OTM #21

17 6 0
                                    

Grabe ang dami kong ipapasa ngayon, kakabukas ko lang ng EAP na 'yan susko napakarami naman palang tanong, mali yata naging desisyon ko na maging vice, pero wish me luck na lang talaga. Lalo na kapag nagpa-meeting de avance sa aming mga tatakbo.

Mas uunahin ko na muna siguro itong sagutan, since, malayo pa naman ang deadline ng iba kong activities, saka I think hindi naman mahirap ang mga tanong na nakapaloob doon sa EAP.

Habang sinasagutan ko itong form na binigay sa'kin ni Ash bigla kong naalala na nag-chat pala si Khalix sa akin, nagsabay pa talaga sila kung kailan marami akong ginagawa, hindi niya talaga ako tinitigilan kaka-message, hindi ba siya napapagod? O naiinip kasi late na ako minsan mag-reply dahil nga sa busy ako. But I like his attitude and also his being long patience.

Hays, ewan ko ba sa kanya, I told him before tigilan na niya ako, wala rin naman siya mapapala. Ayoko lang naman masaktan pa siya dahil lang sa'kin.

Over the MoonWhere stories live. Discover now