KABANATA 17

1.1K 55 7
                                    


Lumabas si Levi sa opisina niya at sinagot ang tawag na galing sa Ina niya.

Pagod niya itong sinagot, "Ma..."

"Levi, anak!" Salubong ng Ina niya sa kaniya.

"Bakit po kayo napatawag?"

"Hmm, pumunta ba ang kapatid mo d'yan sa opisina mo? Sabi niya may mahalaga ka raw na kleyente kaya hindi kaagad siya nakapasok."

Now, he remember Lily, galit siya sa kapatid niya dahil pinipilit si Cauis na sumama sa kaniya doon sa sinasabi nitong bagong bukas na club and she said gustong maki hookup ng kaibigan niyang si Tatiana kay Cauis?

Gusto na ngang sigawan ni Levi kanina si Lily but he stop himself. Mahal pa rin naman niya ang kapatid niya at hindi niya kaya itong sigawan.

"Yeah..."

"So, nasabi na ba niya sayo?" Kumunot ang noo ni Levi. Wala siyang maalala na may sinabi sa kaniya ang kapatid niya.

"Ang alin?"

"Mali tong ginagawa mo, Hon..."

Narinig ni Levi ang buntong hininga ng Ina niya sa kabila at ang boses ng Ama niya na may sinabi sa Ina niya.

"Bakit kailangan pang patagalin? I'm so excited I'm sure na gano'n din ang anak mo."

Narinig niya ang pagbuntong hininga ng Ama niya.

Hindi niya maintindihan kung ano ang pinag-uusapan ng magulang niya.

"What is it, Ma?"

"Alam kong mabibigla ka, but nag-usap na kami ni Corazon na... Mamayang alas syete ng gabi ay gaganapin ang engagement party niyo ni Georgina—"

"Wait, what?!" Hindi makapaniwala si Levi sa inanonsyo ng Ina niya.

"Yes, anak. Na settle na namin ang lahat ng kailangan, mga bisita, pagkain—"

Hinilot ni Levi ang sentido niya, sumakit bigla ang ulo dahil sa sinabi ng Ina. "Ma! It's too early! Kahapon pa lang napag-usapan ang kasal tapos ngayon-ngayon kaagad ang engagement part?!"

Did Georgina know this?

"Tandaan mo anak na sa susunod na linggo ang kasal mo kaya dapat malaman na kaagad nila na—"

Pinutol na ni Levi ang sasabihin ng ina. "Ma! I don't want this—"

"Wala ka ng pagpipilian anak, It's all settle ang kulang na lang ay kayo ni Georgina."

Paulit ulit na hinilot ni Levi ang sentido niya at humihinga ng malalim para pakalmahin ang sarili.

"Kung ganito din pala hindi ako tutuloy sa kasal, Ma. Minamadali mo ang lahat kahit hindi naman dapat."

Suminghap ang Ina niya at natahimik sandali.

"But—"

"Ma." Ma awtoridad na sambit ni Levi.

"Okay! Fine! Bukas na lang! Bukas na!"

Nakahinga ng maluwag si Levi, hindi niya gustong ngayon ang engagement party because he still want to tell Cauis about this. He needs to know kahit hindi alam ni Levi kung may seryoso nga ba silang relasyon.

"Ma... I want to move the wedding—"

"WHAT?!" Napasigaw na ang ina niya, gulat na gulat at para pang mahimatay dahil sa sinabi ng anak.

"Ini-move mo na na ang engagement party tapos ang wedding din? Anong sasabihin ko sa mga bisita nito?! Mareffe! Paki sabi sa lahat ng inimbitahan ko na hindi matutuloy ngayon ang engagement party! Bukas na!" Narinig pa ni Levi ang pag utos ng ina niya sa secretary nito.

BRIDE OF CAIUS [R-18] [COMPLETE]Where stories live. Discover now