Chapter 33 "SOPHIA & STEVEN"

536 36 4
                                    

"SOPHIA & STEVEN"

SOPHIA POV;

Naglalakad ako sa hallway ng hotel dahil hinahanap ko si Steven pero mas prefer ko siyang tawagin Steve wala lang mas bet ko lang siya tawagin na Steve, at wala kasi siya sa kwarto namin.

Habang hinahanap ko siya napatigil ako dahil napatingin ako sa isang sulok nanliit ang mata ko at lumapit don pero napatakip ako ng bibig ng makita si Steve na may kahalikan iba biglang nadurog ang puso ko at pinipigilan umiyak napasandal ako sa pader at pinaghahampas ko ang dibdib ko.

Wag Sophia! Wag kang masaktan dahil di mo naman siya mahal! Amo mo siya! Maid ka lang! Diko na naiwasan tumakbo na ako ng sobrang bilis kaya nakarating agad ako sa roof top ng hotel.

Pinipigilan kong umiyak pero bumuhos na lang ang mga luha ko bakit?! Wala ka naman dapat ikasaktan Sophia! Alipin ka lang niya!

"Isigaw mo ang sakit. Free to shout here walang makakarinig sayo."Bigla akong napatingin don sa nagsalita nanliit ang mata ko ng makita si Lucas na nakaupo habang winawaygay niya ang paa niya sa baba tsk baka mahulog siya! Perwesyo pa naman din ang isang toh.

"Tsk nababasa ko isip mo! Perwesyo sapukin kita eh! Tara nga dito!"Sigaw niya kaya pinunasan ko ang luha ko at lumapit sa kanya at umupo sa tabi niya niyakap niya ako kaya napaluha na naman ako bawal ako magmahal ng isang maharlika! Katulad ni Steve.

"I know nasasaktan ka ngayon cous I'm sorry kung pinakilala pa kita sa kanya sorry alam kong mahal mo siya kaya sorry ng dahil sakin nasasaktan ka ngayon ewan ko ba bat di nagbabago si Steve babaero parin siya tsk pogi nga siya kaso babaero."Sabi ni Lucas at hinigpitan pa lalo ang pagyayakap sakin sumubsob ako sa dibdib niya naramdaman ko na hinalikan niya ako sa ulo kaya napapikit ako.

Yah pinsan ko si Lucas nakikitira lang din naman ako sa palasyo nila dahil wala na ang mga magulang ko at ang kaharian namin nasakop na ng mga kalaban kaya ramdam ko din ang nararamdaman ni Amber ngayon na wala na siyang pamilya.

Hindi ako pumayag na maging prinsesa sa kaharian nila Lucas dahil wala naman akong karapatan mas pinili ko na lang na tumulong sa mga katulong, si Lucas naman ayon ayaw niya akong maging katulong dahil mahihirapan daw ako gusto niya daw na paunlarin namin dalawa ang kaharian nila nag-iisa kasing anak si Lucas pero di ako pumayag.

Turing niya na rin sakin parang kapatid, at ganun din naman ang turing ko sa kanya tsaka di alam ni Steve na pinsan ko si Lucas pinilit ko pa si Lucas na wag na nyang sasabihin kay Steve na pinsan niya ako.

"Bumalik kana sa plasyo ewan mo na si Steve dahil masasaktan ka lang dahil sa kanya."Wika ni Lucas humiwalay ako at pilit na ngiti ang binigay ko sa kanya tumango ako kaya napangiti siya napapikit ako ng hinalikan niya ako sa noo.

Minsan tawag niya sakin Ate kasi mas matanda naman talaga ako kay Lucas.

"What the fuck is this?!"Bigla kaming napahiwalay sa isa't isa ni Lucas at napatingin sa likod namin nakita namin si Steve na nakatayo habang umiintig ang panga at pula ang mata niya.

Tumayo kaming dalawa ni Lucas at hinawakan niya ang kamay ko at hinila papunta kay Steve na ang sama ng tingin samin napayuko ako.

Tumigil si Lucas kaya tumigil rin ako.

"Anong ibig sabihin nung nakita ko?!"Sigaw ni Steve napapikit ako at inangat ko ang tingin ko nakatitig siya sakin ng masama napalunok ako at umiwas ng tignin.

"Pake mo ba?! Pfft huwag mong sasabihin Steve na NAGSESELOS KA?! Ehh diba may babae ka na kahalikan kanina! Tapos ngayon MAGSESELOS KA?! Ang galing mo naman paglaruan si Ate!"Sigaw ni Lucas pinisil ko ang kamay ni Lucas at nagulat ako ng isang iglap nakaupo na siya.

My Husband Is A Vampire Prince (Book 1) Where stories live. Discover now