Chapter 15

3.4K 85 6
                                    


"T-TEKA! Ano'ng nangyayari? 'Tay?" tarantang tanong ko nang makitang sinapo ni Tatay ang kaniyang dibdib at nahihirapang huminga sa gitna ng kwentuhan namin.

"STAN?! CALL THE DOCTOR!" sigaw ko habang nakaalalay kay Tatay na kasalukuyang nakaupo sa hospital bed niya at naghahabol ng hininga.

Nanginginig ang buong kalamnan ko dahil sa nangyayari. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

"Kami nang bahala rito, Miss Villasanta." Agad akong napatayo nang marinig ang boses ni Doc. Liam. May kasunod siyang mga nurse at agad nilang dinaluhan si Tatay.

Nanghihinang lumabas ako ng silid. Hindi ko kayang panoorin na naghihirap si Tatay. Iyong imahe niya na nahihirapang huminga ay talagang pumipiga sa dibdib ko.

"A-Ate..." Umangat ang tingin ko nang marinig ang kapatid ko.

Tuluyan akong lumabas ng silid at tahimik na isinara ang pinto. Agad na naagaw ni Stan ang atensyon ko. Napakunot ang noo ko nang makitang nakatapis lang siya tuwalya at tanging ang ibaba niya lang ang nakatapis.

"Ba't ganiyan hitsura mo?" nagtatakang tanong ko. Pinipigilan ko namang matawa nang tingnan ko ulit ang mukha ng kapatid ko. Pulang-pula ang mukha niya, pati ang mga tainga at leeg niya.

"N-Naliligo kasi ako kanina, 'tapos bigla kang sumigaw. B-Buti nga ay nakapagtapis pa 'ko ng tuwalya..." nakangusong paliwanag niya.

Hindi ko na napigilan at marahan akong tumawa. Napailing na lang ako habang na-i-imagine ang hitsura ng kapatid ko na binaybay ang daan papunta kay Doc. Liam nang nakatapis lang ng tuwalya.

"Guwapo ka pa rin naman. Normal lang ang kaunting kahihiyan..." natatawang sabi ko at niyakap siya. Agad naman siyang yumakap sa akin pabalik at isinubsob ang mukha sa leeg ko. Hiyang-hiya talaga siya sa nangyari sa kaniya. Ngayon ko lang din napansin na matangkad talaga 'tong kapatid ko. Lagpas sa akin ang height niya.

Napaayos kami ng tayo nang lumabas ng silid si Doc. Liam at kasunod ang mga nurse.

"D-Doc.," kabadong tawag ko.

Doc. Liam sighed. Agad akong nakaramdam ng kaba dahil sa ginawa niya.

"I won't say any words to make you feel better, but..." he started. My chest was pounding so hard. "His condition became worst. He needs an operation as soon as possible. Malaki pa ang successful rate ng operation kung maagang maisasagawa ang operasyon."

Nangilid ang luha ko at wala akong mabanggit na kung anong salita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil nakapanghihina ang balitang dala ng doktor.

"May tatlong hospitals na kaming may update na may possible heart donor. It's not yet confirmed, but I'm doing the very best I could do, to get any possible donor for your father," he added.

I nodded my head. "T-Thank you po, Doc. Liam. Gawin n'yo po ang lahat para kay Tatay. H-Huwag n'yo po siya susukuan."

"We're doing our best, Miss Villasanta," he replied.

"Maraming salamat po," tugon ko.

"I'll go ahead. I'll assign a personal nurse aside from the nurse who's checking him, in case of any emergency again," sabi niya.

I bowed my head. "Thank you po ulit."

"Mr. Villasanta is fighting. He wouldn't go this far if he doesn't. Let's all believe in your father and of course, in Him." Nanatili akong nakayuko at tumango sa sinabi niya.

"And young Mr. Villasanta..." Napaangat na ang ulo ko nang mukhang si Stan naman ang kinakausap ni Doc. Liam. "Wear clothes, and don't run along the hallway with just a towel wrapped on your body."

The Billionaire's Wicked DareWhere stories live. Discover now