Chapter 20

1.9K 53 4
                                    

Chapter 20



After 7 days..




Wala 'pang 4 ay gumising na ako, I'm excited kung ano ang rank ko ngayon sem.
Kinuha ko ang towel ko at pumasok na sa banyo. Ilang araw na ba ako di nakatulog ng maayos? 7 days? Sino ba naman di mag o-overthink e since 'yong examination day ay di na siya nagpapakita. Nag advance pala ang gaga, sabi ng adviser namin tapos pinuntahan ko sa bahay nila e mga maids lang naman ang nandoon. Nakakabadtrip lang shuta kasi hindi manlang siya nagsabi saakin or kahit text manlang bago siya pumunta kung saan man siya ngayon.




After kasi ng pag suffer namin doon sa exam ay pinabreak kami ng school. Parang tanga naman, dapat 'yong break ginawa before exam para makapagreview pa ang mga students hindi 'yong pagkatapos.





Pagkatapos kong e blower ang buhok ko para ma dry siya ay humiga ako sa kama at saka nagscroll mo na sa instagram kong anong bagong ganap.
Ilang araw na din kasi ako hindi nakapag-instagram dahil nabaliw ako sa pinanood kong kdrama.





Tapos may message saakin kaya inoopen ko si Gabeut_1433 ang username ew napakajeje naman niya. I open kung ano ang message niya saakin. Napakunot ako kasi shuta ang haba parang LSM ng mag- jowa na after 3 days magbrebreak din naman.






Gabeut_1433:
Shantel? ang feeling 'mong bruha ka, bakit di mo sinagot ang tawag ko ? Importante 'yon, gaga ka. Si Vince? May family problem. Di ka aware 'no? Anong klaseng babae ka! Mabuti pa ako alam ko, kaysa saiyo. Ang saya saya mo pa sa school ang landi mo talaga! Kung di kalang talaga epal edi kami na ni Vince!






Agad naman nag-init ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Like wtf niya! Saan niya 'yon pinaghuhugutan? Kasalanan ko ba kung mas maganda ako sakanya? Although, mali siya sa part na nobyo ko si Vince kasi 'yong real scores lang namin is bestfriend with benefits hindi 'yon ang main point kundi about sa family problem.





Yeppuda_shanteller:
Hoy bakla ka! Anong family problem? Kasalanan ko ba kung hindi ako marites at marisol na kagaya mo? Stalker ka e, freak! F u ka!






Gabeut_1433:
I'm not a freak and stalker bitch!




Gabeut_1433:
Gusto mo 1 VS 1 tayo sa likod ng school?





Napakunot ang noo ko. Shuta, parang bata. Ano ako tanga?




Yeppuda_Shanteller:
Mag solo ka diyan! E change mo mona ang name mo! Pangit tapos jejemon pa!





Minasahe ko ang mata ko dahil medyo sumakit, kakaselpon ko yata 'to.
At dahil maaga pa 5:20am pa naman ay i decided na pumunta sa bahay nila Vince, bahala kung wala siya makikipagchika mo na ako sa mga maid doon.






Pakiramdam ko tuloy ang failure ko as his bestfriend. Bakit kasi hindi ko manlang nakita 'yong mga clues? Those dark circles under his eyes, yong maantukin niya tapos medyo naging tahimik at parang palaging wala sa earth. Akala ko lang naman nag-aaway aral lang siya para sa exam.





Pagkatapos kong magsuot ng uniform para di na ako magbibihis para deritso nalang ako sa school mamaya ay naglakad nalang ako papunta sa bahay nila.





Nang makita ko na ang malaking bahay nila ay agad akong nagdoorbell. Hindi nagtagal ay pinagbuksan ako ng gate.





"Shantel Hija, napapunta ka?'' aniya ng matanda may hawak pang hose mukha magdidilig pa yata.






The Fallen Of PastDonde viven las historias. Descúbrelo ahora