PROLOGUE

386 199 20
                                    

P R O L O G U E


"Cassy, tawagin mo na nga yung mga Kuya mo sa itaas dahil kakain na tayo." tawag sa akin ni Mommy Josephine mula sa kusina.

"Opo," sagot ko, pinatay ko muna ang tv at naglakad na patungong taas.

Dumiretso na ako sa taas at tsaka kumatok sa kwarto nila Kuya Dylan.

"Mga Kuya kakain na daw po sabi ni Mommy." sabi ko sa labas ng kwarto nila.

Naghintay ako ng ilang oras pero walang lumalabas. Napakamot ako sa batok ko at kumatok muli.

"Hello! May tao ba ditoo? Kakain na daw poo!" naghintay pa ulit ako pero hindi pa din sila lumalabas ng kwarto.

Napagpasyahan kong idikit yung tenga ko sa pinto baka sakaling may madinig akong ingay sa loob. Sobrang tahimik wala akong nadidinig na kahit ano.

"Wala naman atang tao dito, e!" sabi ko sa sarili.

Bumunton-hininga ako at aalis na sana para tignan sila sa may pool area ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Kuya Dylan.

"Ayy!" hiyaw ko.

Napasubsob ako sa walang saplot na katawan ni Kuya Dylan. Napahawak ako sa matipuno niyang dibdib habang nanlalaki ang mga mata.

Hindi ako makagalaw kaya dinahan-dahan kong inangat yung paningin ko kay Kuya Dylan.

Pinagmasdan ko ang gwapo niyang mukha. Napakatangos ng ilong niya, yung medyo maikli niyang pilik mata at..

Napatingin naman ako sa labi niyang ang sarap halikan.

Ay, ano ba 'tong iniisip ko! Wew.

"Done checking my face?" nabalik ako sa huwisyo ng biglang magsalita si Kuya Dylan.

Kaagad akong lumayo sa kanya sabay kamot sa batok ko, alam kong pinagtitinginan nila akong apat.

"K-Kain na po daw," nauutal kong sabi sa kanya.

Hindi ako makatingin sa kanya ng maayos dahil sa kahihiyan.

Naramdaman ko nalang na may humawak sa braso ko at agad na hinila papasok ng kwarto. Huli na ng makapag react ako ng isinarado na nila ang pinto ng kwarto.

"Mamaya na, may gagawin muna tayo." dinig kung bulong ni Kuya Asher sa tenga ko.

Tumindig yung mga balahibo ko dahil sobrang lapit ng mukha niya sakin. Tumingin ako sa kanila pero nakangiti lang sila ng nakakaloko sakin.

"Don't be nervous, Cassy. Wala kaming gagawin sayo," nakangiting sabi sakin ni Kuya Alex.

Napatingin ako kay Kuya Dylan ng dahan-dahang lumapit ang mukha niya sakin. Ilang dangkal nalang ang pagitan niyon.

Napagmamasdan ko ulit yung mukha niya. Hindi naman talaga maipagkakaila na gwapo sila Kuya Dylan, idagdag mo pa yung mapamatay niyang ngiti. At halos lahat yata ng mga estudyante sa campus ay may gusto sa kanila. Ang problema nga lang sobrang ang sasama ng ugali, ewan ko ba't anong nakita ng mga yun sa kanila lalo na kay Kuya Dylan.

"Umalis kana dito sa mansion," sabi nito sakin. "Hindi ka naman namin kadugo. At tsaka bakit pa kasi nag-ampon sila Mommy ng basurang katulad mo. Dapat sayo tinatapon sa basurahan." sabi niya sakin.

Iniwas ko ang tingin ko sa ibang direksyon. Ayokong magsalita dahil ayokong mag-away kami.

Ilang beses na niyang sinasabi sakin yan pero hindi ko na lang siya pinapansin. Hindi naman niya kailangang ipamukha sakin na ampon lang ako dahil matagal ko nang alam iyon.

"Nadinig mo ba yung sinabi ko?" tanong nito sakin. "Umalis ka na dito! Hindi ka naman namin kailangan." napatingin ako sa kanya at paklang ngumiti.

"Paano kong ayoko?" nagmamatigas kong sabi sa kanya. "Hindi ikaw ang magde-desisyon kaya wala kang karapatan na paalisin ako rito."

Napalayo siya nang konti sakin at tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. Napatawa siya nang mahina at humawak sa baba niya.

"Anong sinabi mo? Hindi ako ang magde-desisyon? As far as I know, may karapatan akong paalisin ka rito. This is my parents house and you!" sabi nito sabay turo sakin. "You don't have place in this house."

Tumayo ako mula sa pagkakaupo. "I don't care." sabi ko at tinalikuran  ko na sila at naglakad na patungong pinto pero muling nagsalita si Kuya Dylan kaya napatigil ako.

"What do you want? Pera? Gusto mo nang pera?" tanong nito sakin. "I can give you any amount of money. Just leave this goddamn house, we don't fucking need you here, stupid!"

Kaagad na uminit yung dugo ko at nasampal ko siya.

Napasinghap siya sa dahil sa ginawa ko. Napahawak siya sa gilid ng labi niya at tinignan ako ng masama.

"Ano bang ginawa ko sa inyo, ha? Bakit ba ang laki nang galit niyo sakin?! Napaka-sama ng pag-uugali ninyo!" sigaw ko at tuluyan nang lumabas ng kwarto nila.

Dumiretso ako sa kwarto ko at padabog na sinirado ang pinto at nilock. Gusto ko munang mapag-isa ngayon.

Ayokong kumain na kasama sila, mga demonyo sila!

Nadinig kong bumaba na sila ng hagdan dahil dinig na dinig ko ang malulutong nilang mga tawa.

Hindi ko alam kong bakit ganun ang trato nila sakin. Ano bang ginawa ko? Hindi naman nila kailangan ipamukha sakin na ayaw nila akong makasama sa bahay dahil ako? Ayoko din naman silang makasama dahil ang sasama ng ugali nila.

Gusto nila nang laro? Then, pagbibigyan ko sila. Hindi ko sila uurungan!

Matira, matibay!

ME AND MY FOUR EVIL KUYA'S (ONHOLD)Where stories live. Discover now