KABANATA 3

7 1 0
                                    

AGAD akong napamulat ng mata at dali-daling napabangon nang may maramdaman akong mabigat na bagay na tumama sa aking mukha.

"Ouch," daing ko at sinapo ang noo kong natamaan ng kung ano.

"Gising na ang binibini," rinig kong sabi ng kung sino mula sa mahinang tinig. Nagsalita 'yon sa paraang bulong ngunit parang hindi naman dahil rinig ko siya ng bahagya.

Napalingon ako sa nagsalita at tumambad sa'kin ang dalawang batang nakaupo mula sa paanan ng kama kung saan ako nakaratay. Isang batang babae at isang batang lalaki na sa tantya ko'y nasa edad lima hanggang pito na ang mga ito. Kapwa sila nakatingin sa'kin ngayon nang may nanlalaking mga mata.

Saglit akong napatigil at tahimik na pinasadahan ng tingin ang buong paligid. Hindi pamilyar ang lugar.

Saglit ko pang sinuri ang buong paligid at napagalaman kong tila nasa isa akong munting silid na walang ibang makita kun'di mga kagamitan na gawa sa kahoy. Makaluma ang disensyo n'on at maski na ang buong paligid. Tanging antigong aparador, munting lamesa na may lamparang nakapatong ngunit hindi naman nakasindi, at kamang gawa sa kawayan kung nasaan ako ngayon ang laman ng silid. Malayong magkaiba sa kinagisnan kong kwarto. Hmm nasaan ako?

"Hala ka, Kario. Baka magalit ang binibini kapag nalaman niyang natamaan mo siya ng bola sa kanyang mukha." Bulong ng batang babae sa batang lalaki na sa tingin ko'y nagngangalang Kario.

"Shhh, huwag kang maingay, Tinang. Baka ika'y marinig ng binibini." Bulong din ng batang lalaki kaya nangunot ang noo ko.

"Naririnig ko kayo." Sabi ko na kapwa naman nilang ikinasinghap at sabay napatakip ng bibig.

"Sabi kasi sa iyo, Tinang, huwag kang maingay. Narinig tuloy tayo ng binibini." Pagrereklamo ng batang nagngangalang Kario. Agad din namang sumabat ang batang si Tinang.

"Anong ako, ikaw kaya riyan ang maingay. Kasalanan mo 'yon." Sabi nito at saka nagpumewang sa harapan nito.

"Bakit ba kasalanan ko nalang palagi? Lagi nalang ako ang may kasalanan." Reklamo ni Kario na animo'y parang isang boyfriend na pilit dinidispensahan ang sarili sa girlfriend niyang galit.

Napahagikhik ako sa isang tabi. Para akong nanonood ng live na away ng magkasintahan. And I felt sorry for the little boy dahil ipinanganak siyang lalaki. 'Cause girls are always right and boys can't do anything about if but to accept defeat on arguments. Soon, maiintindihan niya rin 'yon.

"Ang c-cute n'yo. Anong pangalan n'yo?" Tanong ko sa kanila. Agad naman silang napalingon sa'kin, halatang naagaw ko ang pansin nila. Yung batang lalaki ang sumagot.

"Ako po si Likario at siya naman po si Kristina. At tawagin niyo nalang po kami sa aming mga palayaw. Kario at Tinang." Magiliw siyang sumagot at saka ngumiti sa akin ng may pagkalapad, dahilan upang tumambad ang bungi-bungi niyang ngipin.

"Ako naman si Bella." Pagpapakilala ko rin sa kanila. Pareho naman silang tumango at inulit bigkasin ang pangalan ko upang siguro'y hindi nila makalimutan.

"Napakaganda ng iyong pangalan, binibini. Bago lamang sa aking pandinig." Masayang wika ni Kario sa akin kaya napangiti ako. Ngunit napansin ko naman ang pagsimangot ni Tinang sa isang tabi. Mukhang hindi niya nagustuhan ang pagpuri sa akin ni Kario. Selos yarn?

"Salamat, pero mas gusto ko ang pangalan ni Tinang. Very charming and innocent." Sagot ko. Ngunit ganon na lamang ang pagtataka ko nang kapwa ko silang makitang napatingin sa akin ng may pagtataka at bahagyang itinabingi ang ulo na animo'y parang tinubuan ako ng isa pang ulo.

"Charmeng en inusint?" Paguulit nila sa sinabi ko. Did I heard them wrong or sadyang 'yon talaga ang pagkakabigkas nila?

"THIS is nonsense!" Napasabunot ako sa aking sarili at walang sabi-sabing tinanggal ang kung anong tela na nakabalabad sa aking ulo. May kung anong dahon pa ang nahulog doon at bahagyang naamoy ang amoy ng langis ng niyog. Ngunit hindi ko na 'yon alintana. Naglakad ako ng pabalik-balik sa kwarto. Pilit ko paring pinoproseso sa utak ko 'yong mga nalaman ko.

The Sassy KatipuneraWhere stories live. Discover now