Chapter 6

80 75 0
                                    

Darren.

"Hoy, Darren, tulungan moko." yugyog sakin ni Dylan. Nagtalukbong ako ng kumot at nilagyan ng unan ang tenga ko. "Darreen! Hoy, ano ba, gising! May gagawin tayo and kailangan ko ng tulong niyo!" hindi ko padin siya pinansin.

Niyuyogyog niya pa din ako. Lintek naman 'tong si Dylan ang kulit! "Tayo na! Tutulungan moko or tutulungan moko?" inis niyang sabi.

Putcha! Inaantok pa ako, ang kulit talaga.

"Bakit ba kasi?!" tanong ko sa kanya sabay kamot sa batok ko. Umupo ako sa kama habang nakapikit pa din yung mga mata. Walang pasok ngayon kaya tatambay lang kami dito sa mansion. Wala naman din kahit na isa samin ang gusto gumala, tch.

"Tulungan niyo nga kasi ako!" pangungulit niya pa din.

"Ano nga? Paulit-ulit ka naman, Dy!" naiirita kong sabi. Hindi talaga titigil to sa pangungulit hangga't 'di ka pumapayag, psh.

"Basta, maganda to."

"Siguraduhin mo lang na mamamatay ako sa kakatawa ah!"  sabi ko sabay irap sa kanya.

"Oo naman, no!  Ako pa ba? Eh, Kuya niyo 'to."  hinila na niya ako patayo sa kama ko at nakita ko si Asher na nakaupo sa sofa na nasa loob ng kwarto ko habang si Xander naman nakasandal sa pinto habang nakapamulsa.

"Sa susunod pa naman na linggo uuwi sila Mommy kaya papahirapan natin yung isa!" nandito kami sa study room lahat. May gagawin na namang kalokohan tong si Dylan, walang kapaguran talaga! Daig pa yung bata.

"Ano na naman yang kalokohan mo na yan,  Kuya." bagot na tanong ni Xander.

Mukhang pati sila Xander ay wala sa mood. Kulang na kulang pa ata sa tulog dahil kagabi, nilagyan ba naman ng palaka yung mga kwarto namin, kainis talaga.

"Ito oh."  Nakangiti niyang ipinakita samin yung alaga niyang ahas. "Papasok tayo sa kwarto niya at pagkatapos ay ilalagay ko si Snakey sa higaan niya. Para kapag nagising siya ito agad makikita niya. Oh, diba para everybody happy." nanlaki yung mga mata namin sa sinabi nya.

"Are you crazy, Kuya Dylan?" tanong ni Asher.

"I'm not." sabi niya habang nakangisi ng malaki.

"Paano kung tuklawin siya niyan, Kuya ha? Sino mananagot kay Mommy, tayong apat? Ugh! I quit. Don't bother me." akmang aalis si Asher ng magsalita si Dylan.

"Wag nga kayong OA! Di naman nanunuklaw tong si Snakey, eh. Mukhang si Cassy pa ata mukhang nanunuklaw lakas ng kamandag eh." napapikit ako dahil sa naiisip niyang kalokohan.

Naman talaga 'tong si Dylan. Alam ko naman na inis na inis kaming apat kay Cassy pero mukhang gusto pa niya ata kami idamay sa kalokohan niya. Okay pa sana kong iba nalang pero yung may kasamang ahas? Aba, walangya, ayokong mapagalitan nila Mommy!

"Ikaw nalang, 'tol." walang gana kong sabi.

"Oh, c'mon, guys. Don't be so kill joy nga! Akala ko ba we're brothers?"

"Yeah, we're brothers. But Dylan sana iniisip mo muna kung anong mararamdaman ni Mommy pag once nalaman niyang nilagay natin ang ahas na 'yan doon sa kwarto niya?"

"Wag kayo mag-alala, ako bahala sa inyo." tapik niya sa balikat ko. "But first tulungan niyo muna ako na makapasok dun sa kwarto ni Cassy."

"Bahala ka!" lumabas na kami ng study room at bumalik sa itaas para puntahan ang kwarto ni Pailey.

"Damn, lock!" inis niyang sabi habang hawak ang doorknob ng kwarto ni Pailey.

Napakamot nalang ako sa batok ko dahil sa mga ginagawa ni Dylan.

ME AND MY FOUR EVIL KUYA'S (ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon