Chapter 28 "WEDDING DAY"

538 39 1
                                    

"WEDDING DAY"


AMBER POV;

Nakangiti ako habang naglalakad palapit sa mapapangasawa ko nakasuot ako ng pang wedding gown pero pang royal, at nakasuot rin si Cooper ng pang royal para sa kasal ang gwapo niya sa suot niya.

Madaming tao ang dumating ito ang pinakamasayang araw ko kasi maiikasal narin ako sa pinaka mamahal ko.

I love him more than anything.

Nasa harap si Tito Robert siya ang magpapakasal samin dahil siya ang hari.

Nandito ang mga kaibigan namin mga kamag anak nila Tito walang pamilya ang dumalo sakin kasi wala na akong pamilya si Amy lang ang dumating kaya masaya na ako na nandito siya.

Kahit papano nandito ang matalik kong kaibigan at naging Ate ko na.

Nakalapit na ako kay Cooper at nilahad niya ang kamay niya tinitigan ko muna siya bat ang gwapo niya mas lalo siyang naging pogi ng nakausot siya ng pang royal na damit.

Kulay blue ang mata niya...... na ngayon ko lang nakita ngumiti ako at tinanggap ang kamay niya.

Inalalayan niya akong maglakad papunta sa harap ni Tito.

Hinalikan ako ni Tito sa pisngi at tinapik niya sa balikat si Cooper naiiyak si Tito kaya napatawa ako ng mahina.

Alam kong masaya sila ngayon para samin.

"Ok let's start."Sabi ni Tito at nagsimula siyang mag salita pero hindi sa normal na kasalan sa simbahan dahil alam kong bawal sa kanila yon.

Habang nagsasalita si Tito napatingin ako kay Cooper na nakatitig pala sakin.

"You're so beautiful today baby I can't wait any longer to be your husband baby."Sabi ni Cooper sa isip ko namula ako at siniko siya at umiwas na lang ng tignin at nakinig na kay Tito na nagsasalita.

Tumingin si Tito samin at ngumiti.

"Sa araw na ito makikita natin ang pag-iisang dibdib nila Cooper at Amber for all those years son you waited for her a long time and now mapapasayo na talaga siya, ang pinakamamahal mo, just take care of your wife Cooper at pwede mo ng halikan ang iyong asawa."Sabi ni Tito ngumiti ako at nagulat ako ng pinaharap ako ni hubby at hinapit niya ako palapit sa kanya.

"You're mine now and I'm yours wife."Nakangiti na sabi ni hubby at nagulat ako ng bigla niya akong hinalikan nagsigawan ang mga tao na dumalo kaya nahiya ako pero biglang tinakip ni Cooper ang kapa niya na nasa likod kaya di kami kita kaya hinalikan ko siya pabalik.

"Hoy Cooperr wag mo naman kainin yan labi ni AMBER!"Sigaw nila kaya napahiwalay ako at napatawa ng mahina sinamaan ako ng tingin ni hubby at niyakap ako kaya niyakap ko siya pabalik at humarap sa mga bisita namin na nagpapalakpakan.

________

CASPER POV;

Ngumiti akong nagpunas ng kamay habang nakaharap sa kapatid ko at si Amber.

Walang nakalapit sa kanila and yeah tama ang hinala namin may lulusob pero tapos na tinapos na namin sisiguraduhin namin walang makikita at maamoy si Cooper na dugo.

Gumamit narin si Daddy ng kapangyarihan niya ng palihim kay Cooper para di niya maamoy ang dugo.

Masaya ako sa kanila dahil mag asawa na sila at dito ang magsisimula ang kanilang kwento.

Tumingin ako sa katabi ko ang asawa ko pfft umiiyak.

Pinaharap ko siya sakin at pinunasan ang luha niya.

"Bakit ka umiiyak?"Natatawang sabi ko.

"Ehh masaya lang ako para sa kapatid mo at kay Amber alam mo naman na ang hirap ng pinagdaanan niya-nila ehh masaya ako kasi natupad narin ang matagal hinihiling ni Cooper at pinapangarap niya, at si Amber pamilya na natin siya kaya masaya ako..."Umiiyak na sabi ni Isabelle tumawa ako ng mahina at ngumuso sa harap.

My Husband Is A Vampire Prince (Book 1) Where stories live. Discover now