Kabanata 96

5K 113 156
                                    

Kabanata 96- Truth

Kaizer's Pov

Continuation of Flashback....

After overhearing my wife and Khalex's conversation, I decided to return to our room.

Akala ko ay makukuha ko iyong pagkakataon para makausap si Khalex. Gusto kong humingi ng tawad sakaniya dahil alam kong nasasaktan siya sa nangyari kay Pabi.

Umupo ako sa kama at malalim na bumuntong hininga. Kinuha ko sa nightstand ang picture frame na may larawan namin ni Pabi noong bata pa siya.

Kusang bumagsak ang luha sa mga mata ko habang nakatingin sa muka niya. Pagod at walang buhay ko itong tinitigan

I felt different emotions mixing up. I don't know. I can't bare with this pain anymore. No matter how hard I blame myself for all the things I put her through.

It always felt like there's a heavy thing that crushes me everytime I breathe. A deep stabbing like pain.

Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa kama habang nakatitig parin sa larawan naming dalawa.

Nakangiti ang limang taong gulang na si Pabi habang nakahawak sa kamay ko. Ito ang unang beses na nagpakuha kami ng pormal na litrato. Bakas na bakas ang galak sa mga mata niya dahil alam niyang sa mga araw na 'yon, unti unti niya nang nakukuha ang loob ko.

"Pabi..." walang buhay kong tinignan ang batang babaeng nagtatago sa likod ng pinto, natatakot habang nakatingala sa'kin.

Bihira ko nalang siyang makita dahil sa trabaho ko, halos nakalimutan ko na nga na inaalagaan ko ang anak nila Allison at Clark.

Nagpapakasubsob ako sa trabaho para makalimutan ang pagkamatay ni Lexi dahil hanggang ngayon ay nagsisisi parin ako sa mga nagawa ko sakaniya. [A/N: Sa story ni Lexi at Kaizer 'to, para don sa naguguluhan]

Nilapag ko ang hawak kong suitcase sa sofa bago luwagan ang necktie gamit ang isang kamay ko.

Hindi ko pa maaalala na kasama ko si Pabi dito sa bahay kundi ako tinanong ni Klyde. Mukang nag-aalala siya sa pamangkin niya dahil halos iwan ko na si Pabi sa estranghero.

Kung hindi lang dahil kay Clark ay hindi ko aakuin si Pabi. Noong una akala ko magiging masaya ako at makakapag simula ng bagong buhay pero hindi ganon ang nangyari. Binabagabag parin ako ng nakaraan ko.

Hindi ko mapagtutuunan ng atensyon ang anak ni Clark. Idagdag pa na masyadong madaming gawain ang tinatapos ko sa bawat araw.

Siguro mas maganda kung ibigay ko siya kay Klyde? Alam kong mas maaalagaan niya pa nang maayos ang pamangkin niya kaysa sa'kin.

"D-Daddy..." mahinang sabi nito. Itinuon ko ang paningin ko kay Pabi at sinenyasan siyang lumapit sa'kin.

"Lumapit ka dito, hindi kita maririnig kung malayo ka sa'kin." inalis ko ang necktie ko at binuksan ang tatlong butones ng polo longsleeves na suot ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 03, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

OWNED BY KHALEX MONTENEGROWhere stories live. Discover now