Chapter 5

76 77 0
                                    

Dylan.


"My head hurts," sabi ko sa sarili habang sapo-sapo ang noo ko.

Nandito ako ngayon sa loob ng classroom habang nakaupo, nakapatong iyong isang paa ko sa upuan na nasa harapan. Hindi ko maalala kung nakailang inom ako ng alak kagabi. Nagising nalang ako kanina na nasa sofa na ako at hindi ko nga din alam kung paano ako nakarating ng mansion, eh.

"You're here," napatingin naman ako sa bagong dating na sila Elixir pero kaagad ko ding iniwas dahil sobrang sakit talaga ng ulo ko.

Umupo na ang mga ito sa kanya-kanya nilang upuan.

"Paano ako nakarating ng mansion kagabi? I don't remember anything. Did I drive?" sunod-sunod kong tanong sa kanila.

Humarap ang mga ito sakin. "We brought you home." sagot naman ni Hitler.

"Don't tell me, nag drive kayo ng lasing?" tanong ko ulit sa kanila.

"Hindi naman kami lasing kagabi, tanga. Ikaw nga 'tong sobrang daming ininom." natatawang sabi naman ni Elixir.

"Ano? Did I do something crazy?" nagkatinginan naman silang tatlo habang ako naghihintay na sagutin nila ang tanong ko.

"Meron ba?" sabi naman ni Zac habang humawak pa sa baba niya.

"Fuck, just say it!" ani ko sa kanya.

"Wala akong maalala, eh." natatawang tumalikod sakin si Zac.

Tangina ng mga 'to. Baka pinagtripan na ako ng mga 'to kagabi. Sinipa ko naman yung upuan ni Hitler, tinignan niya lamang ako. Hinintay ko lang na sagutin niya ako pero ngumisi lang ang loko.

Hindi ko naman na sila kinulit pa dahil dumating na din yung professor namin. Sapo-sapo ko pa din yung noo ko habang nag-iisip kong anong kabalastugan na naman ang gagawin namin kay Cassy. Hindi ko siya titigilan hangga't siya na mismo ang sumuko at umalis ng mansion. She doesn't deserve to live in our house. Kinuha ko yung cellphone ko at tinext sila Darren.

To Darren:
Rooftop later, tell the other boys.

Sinend ko na yung text at tsaka binalik sa loob ng bulsa ko yung cellphone ko.

Kanina pa nagdi-discuss yung professor namin pero walang pumapasok na kahit ano sa utak ko.  Makaidlip na nga lang saglit, psh.

Matapos ang mahabang discussion ay inaya ko sila Elixir sa may rooftop. Dito kami madalas tumambay kapag may free time kami since hindi naman papasok yung susunod namin na subject ay dito na muna kami habang sa mag lunch time. Nadatnan namin ni Elixir sila Asher na nagdri-dribble ng bola habang si Darren naman ay nakaupo sa sahig habang may suot na headphones. Pati ba naman dito sa rooftop nag-aaral pa din.

Napatigil naman sila sa paglalaro ng dumiretso ang bola patungo sakin. Kinuha ko iyon at tsaka inihagis kay Alex na kaagad naman niyang nasalo.

"May kailangan ka samin, Kuya?" tanong naman kaagad ni Asher sakin.

Hindi ko siya sinagot at tsaka umupo sa bangko na gawa sa semento. Magkasunod lang sa amin si Zac at Hitler. May binili kasi sila saglit sa canteen kaya nauna kami sa kanila.

"I'm planning to take revenge on Cassy." I told them.

Umupo naman sila Asher sa sahig habang nakatingin sakin.

"So, what's your plan?" tanong naman sakin ni Zac.

"Akala niya siguro ay titigilan ko na siya. I'm going to make her pay total sinira naman niya yung buhay namin and I'm going to make her life miserable." sabi ko naman sa kanila.

ME AND MY FOUR EVIL KUYA'S (ONHOLD)Where stories live. Discover now