147

11 0 0
                                    

messages

mina
Marxh 14, 2:23 pm.

Lumina:
ano?
anong na nangyari?

2:34 pm

Lumina:
val? nag-usap naba kayo?
bakit naman kase sumabay pa tong si neeron kailan kopa tuloy ihatid si merliah sakaniya! sasakyan ko lang dala natin e huhuhu

ano sinampal mona ba yang haliparot na yan?!

Valentine!

2:46 pm

Lumina:
kailangan mona ba ng resbak namin?
huy val! mamaya pa kami huhuhu
pero susunduin ka namin, babalik kami jan

3:07 pm

Valentine:
nakapag-usap na kami, wala namang sampalan na naganap! pero naimbyerna talaga ako sakaniya noong sinasabi niya ang nangyari. tama si domino, she's obsessed with him. kung ano ang sinabi ni domino ay ganon ang ikunuwento niya.

Lumina:
sabi ko sayo ay talagang malandi yang si Chanel! tapos ano ang sinabi niya?

nako! tatawag nga ako!

mina is calling..

Answer | Decline

Answer

Lumina:
[ Alam mo kung nanjan kami ay nasampal kona yan! Napahaliparot talaga! ]

Valentine:
[ Hindi makatingin sakin noong una, alam ko
naman na kilala niya ako. Humingi siya ng
sorry sa akin, paulit-ulit. Hindi ko lang
maintindihan ang rason niya na masyado
siyang nahumaling kay Domino. Nahihiya raw siya sa ginawa niya kay Domino. ]

Lumina:
[ Aba, eh, ayan talaga ang napapala kapag masyadong inuuna ang kalandian kaysa sa pagrespeto. Alam mobang mas matanda pa yan ng ilang taon satin! At sa pagkakaalam ko rin ay noong unang pasok niya palang sa company ng Quiroz ay nagkagusto na agad yan kay Domino! Jusko, eh pa-7 years na yan na nagtatrabaho kila Domino! ]

Valentine:
[ Pinaalis na rin daw siya sa company nila Domino? Totoo ba yon? ]

Lumina:
[ Oo! Nakarating kase ang nangyari kila Tita at Tito kaya naman pinatanggal na nila. Sa pagkakaalam ko ay gusto bg pamilya nila na kasuhan yang si Chanel pero nagmakaawa lang daw yan na huwag ng ituloy at aalis nalang daw siya at hindi na guguluhin pa si Domino, napaka kapal! ]

Valentine:
[ Ayokong umalis ng hindi kami
nagkakalinawan sa nangyari. N-nangako
naman siya na hindi na niya guguluhin si
Domino at rerespetuhin niya ang tungkol
samin. Panay naman ang hingi niya ng
tawad kahit noong nag-uusap palang k-kami. ]

[ S-sinabi niyang.. totoo akong gusto ni
Domino, iyong nagre-reply sa text ko kay
Domino ay s-siya rin. Yung sa picture ay.. sa
  pilitan niyang ginawa..]

Lumina:
[ Noong nakita ko si Domino sa bar.. ang sinabi niya lang sakin ay gusto niyang magpalamig, pero hindi ko alam kung bakit. ]

Valentine:
[ Nadinig niya kaming nag-uusap ni Carl at 
sinabi kong gusto ko si Carl.. ]

Lumina:
[ Huh?! Gusto mo si C-carl? Eh, ano kayo ni Domino?! ]

Valentine:
[ As my friend! Ang naging problema ay iyon lang ang nadinig niya pagkatapos ay
  nagpunta na siya sa bar ]

Lumina:
[ Problem solved! Iyan rin ang tanong ko kung bakit nagpunta si Domino sa bar kahit hindi naman siya umiinom.. at dagdag pa ang sinabi niyang gusto niya munang magpalamig pagkatapos ay babalik na siya ka mo! ]

Valentine:
[ I feel sorry about him, iniisip kong
papuntahin siya rito ngayon.. ayos lang kaya iyon? Pagkatapos kong hindi siya pagpaliwanagin ng ilang linggo ngayon ay
  papupuntahin ko siya rito.. ]

Lumina:
[ Mas matutuwa iyon! Baliw na baliw na kaya yon sayo. ]

Valentine:
[ Sa tingin ko ay ako ang manunuyo sakaniya ngayon hahahahah. ]

Lumina:
[ Yan ang malabo.. ]

Valentine:
[ Sa tingin ko rin. ]

Lumina:
[ Basta kapag nagkaroon ulit kayo ng hindi pagkakaintindihan, kagaya nito, pag-usapan niyo muna ha? Huwag agad magdesisyon ng hindi alam ng isa. ]

Valentine:
[ Tatandaan ko yan, thankyou sainyo ni
Merliah! Hindi pa ako nakakabwi sainyo! ]

Lumina:
[ Buti alam mo ]

Valentine:
[ Treat ko kayo bukas! Loveyou .. ]

Commission your beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon