KABANATA 10

1.5K 60 3
                                    


Nagising si Levi dahil may kumikiliti sa kanyang paa. Dumaing siya at nag-iba ng posisyon, pero patuloy pa rin sa pangingiliti ang taong nasa paanan niya.

Dumaing siya ulit at binuka ang mga matang pagod pa tsaka sinipa si Cauis na pangiti-ngiti lang.

"What the fuck are you doing?!" Naiirita niyang sigaw, tumawa lang si Cauis at nahiga rin sa kama.

"Breakfast is ready, babe." Napakurap kurap si Levi at natulala ng ilang segundo bago rumehistro sa utak ang sinabi ni Cauis.

"Susunod na ako! Labas!" Sinipa niya ulit si Cauis pero nahuli nito ang paa niya at kiniliti ito ulit. Imbis na matawa sa pagkakiliti mas lalo pa siyang nainis.

"Okay," ngumingiting umalis si Cauis sa kwarto niya.

Umiling si Levi at tumayo tsaka pumasok na sa banyo. Parang hindi na umuuwi si Cauis sa condo niya, dito na siya namamalagi sa condo ni Levi. Namimihasa na, dapat palayasin na niya to, eh.

Pagkatapos maligo ay lumabas na siya ng kwarto niya, naabutan niya si Cauis sa mesa naghihintay sa kaniya.

"Hmm, you smells good." Tumaas ang sulok sa labi niya, umirap si Levi at tahimik na nagsimulang kumain pero si Cauis sa harapan niya ngumingiti mag-isa parang baliw.

"May gagawin ka ba mamaya?" Tiningala niya si Cauis na kumain na ngayon. "Why?"

"Sumama ka sa akin." Tumaas ang kilay ni Levi sa sinabi ni Cauis.

"Isasama mo ba ako kahit saan ka pupunta, hmm?"

"Kung pwede lang, edi isama kita!" Kumurap si Levi at pinilig ang ulo niya, binaliwala ang sinabi ng kausap.

"Saan ka ba pupunta?" Tanong niya, hindi tinitignan si Cauis.

"May inutos lang si Mama sa akin, sa mall lang 'yuon mabibili."

"Kung sa online ka na lang kaya mag-order? Mas madali pa 'yon." Malamig na sabi ni Levi.

Humagalpak ng tawa si Cauis, pero ang tawa na 'yon ay awkward na tawa. "Tama! Ang talino mo!"

Umiling na lang si Levi at nagpatuloy sa pagkain. Nauna siyang natapos kumain kaya pumunta siya sa sala at nanood ng tv habang abala naman si Cauis sa paghuhugas ng pinggan.

Ilang sandali pa ay lumapit si Cauis sa kaniya at may dala na itong cellphone.

"Help me," binigay niya kay Levi ang cellphone niya, nagtaas ng kilay ang binata at bumaling kay Cauis.

"Ano ba ang bibilhin ni tita?" Tanong niya habang nagtitipa sa isang online shop.

"Sex toy." Simpleng sabi ni Cauis pero nasamid si Levi sa sarili niyang laway.

Tinampall niya ng paulit-ulit ang dibdib niya at patuloy pa rin siya sa pag-ubo.

"W-What?!" Gulantang siyang bumaling kay Cauis na nag-alala ang mukhang nakatingin sa kaniya.

"Are you okay?" Mabilis itong tumayo at nagkuha ng tubig, patuloy pa rin sa pag-ubo si Levi. Hindi ata nag sink-in sa kaniya ang sinabi ni Cauis.

"Paki ulit nga." Huminga ng malalim si Levi pagkatapos uminom ng tubig. Kumurap si Caui, titig na titig pa rin sa kaniya.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya at kung ano ang sasabihin niya.

"A-Ang alin?" Nagtatakang tanong ni Cauis, hinagod niya ang likod ni Levi na inuubo pa rin, hindi pa maka get over sa narinig.

"S-Sex toy ang order ni Mama?" Ulit ni Cauis.

Huminga ng malalim si Levi at nanginginig ang kamay na tinipa ang sinabi ni Cauis.

BRIDE OF CAIUS [R-18] [COMPLETE]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang