Pangalan

24 11 3
                                    

"Maari ko bang malaman ang pangalan mo?..."

Tanong ng dalaga.

Sandali syang napatigil at napangiti sa loob ng maisip ang bagay na  interesado ang dalagang nasa harap nya tungkol sa kanyang pangalan...

Kinuha nya ang kamay nito.

Bahagyang nagulat ang dalaga pero hinayaan nya lang ito...

Dahil inaantay nya ang sasabihin nito pagkatapos.

"Yeros..."

Sandaling napatigil sa pag-ikot ang mundo ni Susa,pagkatapos yong marinig.

May isang memoryang bigla nalang gumana sa utak nya,lumabas ang isang imahe ng isang batang lalake sa kanyang isipan ngunit kaagad iyong nawala....

"Yeros ang aking ngalan binibini...."

Ngumiti ito bago hinalikan ang harap ng kamay nya.

Tulala parin si Susa sa daan kahit kanina pa nakaalis ang binatang nag-ngangalang Yeros....

Wala sya sa sariling ngumiti hanggang sa natawa...

Isa ito sa pinakamasayang araw nya.

Di nya man alam kumbakit sa simpleng pag-alam lang sa ngalan nito ay pinasaya sya.

Ngunit wala syang magagawa,hindi nya mapipigilan ang pagtalon nitong puso nya.


Umuwing nakangiti ng pagkalaki laki si Susa.

Mula sa daan papunta sa bahay nila,nasa isip nya si Yeros...

Hindi na ito matanggal...

Lalo na kapag inuulit nya sa isip ang pangyayaring hinalikan sya nito sa kamay.

Marami mang tanong kumbakit sya nito hinalikan,nanaig parin ang kasiyahan nya at pansamantalang inalis ang mga katanungan...

Napansin ng lola nito ang kanyang kakaibang ngiti,ngunit hinayaan nya lang ito.

Gabi;

Yeros

Yeros

Yeros

Paulit ulit na sumasagi sa isip nya.

Wala na syang ibang inisip kundi si Yeros,Yeros,Yeros.

Kahit paulit paulit,hindi sya nagsasawa kakaisip,mas pinapangiti pa sya nito.

Kahit sa higaan,natatawa sya o di kaya ay ngingiti hanggang sa humagikgik dahil sa mga iniisip..

Samantalang ang rosas na nanatiling sariwa at presko,na hindi nya muling napansin dahil inilagay nya ito sa mas mataas na lugar,ay nagsimula na namang lumiwanag,ngunit ngayon mas maliwanag na ito hindi lang dahil sa mas maliwanag din ang buwan kundi dahil sa saya at kilig ng nilalang na nagmamay-ari nito.

Pinatay nya ang ilaw at sinubukang itigil ang mga iniisip.

Kinaumagahan;

Maagang nagising si Susa,dumeretso ito sa kusina at kinain ang kakanin na siguradong binili ng lola nya.

Wala syang ganang magkape ngayon kaya kakanin nalang muna.

Pagkatapos ng ilang minuto,lumabas sya nang bahay at dumeretso sa harden nila,dahil sigurado syang nandoon ang matanda.

Tama nga,nagbubungkal nang lupa ito.

Napansin nito ang presyensa ng dalaga.

"Wag ka munang pumunta sa bayan para magbenta,magpahinga ka muna...."

Ala ala ng unang Pag-ibig (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon