Rios smiled as he woke up, nakangiti siyang nag-inat ng katawan, he remembered what happened last night. Matapos siyang sunduin ng asawa sa Camp Crame ay dinala niya ito sa restaurant kung saan sila noon unang kumain. They had a romantic date after that they stayed overnight here on his condo unit in Roxas boulevard. Nanood sila ng mga action movie na alam niyang ayaw na ayaw ni Amethyst pero wala itong nagawa. Rhen later on he took her again and again that he even lost count! Para ngang lahat ng sulok ng condo unit niya ay inangkin niya ito. Pareho silang sabik masyado sa isa't-isa. Parang pag nagkatabi lang silang dalawa ay sa kama talaga ang bagsak nila. He passionately took her last night, sinulit talaga niya ang kanyang gabi na kasama ito.
Bumangon na si Rios mula sa kama, alas nwebe na pala ng umaga buti na lang at day off niya ngayong araw. Wala na si Amethyst sa tabi niya at siguro maaga na naman itong nagising, baka nasa labas..
So Rios went outside of his room, pero nagtaka siya ng walang Amethyst na nakita sa sala, pumunta din siya kusina pero wala din ito doon. "Aba't mukhang umuwi na pagkatapos akong pagsawaan kagabi ah! Kinuha niya ang telepono sa kuwarto at tinawagan ito pero nakapatay naman ang cellphone ng asawa. Kaya kumilos na siya para makaligo at makauwi sa bahay ng ninong niya. This time itatali na niya talaga si Amethyst para hindi na siya nito matakasan pa!
Pero hindi makapaniwala si Rios ng sabihin ng ninong niya na umalis na daw si Amethyst at bumalik sa Switzerland. Pero hindi ang katulad ng ninong Enrico niya ang magbibiro dahil seryosong tao ito. Kaya lang ayaw pumasok sa isip niya at tanggapin ng sistema niya na iniwan na naman siya ni Amethyst.
"I-Im sorry iho, it's her decision." Ramdam din ang lungkot sa boses ng daddy ni Amethyst, ngayon ay siguradong nasa eroplano na ang kanyang anak at pabalik na ito ng Switzerland. Kung siya lang ang tatanungin ay ayaw niya na itong umalis pa at bumalik doon. Pero bilang ama mas gusto niyang makita ang anak na masaya kaya kahit labag sa loob niya ay pumayag na lang siya na umalis ito.
"P-pero nong, hindi ko kaya! Hindi ko kayang wala si Amethyst. Alam niyong ang tagal-tagal ko siyang hinintay tapos, tapos ganito umalis ito ng hindi ko man lang alam at hindi man lang nagpaalam sa akin!" Napaupo na lang si Rios sa sahig habang umiiyak, kaya ba pinuntahan siya nito kahapon sa trabaho dahil aalis na pala ito? At kaya ba inaya pa siyang lumabas? At paano yung namagitan sa kanila kagabi? Ano yun goodbye sex? Tangina! Bakit ang sakit? Bakit parang ang hirap huminga!
"Amethyst had an accident in Switzerland after one year she live there, at ang aksidente daw na nangyari na yun sa kanya ay malaki daw ang tsansa na hindi ka niya mabigyan ng anak kaya mas pinili niyang umalis na lang. Hindi din niya sa akin sinabi noon ang tungkol doon. Im sorry Rios for not telling you about this, nakiusap ang anak ko sa akin na wag ipaalam sayo at nung isang araw lang din siya sa akin nagpaalam." Paliwanag ni Enrico habang pinagmamasdaan ang inaanak na halos ituring niya ng anak. Hindi niya akalain na ang kilala niyang matapang at handa sa ano mang labanan ay mapapaupo sa sahig na parang isang bata at iiyak ng ganito. He feel his sadness so much pati din naman siya ay malungkot ngayon.
"Wala ho akong pakialam kahit hindi pa kami magka-anak nong. Ang i-importante ay kasama ko siya. P-parang hindi ko kakayanin kung ganito naman." Basag na ang boses ni Rios habang nagsasalita. "Ano? Maghihintay na naman ako sa kanya ng ilang taon? hirap na hirap na nga ako sa pitong taon na wala siya tapos aalis lang siya ng walang paalam."
"R-rios, sandali mag-usap muna tayo." Tawag ni Enrico dahil tumayo na ito at tumalikod sa kanya. He understand him of course, alam niyang mahal talaga nito ang anak niya at walang duda doon. For the past few years kung saan-saan itong operasyon napapadala dahil isa si Rios sa pinakamagaling na SAF at lagi nitong sasabihin sa kanya bago umalis na buhay ito uuwi dahil hihintayin pa nito ang anak niya. Pero ngayon paano na? "Saan ka pupunta Rios?" May pag-aalala na tanong ni Enrico.
"S-sa kuwarto po muna ako nong." Yun lang at lumabas na si Rios ng kuwarto ng ninong niya.
Pero imbes na sa sariling kuwarto ay sa kuwarto ni Amethyst pumunta si Rios. Nalanghap niya agad ang pabango ng asawa pagpasok niya. Tiningnan din niya ang mga cabinet nito pero wala na nga ang mga damit ni Amethyst pati na din ang dalawang maleta na naroon sa tabi ay wala na din.
Rios sit down on the bed, Amethyst is really gone. At ito ang totoong reyalidad iniwan na siya nito, iniwan na naman ulit ng walang paalam! He still remembered how happy they are last night. Mula ng puntahan siya nito sa Crame hanggang kumain sila sa isang restaurant. Habang nasa biyahe sila at pumunta sa condo unit niya at doon nagpalipas ng gabi. Yun pala hanggang doon na lang yun, pinasaya siya kuno tapos iiwan din pala! Humiga siya sa kama at kinuha ang madalas na i-unan ni Amethyst at mahigpit itong niyakap. Baka panaginip lang ito tapos paggising ko kasama ko na siya.
#kawawangrios
#maribelatentastories
BINABASA MO ANG
M.A series #04 Rios Sandoval
RomanceRios Sandoval and Amethyst Mendez story🖤 ⚠️ R18 story Available on self pub book, already completed but I deleted some chapter to avoid the soft copying of my story.