KABANATA 1

14 1 0
                                    


"Job well done, guys!" Napangiti ako nang batiin kami ng nagmamay-ari ng musesum. Kasalukuyan kami ngayong nakaupo sa bahaging hardin ng bahay at kaniya kaniya naman ng gawain ng bawat isa.

"Maraming salamat din po, Mr. Soriano." Narinig kong sagot ng photographer namin, since doon ito lumapit at nakipag-kamay.

At dahil tapos na ang photoshoot ay malaya ng nakakapasok ang mga tao na bumisita at maglibot sa loob ng museum. Gaya nga ng sabi ni Hiraya, museum nga ito ng mga koleksyong antigong alahas na nagmula pa sa panahon ni Rizal. Pero iba siya sa national museum na kadalasan nating naririnig at nakikita dahil ang buong lugar ay old-fashioned ang datingan. Kung susuriin mo talaga ito ng maiigi ay masasabi mong isa itong lumang mansyon. Dahil ang dalawang palapag na bahay ay gawa sa hindi ko pamilyar na uri ng kahoy ngunit masasabi mong matitibay. Well-preserved din ang mga lumang kagamitan kaya masasabi mo talagang para ka na ring naglakbay sa nakaraan kapag pumasok ka rito.

Nang siguro'y mapansin kami ni Mr. Soriano ay lumapit siya sa'min ng partner ko na nakatayo lang din malapit sa'kin. Si Mr. Soriano ang nagmamay-ari ng museum. Sa tantya ko ay nasa edad limangpu na ito pataas. Pandak din ito at may katabaan na kapag nakasalubong mo siya sa daan ay una kang mapapatingin sa malaki niyang tiyan bago sa mukha. Nakasuot ito ng isang itim na suit at ang puting inner polo niya ay mukhang puputok na. Kapansin-pansin din ang kaniyang bigote na mukhang sinuklay dahil curved ang mga dulo no'n. Parang mister suave pero hindi naman swabe tignan. Dahil mas nagmumukha siyang boss ng mga kontrabida gaya ng mga napapanood sa TV.

Una siyang lumapit sa'kin at ngumiti ng abo't tenga kaya litaw na litaw ang ngipin niyang may silver. Tiningnan niya rin ako mula ulo hanggang paa at alam kong medyo weird ang paraan ng pagtitig niya dahil malalagkit ang mga tingin niyang iyon sakin. Kaya pasimple akong lumipat sa kabilang parte at hayaan na 'yong partner ko ang maging harang ko sa kaniya. May pagkamanyakis 'ata 'tong si Mr. Soriano.

Napakunot ako ng noo nang marinig ko siyang tumawa kahit na wala namang nakakatawa. Nakita ko tuloy ang tilao na sumisilip sa kanyang bunganga dahil sa pagtawa kaya napangiwi ako. Bahagya naman kaming nagkatinginan ng partner kong si Mico. Mas matangkad ito sa'kin kahit na mas bata kaya nagagawa niya akong harangan mula kay Mr. Soriano.

"Hahaha," tumawa ako ng pilit dahil ayoko namang mapahiya si Mr. Soriano. Siniko ko din si Mico kaya nakitawa na rin ito.

"Maganda ang kinalabasan ng photoshoot," panimula niya. "At napakahusay niyo sa pagmomodelo. Kayo ang bumuhay sa aking museo." Dagdag pa niya. Ngumiti siya samin at muling lumabas ang ngipin niyang naninilaw na may silver. Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa kaagaw-agaw pansin niyang silver na nakadikit sa pagitan ng ngipin niya sa harapan.

"Thank you, Mr. Soriano," si Mico ang sumagot. Napansin kong bumaling naman ng tingin sa'kin si Mr. Soriano.

"Ikaw si Bella, hindi ba?" Tanong niya at tango lang ang isinagot ko. "Maganda ka," sabi pa nito na tila pinupuri ang kagandahan ko.

"Alam ko po," sagot ko na ikinatigil niya. Maski ako ay napatigil nang marealize ko kung ano 'yong naging sagot ko. "I mean, 'yan din po kasi ang sabi ng mga magulang ko sa'kin, hehe," ngumiti ako ng pilit. Muli namang tumawa si Mr. Soriano dahil sa sinabi ko kaya muli ko ring natanaw ang kaniyang tilao. Hindi ba siya aware na maaaring pasukan 'yon ng langaw? And worst ay baka malunok pa niya.

"Nakakatuwa ka, 'yan ang gustong gusto ko sa mga kabataang tulad mo. Nag-aaral ka pa ba? Kung oo ay baka nais mong maging scholar ko." Napakunot ako ng noo. Scholar? Kandidato ba siya? Hindi naman sa pagkakaalam ko ah.

"Kandidato po kayo?" Tanong ko. And for the ninth time ay muli siyang tumawa. But this time ay pagak siyang natawa.

"Hindi lang naman mga kandidato ang pwedeng tumulong sa mga mag-aaral, hija. Alam mo na," wika nito at sabay kindat sa'kin. Napangiwi naman ako dahil do'n. Kadiri. Mukhang nag-gets ko na ang pinupunto ni Mr. Soriano dahil uso ito sa ibang mga college students na kagaya ko. Mukhang gusto niyang mag-apply bilang sugar daddy at siya ang sasagot sa allowance at tuition fee ko. At alam kong hindi 'yon simpleng scholarship lang dahil may kapalit 'yon.

The Sassy KatipuneraWhere stories live. Discover now