Chapter 25

91.7K 2.7K 1.3K
                                    

Chapter 25

"What?" tanong ni Samuel nung mahuli niya ako na naka-tingin sa kanya. It had been two weeks since the talk. Sabi niya sa akin ay nagsabi na siya sa frat niya na hindi na siya tatakbo sa pagka-presidente. Sabi niya sa akin ay okay lang naman daw, pero hindi naman ako bobo para malaman na siya iyong hindi okay. Mas lalo tuloy akong nagguilty dahil parang ang lagay, naggive-up siya ng bagay na gustung-gusto niya dahil sa akin. Ang bigat sa feeling.

Umiling ako. "Nothing," sabi ko sa kanya at tipid akong ngumiti.

Bumalik kami sa pagrereview. Halos isang oras din na seryoso lang kaming nagrereview nung biglang lumapit sa amin si Lui. He smiled at me and said hi.

"Can I steal your boyfriend for a while?" biglang tanong niya sa akin.

Kumunot ang noo. "Bakit ka nagpapaalam?" tanong ko kasi sa panahon na kilala ko si Lui, never naman siya nagsabi ng ganito.

He shrugged. "Frat stuff," sabi niya sa akin.

"So?" naguguluhan na tanong ko pa rin kasi as far as I was concerned, hindi ko sinabi kay Samuel na umalis siya sa frat. Hindi rin naman siya umalis—nagsabi lang siya tungkol sa presidency. Sabi naman sa akin ni Samuel na dahil normal na member na lang siya (plus the fact na fourth year na siya next sem) ay halos wala na raw talaga siyang gagawin. Basically, 'untouchable' iyong mga fourth year dahil sa dami ng load nila sa school kaya hindi talaga sila inuutusan sa frat—plus seniority stuff na big deal doon.

Instead na sagutin ako, ngumiti na lang si Lui sa akin. I frowned at him, but he just laughed at me. For someone na natulog sa presinto ng isang gabi, parang wala lang nangyari sa kanya.

"Ano ba'ng sasabihin mo?" Samuel asked. Tumingin sa akin si Lui na parang sinasabi niya na ayaw niyang sabihin sa harap ko. Patayo na sana ako para bigyan sila ng privacy nung biglang magsalita si Samuel. "It's fine—you can tell it in front of her."

"Are you for real?" Lui said. Tumingin siya sa akin. "No offense," dugtong niya.

"None taken," I replied because I really didn't mind.

"I'd say it in front of you, but I think it's better if you know nothing. Messy, messy," sabi sa akin ni Lui.

"Gets ko naman," sabi ko tapos ay tumayo ako. Tumingin ako kay Samuel kasi baka isipin niya na naman ay makikipagbreak ako. Simula nung muntik na kaming maghiwalay, sobrang naging paranoid na siya. Hindi ko lang kausapin ng isang hapon, kita ko na nase-stress na siya. Naguilty ako kasi hindi naman siya ganito dati...

"Bili lang akong coffee," sabi ko sa kanya. "Iced coffee sa 'yo?" I asked and he hesitantly nodded. I smiled at him before leaving.

Pagbaba ko mula sa library, naka-salubong ko si Zach na tumatawa habang may kausap na member din nila sa frat. Akala mo walang nangyari, e. For some reason, umiwas ako. Ewan... alam mo 'yung tao na bad vibes? Siya iyon. Alam ko na masama magjudge sa isang tao na hindi mo naman kilala, but from what I've heard sa mga kwentuhan nila Lui, gago daw talaga 'yan si Zach. 'Di ko nga alam kung bakit naka-labas 'yan, e. Sabi-sabi, may kapit daw kaya naka-labas agad...

Ay, ewan. Gulo ng frat na 'yan. Sakit sa ulo kahit hindi naman ako member.

It took me 30 minutes bago ako bumalik sa library. Pagdating ko ay nakita ko na wala na roon si Lui. Inilapag ko iyong coffee ni Samuel sa harap niya.

"Thank you," sabi niya sa akin.

"You're welcome," I replied. "What?" I asked nung naka-tingin pa rin siya sa akin.

"You wanna know what Lui told me?"

I shook my head. "Nope. You're entitled to your privacy," I told him. I didn't expect him to tell me everything—that'd be weird. Besides, hindi ko rin naman sinasabi sa kanya lahat, noh. Kaloka. May sari-sarili naman kaming buhay.

Hate The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon