CHAPTER 15

0 0 0
                                    

'Deep love, thoughts and affection takes new flavor'

Matiwasay kaming nakabalik sa building na kinalulunlan ng penthouse nito at ng kay Axel. Nasa elevator na kami ngayon at handa ng maghiwalay ng kaniya-kaniya naming direksyon sa sandaling makatuntong ito sa palapag na aming destinasyon.

Napaka aga pa kaya naman dalawa lang kami ni Xaniel ang narito sa elevator habang paakyat

Bahagya akong nagulat nang angkinin ni Xaniel ang aking kamay at ipinagsiklop yun sa kaniya habang bahagyang pinipisil.

Nanibago lang ako sa ginawa niyang yun ngayon. Dahil ngayon ay may Axel na ako.
Madalas niya ginagawa ang ganoong gestures dahil parating malamig ang kamay ko paggaling sa labas then papasok sa isang  selyadong silid na may normal lang na temperatura.

He just usually do that pagnasa sasakyan kami while he's driving ,i'm in favor of that act towards me cuz I really feel a great warmth at his hands.

Napangiti nalang ako para mabawi ang ilang sandaling pagkailang. Hinayaan ko siya na manatiling ganun total talagang malamig naman ang kamay ko.

Normal lang ito sa akin hanggat hindi niya hinahaluan ng kung ano mang malisya.

"Thank you, Yaizen" sinserong saad nito saka binitiwan na ang kamay ko.

Sakto namang bumukas ang elevator. Isang matamis na pagngiti at masiglang mga tingin ang itinugon ko rito ,saka niyakap at tinapik ito sa likod ng naging pagpapaalam ko.

Nang makapasok ako sa kwarto namin ay naabutan ko si Axel na nakabihis na sa pormal nitong attire pang trabaho.
Kasalukuyan na nitong inaayos ang kaniyang sarili.

Nagkasalubong kami ng tingin mula salami at nahalata ko sa mga mata nito ang pagtatampo.

That's normal. Kasama ko ba naman buong magdamag ang lalaking kumakaribal NOON sa akin mula sa kaniya.

But.. he should be sti understanding, alam naman niya ang totoong sitwasyon at syempre ang pagmamahal ko sa kaniya.

I give a soft peck kiss at his cheecks .
I gasped as I smell again his manly scent.

D-ng it ! It give me great chills at my heart.

Agad na akong pumasok sa banyo para gawin ang shower routine ko ayaw ko namang maamoy niya pa ako ,galing kaya ako sa labas at kung ano-anong particles mula sa hangin ang hindi ko namamalayang nakabuntot sa akin tssh.

Napatitig ako ng ilang segundo sa kwintas na ibinigay nito ng maalis ko ito mula sa pagkakasuot nito sa aking leeg.

Sumariwa muli sa akin ang mga naging pangyayari sa mga oras na magkasama kami. Natuwa ako bilang kaibigan nito na kahit papaano ay naging maligaya siya na makasama ako sa ilang sandali ng kaarawan nito .

Mahirap isipin na madaling magbago ang isang tao,sa katunayan mahirap iyon pag hindi mo tanggap at hindi ka interesado pero kung tatanggapin mo iyon ng lubos at sisimulan mong diskubrihin yun ay makikita ng tao ang pagbabagong yun.

Ganoon ang nakita ko kay Xaniel at napagtanto ko rin ang ilang nakatagong sakit at lungko sa mga mata nito.
Hindi ko mawari kung ano ang tumaktakbo sa isipan nito o intensyon nito sa ginawa niyang desisyon na mas patinuin ang sarili ... pero tiwala naman akong may patutunguhan yun sa mabuting direksyon.

Nang matapos ako sa aking shower routine ay nadatnan ko si Axel na nakaupo sa isang sofa habang sumisim sim sa tsaa nito.

I'm glad that he waited for me even though I take many minutes doing my routine.

Kumandong ako sa lap nito ng patagilid  saka maingat na inayos ang pagkakaupo at pagkakapit sa kaniya.

Nakabihis na ito ayaw ko namang magusot iyon dahil sa aga ng oras na ito na nakaformal attire siya ay paniguradong mahalaga ang pupuntahan nito.

Dissociative Identity Disorder Series #1Where stories live. Discover now