Buhay sa Nakaw

121 12 5
                                    








Unedited.







Sabi nila, sipag at tiyaga ang kailangan para umunlad tayo sa buhay.

"Bato!"

Napalingong ako sa tumawag sa akin.

"Oh?"

Tumigil ako at hinintay ang kakilala ko.

"Tang'na! Bakit nandito ka?"

"Gago! Malamang naglalako ako ng taho!"

"Ulol! Ang asawa mo, nanganak na!"

"Ha? Sa susunod pa ang kabuwanan, gago!" pagmumura ko.

"Oo nga! Isinugod sa hospital ni Aleng Marites dahil dinugo!"

Walang bahid ng pagsisinungaling ang kanyang mukha kaya inilapag ko ang taho at kumaripas ng takbo patungo sa healthcenter. Hinihingal na dumating ako subalit para akong tinakluban ng langit sa masamang balita. Wala nang buhay ang aking asawa at anak ko lamang ang nakaligtas dahil nag-dry labor daw at inatake pa sa sakit sa puso. Masakit man pero sinubukan kong tanggapin ang lahat at mamuhay nang masaya kasama ang aking anak.

"Sandali!" inis na sabi ko nang umiyak si Totoy. Lumabas ako at nilagyan ng kahoy ang aming bubong para hindi liparin ng hangin dahil sa bagyo. "Tang'nang sinaing kasi 'to!" gigil na sabi ko dahil namamatay ang apoy dahil sa tulo sa bubong. Iyak pa rin nang iyak si Totoy kaya sinuntok ko na ang unan sa tabi niya dahil sa sobrang gigil. "Hindi ka titigil? Gusto mo ikaw ang isaing ko?"

Napatingin siya sa akin pero agad ding bumulahaw ng iyak. Hinayaan ko na dahil kagaya ng kinagawian, magsasawa lang 'yan at tatahimik na kapag maubusan na ng luha.

Kung buhay lang sana si Karen, eh di sana hindi ako mahirapan nang ganito.

Napatingin ako sa isang taong gulang kong anak at sa papahilom niyang sugat sa pisngi dahil sa kagat ng aso. Sa awa ng Diyos, nadala sa dahon ng malunggay. Ang sabi ng iba, hindi na raw mawala ang peklat nito hanggang sa lumaki siya.

"Punyetang aso!" sabi ko at naalala ang nangyari sa amin noong isang linggo. Itinali ko sa bewang ang anak ko gamit ang lumang kumot at naglako ng taho pero nang mapadaan ako sa malaking bahay sa kanto, nakawala ang malaking aso nila. Sinubukan kong lumayo pero nasakmal niya ang anak ko at halos ayaw nang bitiwan ang mukha kaya ang ginawa ko, sinaksak ko ng patalim ang mukha ng aso hanggang sa mamatay. Nagalit ang may-ari ng aso at pinatawag ako sa barangay. Nagreklamo rin ako pero dahil kamag-anak nila ang Kapitan, patas lang daw. Hindi na nila ako binigyan kahit pampagamot man lang sa sugat ng anak ko. Sinabi pang magnanakaw raw ako kaya ako hinabol ng aso nila. Mga putang'ina nila!

Ayun, hindi na ako pinalako ni Mang Juan ng kaniyang taho dahil kakilala niya ang may-ari ng aso kaya nawalan ako ng trabaho. Dalawang daan na nga lang ang kita ko, pinagkait pa sa akin.

Kumukulo na ang sinaing ko kaya kinuha ko ang bebiron ng anak kong malaki ang butas dahil isa na nga lang ito, kinakagat pa niya. Kumuha ako ng sabaw sa sinaing at nilagyan ng kaunting asukal saka binigay sa anak ko para mabusog at makatulog na. Buti at tumila na ang ulan.

Kinabukasan, nagising ako na pinapaalis ako ng mga pulis at hinahatak ang baru-baro kong bahay dahil pinapalinis ng bagong mayor ang kalsada at bawal na raw ang mga kagaya kong matulog doon. Bitbit ang anak at lumang bag na ang laman ay gamit ng aking anak, naghanap ako ng mapapasukan pero walang tumatanggap sa akin. Napadaan ako sa basurahan. Saktong may nagtapon ng tira-tirang pagkain kaya kinuha ko na kahit na panis at kinain. May napapatingin sa akin pero mas inuna kong pinansin ang gutom kaysa sa kanila.

Inabot ko kay Totoy ang biberon niya nang umiyak. Nang makaraos, naglakad ulit ako at lumapit sa mga palengke pero sa tuwing lumapit ako, pinapalayas nila ako. Narinig ko pa nga ang iba na modus daw ako at ginagamit ang bata para mamalimos. Ang iba pa ay nagsasabing naghahanap lang ako ng tiyempo para magnakaw.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 10, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon