Kabanata 23

7.8K 228 10
                                    

Kabanata 23

Kei's Pov

"Wohhhhoooo beach!!....bitches"nakangising sabi ni Sean,may bigla kasing dumaan na mga babaeng nakabikini na kumindat samin.

"Akin yung isa"aniya na sumusunod pa ang tingin sa mga pwet nung mga babae.

"Damn booties"aniya na nakagat labi pa.

"Hoy!Everly akin na sabi yang cellphone ko!!"si Evan na hinahabol ang kapatid niya,lumingon lingon ako para hanapin yung iba.Nakita ko si mommy,daddy,Tito Xavier,Tito Klyde at Tita Vanessa na inaayos yung mga gamit.

Si Drei naman ay may hawak na libro na nakaupo sa buhangin,sila Zsa Zsa naman ay nagseselfie,si Sephora at Kairen naman ay nagawa ng sand castle.

Si Tasher naman ay nakasandal sa puno ng buko habang nakatingin kay Pabi na nakatingin sa dagat,naka indian seat siya habang nakapangalumbaba.

Lumapit ako sakaniya at tinabihan siya pero parang hindi siya natinag dahil hindi niya parin ako tinignan.

"May problema ka ba?"tanong ko sakaniya,umiling lang siya pero di niya parin ako tinitignan.

"Tungkol ba yun sa nalaman mo kanina?!yung binubully ng mommy allison mo si mommy Lexi?"tanong ko pa sakaniya,bumuntong hininga siya at tinignan ako.

"Hindi ko maintindihan Keiren!"muli siyang bumuntong hininga.

"Bakit niya ginanon si mommy Lexi?!hindi na ba siya nahiya?!tapos si mommy Lexi pa yung nagpalaki sakin di ba nakakahiya!nagmalasakit pa sakin si mommy kahit inaaway pala siya dati ni mommy allison..nakakainis lang kasi"nagsalubong ang kilay niya.

"Pero bati nanaman sila ni mommy ah,wag mo ng isipin yun!naiintindihan yun ni mommy!..si mommy pa alam mo namang napakabait nun"sabi ko at tinap tap ang balikat niya.

"Hindi ko na nga dapat isipin pa!pinasasama ko lang ang pakiramdam ko"tipid siyang ngumiti at tumayo,nilahad niya ang kamay niya."Tara na"nakangiting sabi niya,tinanggap ko naman ang kamay sa pag-aakala kong tutulungan niya ko pero ang gago tinulak ako sa tubig at malakas na tumawa.

"Wow naman,siya na nga tong pinagmalasakitan"inis na sabi ko at hinila ang braso niya dahilan para mabasa din siya,sinabuyan ko ng tubig ang muka niya.

"Waggg!!"sigaw niya habang hinaharang yung muka niya,sinabuyan niya din ako ng tubig kaya nagsabuyan pa kami.Unti unti akong lumapit sakaniya at hinead lock siya.

"Ano ha!"hamon ko at inilagay ang isa kong kamay sa bewang niya at kiniliti siya.

"Tama na poooo!!"sigaw niya habang natawa."Kei!tama na AHAHAHA--yoko na"tumatawang sabi niya at ginagalaw galaw yung bewang niya para iwasan yung kamay kong kumikiliti sakaniya hanggang sa mapaluhod siya sa tubig.

Nabigla ako ng hilahin niyo yung shorts ko,siguro dahil wala siyang makapitan pero ayun na nga!!

"Alah sorry"sabi ni Pabi,agad kong tinaas yung shorts ko at tumikhim.

"Pabi kung gusto mo kong gahasain wag dito!"seryosong sabi ko kaya hinampas niya ako ng malakas sa braso ko.

"Ulul ka!"inis na sabi niya,buti nalang talaga at nakaboxer ako!!naku naku!kung hindi?!makikita niya si junjun na naka salute.

Pabi's Pov

'ANG KAPAAAAL TALAGA NG MUKA NI Kei!!!'

GAGAHASAIN?!HAH!KO?!

"Tsk!hambog talagang tunay"iiling iling pa ko bago lumapit kila Mommy at Daddy.

"Oh anak"gulat na sabi ni mommy,napayakap ako sa sarili ko ng umihip ng malakas yung hangin.

"Bakit ka nagbasa?okay ka na ba?"tanong ni mommy at hinipo ang leeg ko,ngumiti siya sakin at hinaplos yung pisngi ko.

"Alam kong marami kang gustong itanong sakin"bumuntong hininga siya."sasagutin ko lahat yun sa tamang panahon"hinalikan niya ang noo ko at kinuha yung twalya na nakapatong sa upuan.

"Magtwalya ka muna para di ka lamigin"aniya kaya ngumiti ako sakaniya at ipinangbalabal sa katawan ko yung twalya.

"Lexi tikman mo to"sabi ni Tito Xavier,tumingin siya sakin at ngumiti kaya ganun din ang ginawa ko.

"Okay naman ah!masarap kaya parang ako"biro ni mommy.

"Isusumbong kita kay Kaizer"banta ni Tito at nagsimula na silang magkulitan kaya umalis na ko dun at nilapitan sila Sephora at Kairen.

"Gusto ko yung parang sirena ate"sabi ni Kairen na humiga sa buhanginan."Tutulong ako"ngiting asong sabi ko at binuhusan na agad ng buhangin ang hita ni Kairen.

"Tulungan mo ko Sephora"nakangising sabi ko kaya sinabuyan niya din ng buhangin yung hita ni Kairen.

"Kung makautos ah"sabi ni Sephora.

Medyo natagalan pa kami bago matapos yung pabuntot na hugis ng buhangin,biglang dumating si Kei at tinignan si Kairen na nakatulog na pala.

Tatawa tawa siyang kumuha ng buhangin at nilagay sa katawan ni Kairen,lumapit ako sakaniya at tinulungan siyang tabunan ng buhangin ang katawan ni Kairen.

"Kala mong tomboy ka ha!"nakangising sabi ni Kei at binasa yung buhangin para masiguradong maayos ang pagkakakorte,nilagyan ko ng buhangin yung leeg ni Kairen habang pigil na pigil sa pagtawa.

"Makakaganti narin ako!!"mas nilakihan ko pa ang pagdakot ng buhangin at mas tinakpan pa ang leeg niya,sinigurado naming walang parte ng katawan ni Kairen ang hindi matatakpan.

Pati yung ulo niya ay nilagyan din namin at tanging muka nalang ang walang buhangin sa buong katawan niya."Tabunan ko na rin kaya muka nito"natatawang sabi ni Kei at nilabas ang cellphone niya kaya ganun din ang ginawa ko.

Nagselfie ako at pinakita ko si Kairen,si Kei naman ay sinundot yung dalawang ilong ni Kairen na nagpapamuka sakaniyang baboy.Tawa lang kami ng tawa Kei habang pinagtitripan ang muka ni Kairen.

Naglabas nadin ng pentelpen si Kei at tag-isa kaming binaboy ang muka ni Kairen,sinulatan ko siya balbas at pinakapal ko yung kilay niya.

"Alah!wag ganyan"sabi ni Kei at binuksan yung bibig ni Kairen at dun siya naglabas ng chocolate.

"Prepared ah!"natatawang sabi ko,nilagyan niya ng chocolate yung ngipin ni Kairen yung tipong bawat pagitan ay merong chocolate kaya nagmumuka tuloy bungi si Kairen.

"Ganun talaga pag boy scout handa sa lahat ng bagay"nakangising sabi niya.

Sinulatan ni Kei yung butas ilong ni Kairen at nilagyan ng guhit sa noo."Hardcoreeee"tatawa tawang sabi niya at nakipag-apir sakin,muli namin siyang pinicturan habang pigil na pigil ang tawa.

Maya maya ay unti unti na siyang dumilat."Bat di ako makagalaw!"sinubukan niyang igalaw ang katawan niya.

"Anong ginawa niyo sakin!"inis na sabi niya at pilit binabangon ang sarili niya.

"Ate nasan po si Kai---Pffft"nagpigil bigla ng tawa si Kurt kaya tinakpan ko ang bibig niya at kinindatan siya.

"Bakit?!anong nakakatawa?"sigaw ni Kairen at pilit na bumabangon,humagalpak kami ng tawa dahil sa muka ni Kairen.

"Bakit kayo natawa?!susuntukin ko kayo"inis na sigaw niya.

"W-wala"kunyareng seryosong sabi namin ni Kei

.....
Vote,Comment and Follow❤

A/N:Kung napapansin niyong hindi masyadong nalabas yung ibang character sa scene like Evan,Tasher,Dandreb and also Zsa Zsa dahil sa bandang kalahati pa sila magpapasabog ng utot chooosss sa mga pagitna na sila laging susulpot lalo na si Khalex,yun lang!

Alabyu guys❤

OWNED BY KHALEX MONTENEGROWhere stories live. Discover now