046

37 2 0
                                    

messages

tuna pie babies
Lumina, Merliah, Valentine

Valentine:
merry christmas, ladies!
mahal ko kayo
Sent.

***
narration

Nagmadali ako ng makita ang oras. Magpapasado alas dose na ng tanghali at nasa bahay parin ako habang nilalagay ang regalo ko kay Domino. Portrait niya ang ginawa ko. Pangalawa kona itong regalo sa kaniya at hindi kopa alam kung tatanggapin niya ito sa akin.

"Pag hindi mo lang ito kinuha," bulong ko sa aking sarili.

Wala ako ni isang pinagsabihin tungkol sa regalo ko sa kaniya. Kahit si Dominic na kapatid nito ay hindi ko sinabihan. Gusto kong masorpresa siya sa regalo ko. Ipinagdadasal ko rin kagabi na sana ay may regalo siya sa akin, kahit malabo pa sa usok na mangyari iyon.

Nadatnan ko si mama sa baba habang kayapusan si papa sa sofa. Nakaupo silang dalawa at nakatagilid sa akin. Nag mo-movie marathon sila at sa tingin ko ay parehas silang kinikilig sa kanilang pinapanood.

"Ma, pupunta lang ako kila Domino." napaayos sila ng upo.

Hindi pa ako tukuyang nakakalabas ay pinagmamadali na nila akong makaalis.

"O sige sweetie, alis kana..baka matraffic ka pa." nakangising aso si papa habang pasimpleng nginunguso sa akin si mama.

Napapailing na lamang ako sa kapilyuhan ni papa. Nagpaalam lang ako sa kanila at umalis na rin. Plano kong doon na lamang magtahalian, nasabi kona rin naman kay Domino na tutungo ako sa kanila. Umo-oo naman siya at wala rin naman siyang magagawa kung umuyaw siya dahil pupunta at pupunta ako sa kanila.

Pinagbuksan ako ng gate ng isa sa driver nila. Kilala na ako nito kaya naman malaki ang ngiti niya sa akin.

"Kay sir Domino po ang punta niyo, miss Agustin, hindi po ba?" nakangiting tumango lamang ako sa kaniya. "kaya po siguro hindi yon umalis manlang, nadinig ko pong kausap niya sina sir Neeron at inaaya nila ito."

Naningkit naman ako at napailing-iling na lang. Hindi ako naniniwalang tumanggi ito sa kaniyang kaibigan.

Hindi na ako nakipagtalo kay kuyang driver at pumasok na. Nakabukas ang kanilang pinto kaya madali akong nakapasok. Agad na bumagsak ang tingin ko kay Domino na nakahalukipkip habang nakacrossed arm. Ngumiti ako dito at itinago sa likod ang regalo ko sa kaniya.

Umayos siya ng tayo at hindi manlang bumago ang ekspresyon ng mukha. Dahan-dahan itong naglakad palapit sa akin at hindi parin matanggal ang ayos ng kamay sa kaniyang dibdib.

"Tagal mo." maikli niyang sabi na agad nakapagpalunok ng laway ko.

"H-hindi ka raw sumama kila Nee.. Neeron?" binasa ko ang pang-ibabang labi ko. Tiklop talaga ako pag siya ang kaharap ko.

"Ang sabi mo ay pupunta ka, kaya hindi na ako sumama sa kanila." hindi parin mawala ang titig niya sa akin. Kung nakakamatay lang ang titig niya ay kanina pa akong patay.

"Hmm, i s-see."

Pinasadahan lamang niya ako ng tingin. Iniisip kong hindi magbabago ang seryoso niyang tingin pero napansin kong kumunot noo siya.

Commission your beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon