tanong ni Lucas kay Mommy. 

"Simula noong nagka-allergy si Sophia sa chicken, hindi na kami naghahanda ng kahit na anong putahe ng chicken sa hapag." Kuwento ni Mommy sa kanila na ikinatingin nila sa akin. Siguro ay nakuha na nila kung sino ang sinasabi ni Sophia noon na may kilala siyang mahilig sa fried chicken kaya nag-try siyang kumain nito. "Kaso, itong tangang Arya na 'to, alam na niyang bawal ang kambal niya sa chicken, pilit pa ring kumakain sa harap ni Sophia! Ayun at natakam si Sophia at kumain din! Kahit kailan ay napaka kunsumisyon!" kahit hindi ko tignan si Mommy, alam kong nanlilisik ang mga mata niya sa akin. 

Verge of LifeWhere stories live. Discover now