Chapter 22 "EVENT"

581 35 2
                                    

"EVENT"

AMBER POV;

Kinakain ko ang sinusubo sakin ni Kuya na cake dahil gusto niya daw akong subuan kaya hinayaan ko na lang siya.

Nandito parin kami sa sala nagpapahinga kanina kasi nagpipili kami ng design para sa iasal namin tsaka hinihintay namin sila Ate Celine at Kuya Ezekiel tagal kaya nila mag-usap.

At kapag naalala ko yon sinabi ni Kuya Cooper na kinikilig ako.

Kasi ano hehe.

Tawagin ko na lang daw siya sa pangalan niya or mas gusto niya daw yon hubby.

Ngumiti ako ng malapad kay Kuya kaya naging singkit ang mata ko.

Nagtaka naman si Kuya Cooper.

"Why?"Malamig na sabi ni Kuya at pinunasan ang labi ko gamit ang daliri niya umiling lang ako, kaya napailing siya isusubo na sana niya yon cake sakin pero bigla kaming napatingin don sa pinto ng bumukas yon at bumungad si Ate Celine at si Kuya Ezekiel naka pulupot si Ate Celine sa braso ni Kuya Ezekiel.

Lumapit sila samin habang pilit na ngiti ang binigay nila samin.

"Tapos naba kayo mag usap?"Natatawang sabi ni Kuya Casper tumawa rin yon iba pwera kay Amy, Casssy, Ate Sophia, Kuya Cooper at Ako.

Dahan dahan tumango si Ate Celine habang namumula ang pisngi ehh may sakit si Ate?

"Ano natapos niyo ba?"Natatawang rin sabi ni Kuya Timothy, kumunot ang noo ko.

Nakita ko na mas lalong namula ang mukha ni Ate Celine si Kuya Ezekiel naman sinamaan niya ng tingin si Kuya Timothy.

Tumingin ako kay Kuya at nagtanong.

"Ano pong nangyayari Kuya este......H-Hubby?"Nauutal na saad ko tumingin sakin si Cooper at tinignan niya ako ng sobrang lamig.

Umiwas siya ng tingin at inilagay niya yon cake sa maliit na mesa sa harap namin.

Tumayo siya at nilahad niya ang kamay niya sakin kaya tinanggap ko.

Hinila niya ako papunta sa pinto aalis ata kami, kaya kumaway ako kila Kuya at kila Ate.

Hila hila niya ako kaya nagpapatanggay na lang ako kasi di ko naman mapigilan si Kuya dahil sobrang lakas niya.

Tumigil kami sa isang pinto binuksan yon ni Kuya at pumasok kami.

Isinara niya ang pinto kaya naglibot ako ng tingin napanganga ako woaahh ang laki ng silid.

Para siyang dance room may salamin kasi sa magkabilang pader.

Napatingin ako kay Kuya ng hinawakan niya ang kamay ko.

At hinila ako sa gitna kaya nagulat ako.

Tinitigan niya ako at ngumiti siya ng maliit napatulala ako at di agad makapag salita agad shit, mama ang gwapo niya ngumiti.

Pero maya maya binalik niya ang malamig na tingin niya kaya ngumuso ako.

Napatingin ako sa paligid ng biglang may music na nag on napatingin naman agad ako bigla kay Kuya Cooper.

Ng inilagay niya ang kamay ko sa balikat niya habang yon isang kamay ko hawak hawak niya bigla akong nakiliti ng hawakan niya ako sa bewang.

Ang lamig parin ng titig niya.

Napatingin ako sa posisyon namin ahhh sasayaw kami eh pano? Hindi ko naman alam sumayaw.

Nagulat ako ng lumutang ako ng unti at naramdaman ko na lang na sobrang lapit ko kay Kuya Cooper inaapakan ko ang paa niya.

My Husband Is A Vampire Prince (Book 1) Where stories live. Discover now