Chapter 6

4.5K 98 9
                                    


"AYOS na talaga 'ko, Xav. Uwi ka na pagkahatid mo sa 'kin sa store," nakailang sabi na ako sa kaniya nito mula nang makaalis kami sa bahay. Ihahatid na niya ulit ako papunta sa part-time job ko.

"Ang kulit mo talaga, Seanelle," tugon ni Xavier habang nagda-drive.

I chuckled. "Hindi ako makulit. Nagsasabi lang ng totoo."

"Mag-stay ako ng two hours do'n," sabi niya pa.

I rolled my eyes. "Bakit two hours? One hour ka lang, ah?"

"I just want to make sure," tipid na sagot ni Xav.

"Dadami na naman customer namin," pabirong sabi ko.

He laughed. "Ayaw mo no'n? Marami kayong benta."

"Halata naman kasi na ikaw lang ang pinupuntahan do'n," sagot ko.

Simula kasi nang malaman niyang may part-time ako sa Dex Store, bukod sa paghatid niya sa akin ay tumatambay pa siya roon ng isang oras. At dahil kilala rin ang pamilyang Lacson, dinadagsa ang store dahil sa kaniya, lalong-lalo na ng mga kababaihan para lang makita siya.

"Selos ka?" pang-aasar niya sa 'kin at saglit na nanunuksong tumingin sa gawi ko.

Inirapan ko siya. "Saan mo naman napulot 'yan?"

"Para ka kasing nagseselos," sagot niya at tumawa.

Hinampas ko ang braso niyang nakahawak sa clutch ng kotse. "I'm not jealous! Pati sa 'yo ay napagkakamalan tayong mag-jowa!"

"Mas maganda nga 'yon, eh," hirit niya.

Kumunot ang noo ko at hinampas ulit ang braso niya.

"Aray ko, Seanelle!" natatawang reklamo niya, pero halata namang hindi siya nasasaktan. "Amazona ka talaga!"

Inirapan ko siya. "Gusto mo friendship over na tayo?"

"Huwag naman gano'n!" Saglit ulit siyang tumingin sa 'kin at bakas sa mukha ang kaba.

Humalakhak ako. "Mang-asar ka pa."

"Hindi ka talaga mabiro, 'no?" sarkastikong sabi niya pero iniba niya na agad 'yong topic. "Labas tayo sa Linggo."

"May check-up si Tatay," I replied.

"Oo nga pala..." bulong niya. "Ganito na lang. Samahan ko kayo 'tapos labas na tayong lahat."

"Tumigil ka, Xav," reklamo ko.

Nakakahiya naman sa kaniya na sasama pa siya sa amin para sa check-up ni Tatay, 'tapos aayain niya pa na lumabas.

"Please, Seanelle?" hirit niya. "Nakausap ko na sina Stan tungkol dito, eh..." Nakapakamot siya sa batok habang nagmamaneho.

Tumaas ang kilay ko. "Bina-backstab mo 'ko, 'no?"

"Hoy, hindi!" agad na sagot niya. "Naisip ko lang naman 'yon, para makapasyal din si Tito Leonardo."

I heaved a deep sigh. "Xav, ang dami mo nang naitulong sa 'kin. Nakakahiya na..."

He smiled. "Seanelle, I told you I'll do everything for you. What are friends are for, right? Babawiin natin 'yong mga araw na hindi ka nakakalabas dahil sa dami ng iniisip mo."

Tears pooled my eyes. Nasabi ko na ba kung gaano ako ka-suwerte na magkaroon ng isang Xavier Lacson bilang kaibigan ko?

I didn't expect our friendship to go deeper like this. Sabi ko sa sarili ko no'ng una na normal na pagkakaibigan lang, pero ngayon, sobrang suwerte ko sa kaniya.

He's so caring, kind, and gentle. Hindi rin siya mapagmataas kahit nasa tuktok ang pamumuhay ng pamilya niya. Hindi siya tulad ni Theodore na saksakan ng yabang at matapobre.

The Billionaire's Wicked DareWhere stories live. Discover now