Ang muling pagkikita

30 13 7
                                    


"Susa tanghali na tutuloy ka parin ba?"

Tanong ng matanda dito.

Magbabandang alas syete na kasi  ng magising ang dalaga.

Napasarap kasi ang tulog nito.

Kaya ngayon iniimpake na nya ang mga gulay na ibebenta.

Ngunit mag aalas otso na,mainit na sa labas at siguradong naagawan ulit sya ng puwesto doon.

Ngunit kailangan na nyang ibenta kaagad ang mga napitas nilang gulay,hindi na ito sariwa kung bukas pa nila ibebenta,lalo na ang nga dahon tulad ng petchay.

"Sige na lola,sayang ang benta natin ngayon oh"

Napabuntong hininga ang matanda.

"Oh siya sige,mag-iingat ka"

Bago ito umalis sa harap ng dalaga.

Lumabas ang dalaga ng bahay.

"Lola!"

Sigaw nito

"Aalis na ako!" "Sandali,apo!"

Lumabas ang matanda sa bahay at inabot ang dalawang nakabalot n kakanin.

"Salamat lola"

Yumakap ito dito bago tumango ang matanda

"Mag-iingat ka,yong lagi kong sinasabi"

"Opo"

Tumango ito at ngumiti.


Labis ang gulat nya ng walang umupo sa pwesto nya.

Napangiti ito, buti nalang,pag nagkataon siguradong sa labas ulit sya mauupo.

At doon magbebenta.


"Oh bakit napatanghali ka?"

Nagulat naman si Susa sa biglaang nagsalita.

Si Kano

Napabuntong hininga ang dalaga.

Naiinis sya sa naiisip na baka malingat lang ulit sya,nanakawin na naman nito ang ilang panenda nya.

Sisiguraduhin nyang hindi nya na aalisin ang paningin dito at babantayan ang kamay nito.

Mensan kasi nakita nya ito na titingin ito sa mga mata nya pag naguusap pero yong kamay sa baba,gumagalaw na.

Hindi na iyon uli mahuhuli.

Pero nagtataka din ang dalaga,saan ba dinadala ng binata ang ninanakaw nito.

Kung ninanakaw nya ito para may pang ulam.Maari naman nitong sabihin nalamang sa kanay dahil bibigyan nya ito.

Tapos na sya sa pag-aayos.

Ang binata nakikipag usap sa mga di nya naman kilalang lalake.

Naupo sya sa tabi.

Bigla namang umalis ang binata.

Mukhang nagmamadali ito.

"Maari ko bang malaman kong saan mo ito nakukuha binibini?"

Napaangat sya ng tingin.

Humalo lahat ng emosyon na nararamdama nya.

Gulat

Kaba

At saya dahil sa muling pagkikita nila.

Ngayon mas lalo nitong natitigan ang maamo nitong mukha.

Moreno,pero makinis.

Ala ala ng unang Pag-ibig (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon