CHAPTER 02: Naughty Chance

158 135 37
                                    

POV: Thailand

Umuwi na ako sa bahay at nakasabay si ate'ng hindi maipinta ang mukha habang naglalakad na din pauwi. Nilapitan ko ito at sinabayan sa paglalakad.

"Problema mo?" tanong ko na parang hindi araw araw nagbabangayan.

"Natanggal ako sa trabaho ko." Sagot niya at humagolgol ang iyak. Nahiya din ako sa ibang kapitbahay dahil nagtitinginan na ito kaya inanyaya ko na sya na pumunta na sa bahay para sabihin kina mama at papa.

Ilang sandali, Nakapasok na kami sa bahay nang bigla nalang nagbunganga si mama. Hindi namin yun inasahan dahil akala namin na okay lang sa kanyang matanggal si ate.

"Bakit nya naman ginawa yun ha!! Ano bang ginawa mo para tanggalin ka sa trabaho mo Betrice!!" Pasigaw nanaman'g tanong ni mama kay ate.

"Eh kase nabasag ko yung favorite vase nung boss ko. Para syang bakla kung makapag react tapos ang sungit sungit pa".

"Bakit mo kase nabasag?!! Alam mong mamahalin ang bagay na meron yan'g boss mo kaya bakit hindi ka nag iingat sa mga kinikilos mo!!!?" Sermon nanaman ni mama.

"Bakit ako? Kasalanan ko ba na madami syang inuutos kaya ako nahihilo? tsaka hindi niya nilalagay sa tamang lugar yung mga mamahalin niyang gamit. Mama!!" Pahayag ni Ate.

Kung ganito lang ang pag aawayan nila ay wala din'g patutunguhan at hindi matatapos ang pagsisisihan kung hindi matukoy sino bang may kasalanan sa kanila ng boss niya.

Malapit nang matigil ang sigawan ni ate at mama ng biglang nasipa ni Peejay ang mamahalin namin'g paso na malapit sa daan sa pinto.

"Paktaayy" reaksiyon ni Peejay matapos niyang masipa ang paso. "Bakit ba kase nandito to'ng paso na ito!!!?" Reklamo niya.

Nilapitan ito ni mama ng dahan dahan na parang pinagbabantaan.

"Anong sabi mo!! Eh kung sa nagiingat kayo, edi sana walang nasisira!!" Sigaw pa ni Mama sa bunso namin'g si Peejay. Aba kawasa nasa pinto yung paso niya.

"Tekka lang ma, bakit ba kase nanjan yan'g paso na yan?!!" Tanong ni Peejay. Pagkatapos ko masigawan kanina, ngayon sila naman dalawa. Sa halos araw araw walang nakakaligtas samin sa bunganga ni mama miski si papa.

"Kahit bunso ka, matuto kang magmatureeee Peejay" Paalala ni mama sabay hila nito ng buhok ni Peejay malapit sa taas ng tenga nito.

"Araaaay!!!!" Sigaw ni Peejay habang hinihila ni mama ang kaniyang ilang pirasong buhok.

Dumating na nga si papa galing sa palengke at ulit naman niya kaming pinagtanggol kay mama. Hindi ko alam kung bat ganon si mama. Siguro kalog lang talaga siya na parang may trauma sa sama ng loob.

"Ano bang sigawan nanaman to'?" Tanong ni papa habang may bibit ulit na dalawang supot ng gulay..

"Yung panganay mo natanggal sa trabaho dahil sa vase." Saad ni mama.

"Hindi naman niya siguro sinasadya ang init agad ng ulo mo." Lambing na sabi ni papa kay mama habang nakaupo ang dalawa sa sofa habang nasa hagdan akong nakikichismis sa harutan ni mama at papa. Si ate at Peejay naman ay umakyat na sa kanilang kwarto para magbihis.

Sinusuyo ni papa si mama habang ako naco-corny-han sa ginagawa nila. Gago sana all kase.

Umakyat na'ko kase wala naman akong mapapala sa kakanood. Magkakagirlfriend ba'ko kung manonood lang ako sa kanila.

Ilang sandali, Naisipan kong lumabas muna saglit at tumambay sa kahit saan malapit lang sa bahay namin.

Naisipan ko rin umuwi ng tumagal ang ilang minuto.

Let's Begin Our Date [ONGOING]Where stories live. Discover now