KABANATA 20

1.2K 50 5
                                    

"Hey! Kausapin mo naman ako!" Humahabol sa kaniya si Cauis. Kakarating lang nila at hindi niya alam kong saan siya dinala ni Cauis.

"Kasabwat mo ba ang lalaking naka maskara rin kanina sa yatch?" Salubong ang kilay ni Levi nang hinarap niya si Cauis.

Umiiling-iling si Cauis, "hindi ah! Hindi ko 'yon kilala 'no!"

Naningkit ang mga mata ni Levi. "Don't lie to me, Cauis."

"Promise! Gaya-gaya nga 'yon eh! Gumaya lang 'yon sa akin na maskara! Pero promise maniwala ka na hindi talaga kami kasabwat."

Nawala ang emosyon ni Levi. He missed Cauis pero sa puntong to parang ayaw ng maniwala ni Levi sa kaniya

"I don't believed you!" Parang kulog na sigaw ni Levi, natigilan naman si Cauis.

"Maniwala ka sa akin—"

"Ilang ulit ka ng nagsinungaling sa akin, Cauis?! You said you don't like me! I'm disgusting! What happen?! Huh? Why you kidnapped me?!"

Napalunok si Cauis dahil sa sigaw ni Levi. Ang bibigat ng hininga ni Levi. Galit na galit.

"Ibalik mo ako sa isla, hahanapin ko si Georgina!" Nanggigil na sigaw ni Levi.

"Let me explain, babe." Humahabol pa rin si Cauis, pinalalambing ang boses.

Napahinto si Levi nang matanaw niya ang labas. Nalaglag ang panga niya at lumabas ng mansion.

Nasa isang isla rin sila pero tanging malaking mansyon, mga niyog, mga puno, at dalawang kubo na gawa sa nipa at kawayan. Walang kahit isang bangka o yate na masasakyan.

"What the fuck..." Napamura si Levi at mabilis na bumaling kay Cauis na nakangiti sa kaniya.

"A-Ah, ganito kasi 'yan—"

"Saan mo ako dinala?!" Napakamot sa kanyang batok si Cauis.

"Sa isla?" Sumama pa lalo ang timpla ng mukha ni Levi. Hindi na ito mapinta.

"Okay! Okay! May e-explain nga ako 'di ba?" Kapagkuwan ay sumandal si Cauis sa hamba ng pintuan at humalukipkip.

"Kaya kita dinala sa isla na 'to dahil gusto kong ipaliwanag sayo ang lahat mula umpisa, para hindi ka makatakas ay dito kita dinala." Paliwanag ni Cauis, kumunot naman ang noo ni Levi.

"Gaano ba kahaba ang paliwanag mo at dinala mo pa ako dito?" Tumalikod si Levi at naglakad papunta sa isang kubo na malapit sa dalampasigan, napapalibutan ito ng mga niyog at may duyan doon.

"Mahaba talaga kaya dapat taasan mo ang pasensya mo."

Tumaas pa lalo ang kilay ni Levi at hindi na nilingon si Cauis. Umupo siya sa duyan at binalanse ang sarili tsaka humiga, kaharap ang napakagandang dagat at malalaking alon.

"Umpisahan mo na para maaga kang matapos at makauwi na ako." Malamig na sambit ni Levi at pinikit ang mga mata.

Napabuntong hininga si Cauis at kumuha ng upuan at nilagay niya ito sa tapat ni Levi.

"First of all, I'm sorry sa lahat ng sinabi ko.... Uhm, actually planado namin lahat ng 'yon para mapaniwala ka na nandidiri ako sayo—"

Ngayon ay napabaling si Levi sa kanya, kunot ang noo at salubong ang kilay.

"Namin?"

"Uh, yes?"

"Sino kasabwat mo dito?" Matitigas na salitang sambit ni Levi.

"Ah, kapatid mo talaga ang nakaisip ng lahat ng 'to—"

Napatayo si Levi sa gulat, tama naman ang narinig niya 'di ba? Wala naman siyang ibang kapatid kundi si Lily lang.

BRIDE OF CAIUS [R-18] [COMPLETE]Where stories live. Discover now