OTM #12

22 9 3
                                    

Cindy Gonzalez
Active Now
18 August | 9:11 a.m.

Cindy
Good morning nak

My heart beat faster when I saw the chat of my teacher.

Czaryna
Good morning din po Ma'am

Cindy
Meron sana akong iaalok sayo, okay lang ba kung ikaw yung kunin para maging vice-president sa SSG don't worry nak may partido naman na available, okay lang ba sayo?

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya, seryoso ba si ma'am ako talaga ang kukunin niya na vice-president, marami naman sa amin na magaling, ba't ako pa?

Czaryna
Ahm ma'am, linawin ko lang po, bakit po ako? Marami naman pong iba diyan na deserving po sa position na yan, hanggang representative lang po ako hehe.

Cindy
Anak, nakita ko ang records mo sa school at matalino kang bata kaya alam ko naman na kaya mo maging vice, hihintayin ko na lang ang sagot mo ha and besides you have  a potential pagdating sa leadership, inaasahan ko ang pagtanggap mo, anak.

Czaryna
Okay po sige po ma'am, pag-isipan ko po muna.

Cindy reacted ❤ to your message.

Totoo ba 'to? o baka naman nananaginip lang ako, tinapik-tapik ko ang ulo ko at hinampas ang sarili. Real nga. Yes, I know pinangarap ko before na sumali sa mga ganitong organization, siguro natatakot lang ako na baka hindi ko kayanin ang position? Lalo na vice pa ang inaalok sa'kin. I don't have any experience yet even representative position... Wala naman siguro mawawala if susubukan ko? I've been wanting and dreaming for it a long time.

Over the MoonWhere stories live. Discover now