Lola Susa

47 15 8
                                    

Umiiyak ang matanda nang lapitan nila ito.

Dala dala ang mga litrato.

Naunang naglakad si Karel.

Hawak naman ni Lucy ang mga litrato.

Plano na nilang tanungin ang matanda.

Masyado ng magulo ang lahat.

At kung tatagal pa ito at hahayaan nila siguradong sasabog na ang kanilang mga utak dahil sa mga tanong.

Ngunit nagtataka sila kung bakit umiiyak ang matanda.

Gayong hindi pa naman nila nasasabi o natatanong ito.

"Lola"tawag ni Karel

Pero humihikbi parin ito.

Nakatalikod ito sa kanila at nakaupo sa kanyang upuan sa kanyang kwarto.

"Lola?"

Muling tawag ni Karel.

Ngunit hindi parin ito sumagot.

Nilingon nito ang mga kapatid.

At tumango ito na para bang nagtatanong kong itutuloy pa ba nila.

Ngunit ngumuso lamang si Ben.

Habang si Lucy naman mahigpit ang pagkakahawak sa mga litrato.

"Lo......."

"Nasaan ang mga litrato?"

Nagulat ang tatlo sa tinanong nito

Paano nito nalaman na hawak nila ang mga litrato.

Muling gumulo ang mga tanong.

Hindi na nila kinakaya,hindi nadin nagiging normal ang lahat,lahat na naging misteryoso.

Pero hahayaan muna nila ito,at uunahin ang pangunahing tanong na kailangan na talagang masagot.

Ilang beses na lumunok si Lucy bago ibigay ang mga litrato sa matanda.

Tiningnan muna iyon mang matanda bago kinuha.

"Maupo kayo"

Isa isa silang nagsitinginan sa isat isa.

Sinunod nila ang utos nito.

Pinunasan ni Lola Susa ang luha bago isa isang tiningnan ang mga litrato.

Ang tatlo naman ay naghihintay sa mga mangyayari.

"Matagal na panahon nadin ng huli ko itong nakita.........."

Hinimas nya ang litrato sa harap.

"Ako ang nagtago nito sa itaas....upang itago muna ang mga ala-ala namin......"

Napatingin ang dalawa sa matanda.

"Ilan taon ko itong itinago......Pero magpahanggang ngayon hindi parin sinisira nang panahon.......

Ngumiti ito

Kokontra sana si Ben,pero pinigilan sya nang dalawa.

"Lola"

Tawag ni Karel

"Ilang taon ko munang itinago ang lahat ng mga ala-ala nya pati sa isip ko kinalimutan ko muna sya.....

Natahimik naman si Karel

Alam nyang napahiya sya.

Tiningnan nya ang kapatid na lalake pero bumubulong ito na

Magsasalita pa kasi...

Inirapan nya lamang ito at muling ibinalik ang tingin sa matanda.

"Alam kong darating ang panahon na muli magbabalik ang mga ala-alang ito,pero hindi ko inakalang mahirap pala talaga........

Bawat gabi akoy umiiyak,bawat araw akoy nananalangin .......

Humikbi na ito

Nagsitakbuhan ang tatlo at niyakap ang lola,alam nilang nasasaktan ang matanda ngayon.....

Hinawakan nito si Ben,kusang sumunod ito sa matanda.

Hinawakan nito ang mukha nito

At tinitigan sya

"Na sana magbalik na sya...........Tulad ng ipinangako nya saakin......"

Hindi alam ni Karel at Lucy kung bakit nasasaktan din sila,kusang nagsitulo ang mga luha ng mga ito.

Hindi nila alam............Ang alam nila masaya ito dahil lagi itong nakangiti habang nagkukuwento ........Ngunit may itinatago pala sya....Wala silang alam......Dahil hindi nila inalam....

Pumikit ang matanda

"Lola?......."

Tumingin si Lucy kay Karel.....

Tumango si Karel sa kapatid....

"Handa kabang ikuwento ang lahat sa amin,kamiy makikinig lola......"

Bumukas ang mga mata nito..

At tinitigan sya.....

Isang ngiti ang iginawad ng matanda sa tatlo..

"Maupo muna kayo...."

Napangiti si Lucy bago tumingin kay Karel,ganin din ang kapatid.

Habang si Ben ay tahimik at naunang naupo na.

Hinimas nito ang buhok nang apo bago pumikit ulit.

"Nag-umpisa ang lahat ng tulungan nya ako ng manakaw ang tinitinda ko..............

Gwapo,makisig,moreno.....

Sya na din yata ang tingin ko ang pinakagwapo sa lahat ng kalalakihan sa amin dahil.....

Iba sya............Ibang iba...."












*****.

Ayon!!!

Waley ba??

Next chapter,aalamin na natin kung saan nagsimula ang pag-ibig nila ni lola susa nyo....

Hahaha abang abang

Kahit wala naman...

Please Vote....

Ala ala ng unang Pag-ibig (✔)Where stories live. Discover now