Chapter Four 💜

16.2K 328 8
                                    

Chapter Four: Away

_______________________________________

"ANO'NG ibig sabihin nang sinabi ni Kuya Niro, Scarlet? Aalis ka? Pupunta kang Japan?" naguguluhang tanong ni Mavien habang nakasunod sa akin papasok sa loob ng apartment.

Nagpakawala naman ako ng isang malalim na buntong hininga at hinarap siya nang tuluyan kaming nakarating sa sala. Hindi ako makaapuhap ng tamang salitang bibitawan lalo na't nakita ko ang reaksyon ng mukha niya.

"Don't just look at me, Scarlet! I need an answer! I know something is wrong but I remain quiet because I trust you!" he exclaimed madly.

Mariing ipinikit ko sandali ang mga mata ko bago tuluyang sumagot.

"Mavien," I uttered his name softly. "Naisip ko lang din naman kasi na kailangan na nating sanayin ang mga sarili nating hindi tayo naka-depende sa isa't-isa. What I'm trying to say is that it's time for us to part ways."

Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi ko.

"That's the reason why you told me those crappy things days ago, right? Because you're really going to leave me!" he hissed. "What about those promises? Nangako tayo sa isa't-isa, Scarlet, na walang iwanan! Nangako ka noon sa akin!"

I bit my lower lip and I can almost feel the heat radiating under my eyes. No! I'm not going to cry.

"Our friendship will still remain the same kahit na magkalayo tayo. But we need to face reality na mayroon tayong kanya-kanyang buhay. Katulad mo, hindi magtatagal ay ikakasal na kayong dalawa ni Sam," I explained.

"Is it because of my damn wedding kaya gusto mong lumayo?" galit na tanong niya. "Iniisip mo bang hindi ako tutupad sa pangako natin kapag nag-asawa na ako, is that it? Hindi naman iiba ang pakikitungo ko sa 'yo, Scarlet, kahit na may-asawa na ako."

"Mavien, desisyon ko 'to. Bago mo pa nasabi sa akin na magpapakasal ka na ay tinanggap ko na ang offer ng kompanya. Wala lang talaga akong lakas ng loob na ipaalam sa 'yo na aalis ako."

"You already made a decision without consulting my opinion about this matter, Scarlet!" bulyaw niya.

Napalabi naman ako nang bigla niyang sinabunutan ang maiitim na buhok niya gamit ang dalawang kamay. I can see how frustrated he is right now.

"Mavien, isa 'to sa mga pangarap ko------"

"And I'm becoming a hindrance for you to reach your dreams," putol niya sa sasabihin ko.

Umiling naman ako sa sinabi niya.

"Hindi, Mavien!" I exclaimed frustratedly. "Ang gusto ko lang naman ay maintindihan mo-------"

"Then what about me, Scarlet?" he interrupted. "Kailan mo magagawang intindihin ang magiging desisyon ko? You just decide on your own. Wala bang lugar ang desisyon ko dito?"

"Mavien...I...."

Wala akong maapuhap na sasabihin. Umiling naman agad siya sa naging reaksyon ko.

"Ewan ko, Scarlet! Ang unfair mo!" he said annoyingly bago tuluyang lumabas ng apartment.

Nanghihinang napaupo nalang ako sa sofa. Naisubsob ko ang mukha ko sa mga palad ko. I sigh in frustration.

I don't know what to do anymore...


***************

LUMIPAS ang isang araw na hindi nagpakita sa akin si Mavien. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago ako tuluyang lumabas ng building ng kompanya kung saan ipinasa ko ang mga papeles na kinakailangan sa pag-alis ko papuntang Japan.

Alam kong nagtatampo parin hanggang ngayon sa akin si Mavien dahil sa huling pag-uusap naming dalawa. And I really want him to understand my reason. I want him to accept my decision because this is the right thing we must do.

Nagpakawala ulit ako ng isang malalim na buntong hininga at ibinaling ko nalang ang tingin sa kalsada upang maghanap ng maaaring sakyan pauwi sa apartment. May humintong itim na SUV sa harap ko. Kumunot ang noo ko nang biglang bumaba ang windshield ng sasakyan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang nagmamay-ari ng sasakyan.

"Mavien," I uttered.

"Get in," malamig na sambit niya.

I swallowed the lump on my throat. Hindi na ako umangal pa. Binuksan ko na agad ang pinto ng sasakyan at pumasok sa loob.

Sa buong durasyon ng biyahe ay wala man lang may nagtangkang magsalita sa amin hanggang sa tuluyan kaming nakarating sa apartment ko. Binaling ko agad ang tingin ko sa kanya. Bahala na!

"Ahmmm, maraming salamat sa paghatid," nahihiyang saad ko. Bubuksan ko na sana ang pinto ng sasakyan upang lumabas nang bigla siyang nagsalita. Natigilan naman ako.

"Scarlet," he uttered my name using his sweet voice.

Kaagad na ibinaling ko naman ang tingin ko sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko nang magtama ang mga mata namin sa isa't-isa.

"Okay," he said out of the blue.

"Ha?" I asked confused.

"I already said okay. I understand you," he said again.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig.

"Talaga?" I exclaimed. "I mean....you mean that you're already okay with it? That you already understand my point?"

Tumango naman siya bilang sagot. Ganoon nalang ang kasiyahang namutawi sa dibdib ko dahil sa mga nangyayari. Oh gosh, I can't believe this! In just a day, Mavien already understand what I'm trying to point out. And he's already okay with it. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya nang mahigpit.

"Thank you, Mavien!" I said in happiness. "Thank you talaga!"

Akala ko talaga ay magtatagal pa ang pagtatampo niya. And I'm glad na hindi nangyari 'yon. Sabi ko na nga ba at maiintindihan din niya ako.

"I missed you, Bogs. Huwag na tayong mag-away ulit, ha?" parang batang tanong niya at niyakap din ako.

Napangiti naman ako at marahang tumango.

I guess it's better if we spend more time together while we can still see each other because I know we won't be doing this often.

-

♡lhorxie

MD 2: Live For Love (1st Generation) ✔Where stories live. Discover now