CHAPTER 28: Heartbreak I Taked

17 7 0
                                    

POV: Thailand

Nagmamadali ako'ng pumasok ng hospital kasama si Prin. Hindi ako mapakali nang halughigin ko ang bawat sulok ng ospital para makita sila. Buti nalang nakasalubong ko si Audrey na may dalang supot ng prutas na naglalakad sa hallway.

"Nasan si Perjay?" Tanong ko Kay Audrey.

"Kararating niyo lang? Nasa room number 16 si Perjay. May gagawin pa'ko sa Bahay. Since nandito ka'na puwede ba'ng Ikaw nalang magbigay sa kaniya nito?" Aniya tsaka inabot ang Dala niya'ng mga prutas. Tumungo ako pagkatapos ay kinuha ang mga ito.

Pumunta kami ni Prin sa unit kung nasan si Perjay. Naabutan namin siya'ng nakahiga at nakatulala lang sa kisame. Nilapitan namin ito kaya napatingin siya sa amin. Bumangon ito.

"Ano'ng nararamdaman mo ngayon? Nakakahinga ka na ba ng maluwag?" Tanong ko Kay Perjay.

"Sinabi mo sa iba gaya ng ayaw ko... Gaano ka ba nagtitiwala sa tao'ng to?" Ramdam ko ang galit niya habang pinupunto si Prin. Napatingin nalang ako sa kawalan.

Hindi ko naman talaga sinabi Kay Prin. Nakinig niya lang nung time na nagusap kami ni Perjay kagabi. Hindi ko nga akalain na siya pala yung sumusunod sa akin nung gabi'ng iyon. Sa kaniya'ng phone rin yung nakinig ko nung gabi'ng iyon.

"Hindi na importante kung sino'ng nakakaalam." Sabi ko.

"Hindi ba sapat sa inyo na gusto ko lang?. Ayaw ko'ng sabihin ng tao na Nakakaawa kayo kapag namatay na'ko."

"Pero Peejay-"

"Hindi nga Peejay ang pangalan ko. Ayaw ko'ng mamatay na Peejay ang tawag niyo sa'kin." Ang alam ko, ayos lang sa kaniya na tawagin siya sa pangalan na kinasanayan namin. Naiiyak siya habang namumutla.

Alam ko'ng hindi siya galit sa'kin. Ramdam ko'ng ayaw pa niya'ng mamatay. Napipilitan lang siya'ng suko na para sa'min.

Tumulo ang patak ng luha sa kaniya'ng mga pisngi. Agad ko siya'ng niyakap. Ganon rin naman ang ginawa niya sa akin habang magkatabi'ng nakaupo sa kama niya.

"Hindi ka mamamatay. Ako nang bahala sayo." Sabi ko habang yakap ang kapatid ko.

FLASHBACK 2012

Naglalaro kami ng kaibigan ko ng taguan. Sobrang saya namin dahil hindi gaano'ng kainitan sa bakuran nang makisali ang kapatid ko. Hindi ko alam kung bakit Sila nagsilayuan.

Nagalit ako sa kapatid ko kaya dinala ko siya likod ng bahay.

"Hindi ka ba nakakaintindi? Ayaw nga namin sa mataba'ng katulad mo! Ang pangit tingnan. Dahil sayo kaya nawawalan ako ng kaibigan eh." Sabi ko kay Perjay.

"Pero kuya, gusto ko lang sumali. Mukha kase'ng masaya kayo." Nakabusangot ito habang sinasabi ang mga katagang mas Lalo ko'ng kinainisan.

"Nung pumunta ba kayo'ng probinsiya nila mama, hindi kayo naging Masaya? Dapat lang sayo na malungkot. Magdusa ka sana habang buhay. Sana hindi nalang kita naging kapatid para wala ako'ng kaagaw sa atensyon nila mama!" Sigaw ko.

Umiyak siya na walang pakundangan. Bilang bata, Wala ako'ng pakialam dahil naman to sa kaniya pati kay Ate.

Iniwan ko siya'ng umiiyak sa likod ng bahay. Hinanap ko ang mga kalaro ko at nagsimula ulit ng panibagong laro.

Dumating ang hapon at tumigil na kami sa paglalaro. Umuwi ako bahay na pawisan pero sarado ang gate. Umakyat ako para lang makapasok. Inikot ko Ang buong Bahay pero wala sila mama. Lalabas na sana ako nang bigla'ng bumuhos ang ulan. Naghintay ako ng ilang oras baka sakaling umuwi na sila pero wala.

Let's Begin Our Date [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon