The Proposal

1.9K 76 35
                                    

💖💖💖

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.

💖💖💖

THIS NOVEL IS BEING REPOSTED TO UPDATE THE ANNOUNCEMENTS AND DISCLAIMERS ONLY. NO HARD EDITING OR RELOADING WAS DONE TO KEEP YOUR COMMENTS IN PLACE AS MUCH AS POSSIBLE. OLD NOTES AND THE AUTHOR'S MESSAGES WERE MOSTLY TRANSFERRED AT THE BOTTOM OF EVERY CHAPTER.

💖💖💖

"Sino ulit 'yon, Nay?" I asked my mother to verify what she had been saying while I'm talking to her on the phone. First time kasing may ganitong information na nakarating sa akin.

"Hindi mo 'yon kilala kasi anak 'yon ng kaibigan ng Tita mo no'ng College."

"Paano naman napunta doon ang usapan nila?"

"Parang nabanggit no'ng kaibigan ng Tita mo na gustong magpunta sa US no'ng anak at magkapapel."

"Eh, bakit hindi siya mag-apply tulad ng ginawa ko?"

"Hindi naman siya nurse. Hindi in-demand diyan ang trabaho niya. Sinubukan na yata."

"Ano ba ang trabaho niya?"

"Architect, a family of Engineers and Architects sila."

"Ahhh." Napatango na lang ako kahit hindi nakikita ni nanay.

"Ano, okay lang ba sa'yo?"

"Hindi ko po alam, eh. Hindi ko 'yan naiisip. Baka kasi magkaroon ng issue. Kasi kapag ganyan dapat magkasama kami sa bahay. Dapat may proof na boyfriend ko siya kung ipi-petition ko siya."

"Puwede ka naman niya puntahan kasi may US Tourist Visa siya. Eh, 'di mapag-picture kayo ng marami pagdating niya diyan."

"Hindi lang naman picture 'yon. Wala bang asawa, o girlfriend?"

"Hindi ko alam, eh. Pero ang pinaka gusto ko ay babayaran ka."

I rolled my eyes. "Nay, hindi ako naghihikahos dito, nurse ako."

"Malay mo din magustuhan mo."

"Hayyy naku! Sabi ko na nga ba, eh!" Natampal ko ng kamay ang noo ko bago ako dumausdos pahiga sa kama.

Natawa ng malakas si Nanay.

"Twenty seven pa lang ako. Kala mo naman kuwarenta na!"

"Anak, wala ka man lang boyfriend, ano ba?"

"Busy kasi ako, Nay."

"Baka naman kasi hindi mo lang makalimutan 'yong first love mo."

Gah! "Nay, puwede ba? Matutulog na muna ako. Huwag n'yo akong abalahin kung 'yan rin lang ang topic.

She laughed again.

Binabaan ko na siya ng phone. Hindi ako makapaniwala sa kakulitan ni Nanay ngayon! Epic!

LOVE STRUCK (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz